Chapter 31: Forced Engagement Party

277 5 1
                                    

"Masaya ka ba?" tanong ni Niana habang abala ang mga make-up artists sa pag-aayos sa kaniya.

"Hindi ko alam basta ang alam ko, sumusunod lang ako." sagot niya.

"Aminin mo na kasi sa loob mo masaya ka rin." pagpupumilit ni Niana.

"Siya ba masaya?" nanlulumo nitong tanong.

Niana just shrugged her shoulders. From hair to the face, pati na rin sa pagsusuot ng kaniyang white dress ay natapos na sa loob ng halos dalawang oras.

"Ang ganda mo talaga!" papuri ni Niana sa kaibigan sabay yakap sa likuran nito. Kitang-kita ang masayang mga mukha nila sa malaking salamin.

"Thank you." she giggled.

Natigil sila sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang mama ni Gneiss na nakabihis na rin.

"All set?" tanong nito sa mga inutusan niya.

"Yes, Madam." sagot ng isang gay na hair stylist.

Lumapit ito sa anak na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng salamin, Niana cleared the way at umupo muna siya sa sulok sabay ayos sa kuko niyang na-disarrange daw.

"Is my lovely daughter ready?" humalik ito sa ulo ng anak.

"Yes ma." ani Gneiss at pilit na ngumiti.

"Let's go," inalalayan na nito ang anak sa pagtayo.

Hawak rin nito ang kaniyang braso, sumenyas rin siya kay Niana na sumunod na. Nasa likod lang nila ito habang kinakalikot ang kaniyang cellphone.

Ilang sandali pa'y humiwalay siya sa mag-ina, nagtungo siya sa may exit door upang kitain roon si Kyler doon na ito naghintay kasi hindi pa raw nakabihis kakalapag pa lamang kasi ng eroplano nila at dumiretso na siya agad rito.

Sila Gneiss naman ay nagtungo na sa main venue sa hotel garden naroon na ang mga high profiled na bisita at sinasalubong siya ng papuri at pagbati. Inilibot nito ang tingin at napansing naka-display pala ang litrato nila ni Kian sa harap at nakalagay  pa ang mga salitang "Welcome to the engagement party of Kian ang Gneiss"

"You're so pretty, iha." pagbati ng Tita Ruby niya, ang mama ni Sapphire.

"Thank you po Tita, where's Sapphire po?" she kissed her aunt's cheeks afterwards.

"May training raw sa cheerdance hindi makakadalo, sayang nga e," nanghihinayang nitong sagot.

"That's okay po, Tita baka hahabol rin 'yon." she smiled.

Nagpaalam na rin ang mama nito sa kapatid at sumunod na pumunta sa harapan kung saan naroon naghihintay si Kian at mga magulang nito. Agad napako ang atensiyon ni Gneiss kay Kian na nakatayo lang sa harapan walang anumang bahid ng emosyon ang mukha at pilit lamang sumasagot sa bumabati sa kaniya. Makikita ang saya sa mukha ng kanilang mga magulang ngunit, bakit silang dalawa hindi?

"Are you really okay?" biglaang tanong ng kaniyang ina na siyang gumising sa kaniya.

"Yes ma," she hurriedly became attentive at itinuwid na ang paglalakad.

Narating nila ang kinaroroonan nila Kian.

"Amiga, my soon to be balae, malapit na." pambungad ng mama ni Kian.

"Oo nga balae, pasensya na at wala pa ang asawa ko may iniwan pa kasing trabaho sa bahay maya-maya ay darating na 'yon." tugon niya.

"Ayos lang 'yon, ang ganda at guwapo talaga ng mga anak natin bagay na bagay." tuwang-tuwa pang dagdag ng Nanay ni Kian.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon