Chapter 11: Lipbalm

181 8 0
                                    

"Sasabay ka ba sa amin mamaya ni Gneiss, Insan? Pa-enroll tayo." Kyler, said on the other line. He heard the water coming out from the shower pouring down over the surface.

"Sure, insan. Magbibihis na rin ako." aniya, pinatay nito ang shower at napahilamos sa mukha, sinuklay pa nito ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Nakatali ang tuwalya sa kaniyang baywang at nag-atubiling lumabas ng banyo.

"Sige, insan susunduin ko na si Gneiss, We'll meet you on the parking lot." he answered, and hang-up the call. He hurriedly went to their garage. Nakasuot lang ito ng vintage na ripped jeans na fit sa kaniya, isang plain white tee-shirt at Stan Smith na sapatos.

Hindi na ito nagpaalam sa kaniyang ama na abala sa pagkausap sa babae nito sa telepono. He knows everything about it, but, he chose to be silent. He doesn't want to hurt her mother na nasa States siyang nag-aasikaso sa kompanya nila na dapat ang Tatay nito ang gumagawa. Naghahanap lang siya ng tiyempo upang aminin ito sa kaniyang ina at umalis na sa puder ng kaniyang Ama na walang ibang ginagawa kung hindi lapastanganin sila.

He took a deep breath before starting the engine, binuksan ng guwardiya ang gate at dali-dali nitong pinaharurot ang kaniyang kotse, papunta kila Gneiss na isa at kalahating kilometro ang layo sa bahay nila. Nasa kalagitnaan siya ng pag-da-drive nang mag-ring ang cellphone nito.

"Hello?" sagot niya. Medyo binagalan nito ang pagpapatakbo.

"Kyler, sorry pala hindi ako makakasama sa inyo ngayon nila Gneiss, may family getaway kami sa Hawaii biglaan, hindi naman ako makatanggi since buong pamilya namin 'yon." saad ni Niana sa kabilang linya. Ang plano dapat nila ay pagkatapos nilang magpa-enroll ay sasamahan nila si Niana at pagkatapos niyon ay manonood sila ng sine.

"Ganoon ba? Sige, enjoy ka roon ha? Send ka rin ng pictures mo na nakabikini." He joked. Napatawa ito ng mahina sabay hampas sa manibela.

"Kung anong pinagsasabi mo, sige na. Mag-iingat rin kayo tawag ako sa inyo ni Gneiss mamaya." mahinhin nitong sagot.

"Okay, sige po bye." he shortly added.

"Bye rin, bababa ko na." ibinaba na nito ang linya.

Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating na siya sa bahay nila Gneiss, naroon na siya sa tapat ng gate nila at hinihintay siya nito. Napalingon siya nang tumigil ang kaniyang sasakyan. Bumaba si Kyler at pinagbuksan ang pintuan sa passenger's seat.

"Papunta pala sina Niana sa Hawaii ngayon, alam mo na?" panimula nito. Pumasok siya sa kotse. Umikot naman si Kyler at agad naupo sa driver's seat.

"Oo, kakatawag niya lang actually." sumulyap siya kay Gneiss. May napansin siya sa mukha ng kaibigan, inanalisa niya nang mabuti at napagtanto nito ang pagbabago.

"You've put something on your lips." pagsasabi niya.

"Lipbalm lang 'to, sinabi kasi ni mama hindi naman ako makatanggi." ngumiti siya.

"Oh, okay lang 'yan dalaga na Gneiss namin." napangiti rin ito ng malawak.

"Kung anong napapansin mo, mag-drive ka na nga." pag-uutos nito. Binuhay na ni Kyler ang makina at nakarating naman kaagad sila sa parking lot.

"Hihintayin muna natin si Kian rito, malapit na rin 'yon." tumingin siya sa wrist watch nito.

Gneiss just nodded in return, kinulot nito ang dulo ng kaniyang buhok, dahilan para manibago si Kyler sa mga kilos nito. Nagiging conservative siya sa katawan this past few months. That was his conclusion.

"Nandito na pala siya." pambungad nito sa kakarating lang na si Kian. He was dressed casually and classy pero masyadong flashy.

"Hey!" tinapik nito ang balikat ni Kyler. Nagkaroon ng kaunting pag-uusap ang dalawa. Bago ito lumapit kay Gneiss. Yumakap ito sa kaniya. 'yong yakap na parang dati lang. Naramdaman na naman ni Gneiss ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.

"Tayo na nga." pag-aaya ni Kian at inakbayan ang dalawa. Sabay silang pumasok sa Unibersidad, tinitignan sila ng lahat pero nasanay na sila dahil alam nilang matalik na magkakaibigan ang tatlo simula pa lang.

Pumila sila sa admitting area, at saka may ibinigay silang papel, which they will fill up. Naupo sila sa bleacher katapat lang ng gym at doon na inasikaso ang mga papeles na 'yon.

"Oo nga pala, STEM ang kukunin nating tatlo, Sana magkakaklase tayo." hiling ni Kyler. Tumigil sa pagsusulat si Kian at Gneiss saka bumaling sa kaniya.

"Oo naman, sure na 'yon. I feel it." paniniguro ni Kian. Tumango na lang rin si Gneiss bilang simpatya.

"After pala nito manonood tayo ng sine, treat ko na. Sayang hindi makakasama si Niana, palipad na siya papuntang Hawaii ngayon." lumungkot ang tono ng boses ni Kyler.

"Okay lang 'yan insan, hindi ka n'yon ipagpapalit." napahalakhak si Kian, sinamaan lang siya ng tingin ni Kyler, at sinenyasang tumigil siya dahil nagtataka na rin si Gneiss.

"May gusto ka ba kay Niana?" curious na tanong ni Gneiss. Nagkatinginan ang dalawang magpinsan.

"H—hindi ah! Nagbibiro lang si insan. 'di ba insan?" pagtanggi nito.

"Joke lang kasi 'yon Sunny ko." ginulo ni Kian ang buhok nito. Napansin niya rin ang labi nito na nalagyan ng lipbalm.

"You put something on your lips?" ma-awtoridad na tanong nito, nagbago bigla ang timpla niya. Para bang, naging sobrang seryoso.

"Oo," matipid na sagot nito.

"Remove that." he said. Maging si Kyler ay nagulat rin sa tinuran ng kaniyang pinsan.

"Huh? Okay naman Kian ah? Saka, suggestion 'to ni mama, hindi ko naman puwedeng suwayin siya." pagtatanggol nito.

"Oo nga insan, dalaga na rin ang Gneiss natin. May tinatawag naman tayong development 'di ba? Mas lalo nga siyang gumanda e," pag-sang-ayon ni Kyler.

"I'll talk to Tita later, I just want you to remove whatever you've put on your lips." pagpupumilit pa rin niya.

"Kian—

"It's a no, you don't want to remove it? Okay, ako na lang." kinuha nito ang panyo sa bulsa niya at pinunasan 'yon, halos magdikit na ang mga mukha nila. Naaamoy rin ni Gneiss ang napakabangong hininga nito at ang manly scent na bumabalot sa katawan niya.

Si Kyler naman na mapang-asar ay kinuhanan niya sila pareho ng litrato sa ganoong posisyon at saka ni-send kay Niana. He also put it on his story on facebook. Ang first viewer niya ay si Sapphire na walang reaction, simula kasi nang gumawa siya ng Facebook account ay palaging pinupusuan o naglalagay ng reaction si Sapphire sa mga stories niya, ngayon lang na wala.

Nakatitig lang si Gneiss sa kabuuan ng mukha ni Kian, habang ginagawa niya 'yon, makapal ang kilay niya, mapula at kissable ang labi. Bilugan at kulay brown ang kaniyang mga mata, mahahaba ang mga pilikmata, matangos ang ilong at perpekto ang pagkahulma ng kaniyang baba, namumula pa ang dalawang tainga. Nasaksihan niya rin ang pagtaas baba ng kaniyang adam's apple dahil panay ang lunok nito. Hindi, tumigil sa malakas at mabilis na pagtibok ang kaniyang puso, iniisip kung naririnig ba 'yon ni Kian.

"PDA na 'yan uy!" pagsita ni Kyler sabay halakhak, ibinulsa na nito ang kaniyang cellphone at hinihintay pa rin ang reply ni Niana.

"Bakit mo ba kasi tinanggal 'yong lipstick ng Gneiss natin, insan?" he followed up. They both faced him. Umayos rin ng upo si Gneiss.

"I don't want to see her changing herself, gusto kong siya pa rin si Gneiss na simple, at walang anumang arte at ayos sa katawan. Kahit, ganoon siya, I still love her. Doon ko siya minahal," he straightly said.

Making Gneiss and Kyler speechless. Ilang sandali rin bago maka-recover si Kyler at saka ngumisi nang pagkalawak.

"Naks! Sandali may naaamoy ako." kunwari pang may inaamoy sa ere si Kyler, binatukan naman siya ni Kian.

Hindi mapigilan ni Gneiss, ang kaniyang sarili. Ang sinabi niya bang 'yon, ay nagpapahiwatig ng pag-asa?

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon