The perfect way to a man's heart is his stomach. Kaya nga parating nagluluto si Gneiss para kay Kian, kahit minsan ay hindi niya ito nakakain dahil late na siyang umuuwi kung hindi naman ay hindi siya nag-aabalang tignan at tikman lang man ang mga ito. Mahigit limang buwan na rin silang nagsasama sa iisang bubong, may mga araw na para kay Gneiss ay gusto niyang ipagdiwang at may mga araw na gusto niya na lang matapos. Mas lalo siyang pinatatag ng bawat sirkumstansiya, hinahasa siya ng bawat sakit, she's been through a lot of breakdowns, but she overcome all of that, she's indeed soft yet strong.
Kinabukasan, naging abala si Gneiss sa pagluluto, naghahanda ng agahan nila, hindi pa nagigising si Kian, hindi niya na muna ito ginising dahil kailangan niya ng sapat na pahinga para lumakas na kaagad, nawala na ang lagnat nito pero, kailangan niya pa ring masiguro na hindi na siya magkakasakit sa susunod. Magkaharap silang natulog kagabi, naglagay si Gneiss ng unan sa gitna para magsilbing "boundary" kuno, hindi pa pumayag si Kian nang una pero wala rin naman siyang magagawa. Bago natulog si Gneiss, ay tinitigan niya lang muna si Kian ng ilang sandali. She's safe, on his side, for her, he's her safe zone. Natapos niya nang mainhanda ang mga putahe na pagsasaluan nila, she decided to just bake cupcakes for their dessert. Natapos niya rin 'yon pagkaraan ng ilang minuto.
Nang makarinig siya ng yapak ng mga paa galing sa hagdan ay tinanggal na nito ang kaniyang apron at inayos ng mabilis ang pagkakatali ng buhok niya, all set na ang lahat. Ngumiti naman si Kian nang masulyapan ang mapapangasawa, mukha mang haggard dahil kakatapos lang magluto ay maganda pa rin siya, in his eyes. His thoughts about her, is currently igniting.
"Good morning." pagbati niya kay Gneiss.
Lumapit naman siya kaagad sa lamesa at nanghila ng dalawang upuan, the one is obviously for Gneiss.
"Kamusta tulog mo?" tanong ni Gneiss. Umupo na sila pareho, at ngayon ay magkarharap na sila.
"It's okay, I feel better when you're on my side." Ngumiti si Kian.
"That's good, let's pray first we before eat." tugon ni Gneiss.
"Okay, I'll lead the prayer." boluntaryong wika ni Kian.
Nanibago naman si Gneiss dahil siya parati ang taga-panguna ng pagdarasal kapag kakain, kahit pa silang tatlo nila Kyler at Niana ang nagsasalo-salo. Sumang-ayon na lang si Gneiss sa gusto ni Kyler.
Pumikit si Kian. "Lord, thank you for these foods and thank you for giving me a loving and beautiful future wife, amen."
Napalunok na lang si Gneiss, ngunit bago pa siya mahuli ni Kian na nakatitig sa kaniya ay umiwas na siya kaagad at itinuon na lang ang paningin sa mga pagkain pagkatapos nilang magdasal.
"Let's eat?" pag-aaya ni Kian.
Ngumiti na lang siya't nagsimulang magsandok ng pagkain, ganoon din ang ginawa ni Kian.
"Gneiss may tanong pala ako." ani Kian.
Pinunasan naman ni Gneiss ang bibig niya saka siya bumaling dito. "Ano 'yon?"
"Kapag ikinasal na tayo, saan mo gustong mag-honeymoon?"
Literal na nabilaukan si Gneiss, mabuti na lang ay agad siyang inabutan ng tubig ni Kian, napaubo rin siya nang maka-ilang ulit.
"Ba't naman ganiyan, saka na." anito.
"Any suggestions lang naman." dagdag pa ni Kian.
"Paris." matipid na sagot ni Gneiss.
Napagtango-tango si Kian. "Great, pareho tayo ng gusto."
Nagpatuloy nila sa pagkain, unang natapos si Kian, pero naisipan niyang kumain pa ng dessert. Napatigil siya sa pagkuha ng masulyapan ang pamilyar na cupcakes para magkaalaman ay tinikman niya ito, the same taste, texture and design. He remembered something, it was the same with the cupcakes that, Sapphire gave almost two years ago.
"This cupcakes is very familiar." aniya. Nakatitig pa rin siya dito habang ngumunguya.
"Itanong mo na lang kay Sapphire." sagot ni Gneiss. Tumayo na rin siya at nagtungo sa may sink para kunin ang brownies na nasa loob ng oven.
"Baka pareho lang kayo ni Sapphire ng way of baking this kind of cupcake." litanya pa ni Kian.
Humarap naman si Gneiss sa kaniya, "Baka nga."
After an hour of eating their breakfast, nagligpit na silang dalawa ng kanilang mga pinagkainan. Nagpaalam rin si Kian na dadalaw siya sa parents niya at uuwi rin mamayang hapon, pumayag naman si Gneiss kaagad. Mabuti rin 'yong may updates sila sa mga parents nila.
Dahil sa naubos na ang ibang mga ingredients ni Gneiss sa pag-bi-bake ay napag-isipan niyang lumabas para mag-grocery, plano niya ring bilhan si Kian ng bagong relos dahil nakita nitong wala na siyang suot na relo, siguro'y naiwawala niya sa tuwing nalalasing siya. Hindi naman mahilig pumasok sa mga malls si Kian, kaya siguro hindi siya makabili ng bago. Bago 'yon ay nangolekta muna siya ng mga labahan, una niyang pinuntahan ang kuwarto ni Kian.
Dinampot nito ang isang coat ni Kian na nasa ilalim ng lamesa, sinuri niya muna ang bawat bulsa nito dahil baka may mga importanteng papel o gamit na nandito.Nakuha niya ang isang pamilyar na kwintas. This is a gold necklace may palawit itong letter S, isa lang ang nakita at nakasanayan niyang tignan habang suot ito, it was her cousin. Nagsimula na namang mabulabog ang isipan niya, kung ba't nandito ang kwintas ni Sapphire, nagkikita pa rin ba sila? Hindi naman 'yon malabong mangyari, kaya nilang magtagpo ng patago. Ibinalik niya na lang 'yong kwintas sa loob ng bulsa at pati ang coat ay ibinalik nito sa ilalim ng kama, naisip niyang baka doon talaga inilagay ni Kian 'yon para hindi niya makita.
Nagmamaneho siya ng sasakyan at na-stuck sa matinding traffic noong nasa ilalim siya ng over pass. Naisipan niyang buksan ang cellphone niya, agad nag-pop out ang isang voice message galing kay Kian. Saying, mag-iingat ka diyan sa bahay, uuwian pa kita, ang sarap ng mga niluto mo, ang galing talaga ng future asawa ko.
Gusto niyang maging masaya sa sinabing 'yon ni Kian, pero ayaw niya na muli dahil alam niyang kapalit nito'y lungkot na naman, nadadala na siya sa takbo ng tadhana. Umusad na ang traffic at narating niya na ang supermarket.
Natigil lamang siya nang makita sa katabi lang ring restaurant ng papasukan niyang supermarket si Sapphire with another guy, kitang-kita ni Gneiss sa dalawang mata nito kung paano halikan ni Sapphire 'yong lalaki sa pisngi, magkadikit rin ang kanilang mga ilong at magkahawak pa sila ng kamay. Gusto niyang humakbang pero, para siyang na-estatwa, after all these time, niloloko siya ni Kian for her cousin na alam niyang kinababaliwan nito and Sapphire on the other hand is cheating over Kian all along? Ayaw niya muna sanang isipin ang mga ganitong conclusion, subalit 'yon talaga ng pumapasok sa utak niya.
Kung hindi pa tumunog ang ringtone ng cellphone niya'y hindi na siya babalik sa katawang lupa. Sinagot niya kaagad nang makitang ang tumatawag ay si Kian.
"Hello, Gneiss." pambungad ni Kian.
"H—hello." nauutal niyang tugon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga mag-sink-in sa utak nito ang kaniyang nasaksihan.
"Ba't ka ganiyang magsalita? Nanginginig, are you okay?" he worriedly said over the line.
"Wala, bakit ka pala napatawag?" she diverted the topic.
"Wala na-miss kita, bigla."
Nalaglag muli ang panga ni Gneiss.
"Okay." 'yon na lang ang lumabas sa bibig niya.
"Don't worry, I'll go home later, don't forget that you're my home. Uuwi pa rin ako sa'yo."
She was his home, and he's her everything.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...