Chapter 17: Halloween Ball

184 10 0
                                    

One month after the sports fest, Halloween Ball had arrived, abala ang lahat sa Westbrook sa paghahanda para sa engrandeng halloween ball na magaganap mamayang gabi. Nasa lobby naman ang tatlo sina Kyler, Kian at Gneiss, pinagigitnaan nila ang babaeng kaibigan.

"Anong costume ninyo mamaya?" tanong ni Kyler na pasipol-sipol pa sa paligid.

"Secret." sabay na utas nila Gneiss at Kian, nagkatinginan pa ang dalawa.

"Ayieeeee, sabay kasi pareho ang laman ng isip, ang puso kaya?" pang-aasar ni Kyler, binatukan ito kaagad ni Kian.

"Palagi ka talagang gumagawa ng issue." ani pa niya.

"I'm just stating the fact." napahaplos pa siya sa kaniyang batok.

"Ewan ko sa'yo Kyler, palagi kang may problema sa amin." pag-singit naman ni Gneiss.

"Oo nga Sunny ko, upakan ko na kaya?" pagbibiro niya.

"Bahala nga kayo, mauuna na ako susunduin ko pa si babe, kita kits na lang mamaya." pamamaalam nito.

"Sige, ingat kayo." nag-fist bump na sila ni Gneiss.

"Sige insan, ingat ka wala pa kayong label." pasaring naman ni Kian.

Napairap sa kaniya si Kyler. "Atleast, sweet." napahalakhak siya at saka na naglakad paalis.

Nagkatinginan muli si Gneiss at Kian. "Let's go?" pag-aaya nito. Tumango si Gneiss at inakbayan na siya ni Kian.

"Do you want to eat something?" anito habang naglalakad sila papuntang parking lot.

"Okay lang ako, uuwi na lang para makapaghanda na rin tayo," sagot niya.

"Is that it? Okay, susunduin ba kita mamaya?" he added. Binuksan niya na ang passenger's seat at iginaya ang kamay sa loob, naupo na rin si Gneiss.

Umikot muli siya.

"Hindi ka ba busy mamaya? I heard the Student Council will take charge on the activity." tugon niya.

Pinaandar na nito ang sasakyan. "Oo nga pala, so, kita na lang tayo mamaya roon?" sumulyap siya sa rearview mirror, tumango na lamang si Gneiss.

"How are you with Sapphire? I noticed, hindi kayo masyadong nag-uusap." panimula niya ulit.

"Okay kami, don't worry." pagsisinungaling niya. They're not okay, they'll never be okay.

Ilang sandali pa'y narating na nila ang bahay nila Gneiss. Bumaba siya upang pagbuksan muli siya.

Gneiss unbuckled her seatbelt, nang akmang tatayo na siya upang bumaba ay natapilok siya, mabuti na lang at nasalo siya ni Kian. Nahulog ang eyeglass nito sa daan, at nakapilig ang kaniyang ulo sa dibdib ni Kian.

Agad siyang, umayos ng tayo, hinanap ang kaniyang eyeglass, ay iniabot naman 'yon ni Kian. Napangiti si Kian sa kaniyang inasal, ang cute niya talaga he said on his mind.

"Mas maganda ka kapag wala kang eyeglass." komento nito.

"T-thank you, pero hindi naman puwede na wala ako nito." napahagikgik siya.

"Oo nga, paano ba 'yan. Mauuna na ako?" pagpapaalam niya.

"Mag-iingat ka." tugon niya.

Muli siyang, lumapit kay Gneiss at hinalikan niya ito sa noo. Hindi na naman mapigilan ni Gneiss ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Nakaalis na si Kian pero nakatayo pa rin siya doon, hindi pa siya nakaalis kung hindi dumating ang mama niya at binusinaan siya.

Time check, 7;30 P.M, palabas na si Gneiss ng kanilang bahay she's wearing a costume of a white lady, nagpalagay ang mama niya ng contact lens para hindi na niya kailanganin ang salamin nito. Pababa pa lamang siya ay rinig na nito ang palakpak ng kaniyang mga magulang.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon