Nang makauwi silang dalawa sa kanilang bahay ay agad silang sinalubong ng guwardiya at inalalayan sila nito sa mga hawak nila.
"Ma'am,nagpunta po kanina dito ang mama ninyo pero ang sabi ko lumabas kayo para mag-date." sabi ng guwardiya.
Parehong nagulat si Gneiss at Kian makikita 'yon sa mga mata nila.
"Ano pong sagot niya?" pag-usisa ni Gneiss.
"Wala naman po tuwang-tuwa pa nga."
Nagkatinginan si Kian at Gneiss, nararamdaman nila ang pangamba pareho, mabuti na lang at binilin nila ng maayos si Mang Lito ang kanilang security guard.
"Sige po kuya, next time alam niyo na ulit ang gagawin ninyo." tinapik ni Kian ang balikat nito. Tumango lang naman ang lalaki.
"Let's get inside.." hawak pa rin niya ang palapulsuhan ni Gneiss, nakasunod naman si Mang Kanor na kinikilig yata dahil panay ang ngiti nito.
Pagbukas nila ng pintuan, biglang sumabog ang isang confetti at doon na naglabasan sa kanilang lungga si Kyler at Niana, may pa-surprise ang mga ito dahil napakalaki naman bang tarpaulin na nakasabit sa pader with the phrase "welcome home husband and wife". Kaagad na tumakbo si Niana para yakapin si Gneiss.
"Miss na miss na kita!" naiiyak nitong untag habang yakap pa rin ang kaibigan. Nang mapansin nitong hawak pa rin ni Kian ang kamay ni Gneiss ay umirap siya.
"Kunwari ka pa, bitawan mo na.." aniya.
Napakamot na lang si Kian sa ulo at saka binitawan ang kamay ni Gneiss. Sumunod ring yumakap si Kyler kay Gneiss with matching halik pa sa noo.
Umismid si Kian dahil doon, "Yakap lang kasi.."
Kyler chuckled. "Nagseselos ka ba?"
"Ako future asawa nga hindi ba?" he claimed.
Humalakhak ng malakas si Niana, pumapalakpak pa ito.
"Mambabae ka na lang ul*l!" sigaw nito kay Kian.
Kyler approached her instantly at tinakpan ang bunganga nito gamit ang kaniyang kamay. Hindi na makapagsalita si Niana kahit anong laban niya.
"Let's eat?" pag-aaya ni Kyler.
Tumango na lang si Kian at Gneiss. As usual Kian pulled a chair for her. Niana was just staring at them all the way around, napapailing na lang ito dahil hindi nga siya makapaniwala sa pinag-aasta ni Kian, she thought he's just playing around. If she only knew how sincere Kian is, mawawala ang pangamba at hinala nito.
"Anong ginawa niyo noong kayo lang dalawa sa ospital?" tanong ni Niana habang ngumunguya ng buttered shrimp.
"Babe naman, paki-censored ang bunganga mo." pagsita ni Kyler.
"Malamang natulog ako tapos nakabantay siya." tugon ni Gneiss.
"If ever ginawa nga namin 'yang iniisip mo hindi ka ba matutuwa? Kasi magkakaroon ka na ng inaanak?" paghahamon sa kaniya ni Kian.
Naibuga pa ni Gneiss ang pagkain na nasa loob ng bibig niya.
"In fairness nakakakilig 'yan!" humagikgik si Niana.
"Sira-ulo.." Kian whispered.
"What did you say?" nanggagalaiting tanong nito.
"Wala ang sabi ko bagay kayo ni Kyler.." pagsisinungaling ni Kian.
Tumango-tango na lang si Niana habang nagpipigil naman sa pagtawa si Kyler dahil alam nitong kapag tinawagan niya ang sarili nitong girlfriend ay malilintikan siya rito.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...