"Wews! Top 1 sa klase." papuri ni Kyler, kasalukuyan silang nakatingin sa bulletin board kung saan naroon naka-paste ang mga Top 1 per strand, at sa STEM nga ay si Gneiss. Sinadya nila ang maagang pagpasok ni Kyler para dito, mamaya kasi ay magsisiksikan na naman ang lahat rito.
"Congratulations beybeh." pumalakpak si Kyler.
Hindi makapaniwala si Gneiss, ang buong akala niya'y nasa top 5 or 10 lang siya, for sure, her parents will be really proud of her again.
"Thank you, unexpected talaga." hindi pa rin makapaniwalang sambit nito.
Inakbayan siya ni Kyler. "Ang talino mo kaya, ewan ko lang ba't 'di ka pinili." sarkastikong wika niya.
Napairap sa kaniya si Gneiss. "Loko ka talaga. By the way, bakit wala pa siya?" pasubali pa niya.
"Hinahanap mo 'di ka naman pinipili." paghihirit niyang muli.
"Ewan ko sa'yo pakiwahak muna 'to." iniabot nito ang kaniyang bag. "Cr lang ako."
"Okay, bilisan mo ha? Hindi ko nagawa 'yong assignment sa math, gagawin ko pa lang." sabi ni Kyler. Isinukbit naman nito ang backpack ni Gneiss sa harap hindi sa kaniyang likod.
"Kopya ka na lang sa akin mamaya." ngumiti pa si Gneiss at umalis na.
"Thank you beybeh." nag-flying kiss pa ito.
Ngingiti-ngiti siyang pumasok sa restroom laking gulat niya nang makita si Sapphire sa loob kasama ang mga kaibigan niya, nakalinya sila sa harap ng salamin habang naglalagay ng liptint.
Napansin siya ng mga ito kaya agad silang tumingin sa kaniya.
"Oh, couz! I was informed you're the top 1 in our strand this first semester?" sarkastikong tanong niya.
Alam ni Gneiss na hindi maayos ang tirada nito, parang bang pakitang tao lang siya this time.
"Oo, ako nga." she politely said.
"Ganoon ba? Parang 'di naman bagay sa'yo maging top sa klase, palagi ka ngang talunan pagdating sa pamilya natin, kasi, everyone knows I am better than you since childhood days, right?" her eyebrow arched, nakahalukipkip ang mga braso nito ganoon din ang asta ng kaniyang mga alipores.
"Sapphire, stop I am not doing something against you, so crap it." walang emosyon niyang tugon.
"Why will I? Sabagay, 'di na bale kung talunin mo ako sa lahat ng bagay, basta ang mahalaga panalo ako when it comes to Kian," kinulot nito ang dulo ng kaniyang buhok.
"Not here to argue, restroom is for the nature's call not a place to talk about your wraths, excuse me."
Natagis ang bagang ni Sapphire, akmang papasok na si Gneiss sa isa sa mga cubicles nang hawakan nito ang kaniyang siko at diniinan ang pagkakahawak rito, bumabaon na rin ang kulay itim niyang kuko.
Hinarap siya ni Gneiss, her face was still emotionless. "What is your problem?" she asked.
"You'll never ever be me, note that." madiin niyang isinalabi.
"Tapos ka na ba?" tinaliman niya ito ng titig.
Hindi na alam ni Gneiss kung bakit nagagawa niyang umakto ng ganito sa mga oras na 'to, maybe the situation really pushed her to do so.
She didn't get her hands out of Gneiss elbow, mas matagal mas nagiging madiin.
Biglang bumukas ang pintuan at naalerto din si Sapphire binitawan nito ang pagkakahawak niya sa kaniya, ang kaso, huli na dahil nakita 'yon ni Kyler.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...