Kaagad binuksan ni Gneiss ang lunchbox nito nang mag-break time na. Kinuha niya ang dalawang tupperware na kulay pink kung saan nakalagay roon ang mag cupcakes that she baked last night, ipanainit niya na lang ito sa oven kaninang umaga.
"Bibigyan mo ako niyan?" Kyler casually said. Naka-dekuwatro pa ito at akala mo kung sinong Hari kung umasta.
"Asa ka." sagot ni Gneiss, bahagya pa itong umirap bago tumayo at nagtungo sa direksyon ni Meisha at Aika ang dalawang classmates nitong mahilig maglaro ng jackstone tuwing free time nila.
"Para sa inyo." aniya, at saka ito iniabot kay Meisha napangiti ang dalawa nitong kaklase.
"Talaga ba? Thank you Gneiss, ang bait mo talaga!" ani Aika na sobrang lawak ng ngiti.
"You're both welcome! Sige ibibigay ko rin itong isa kay Sapphire." untag ni Gneiss at naglakad na patungo sa upuan ni Sapphire.
Si Gneiss, Meisha, Aika, Kyler, Marco and Sapphire lang ang nasa loob ng classroom ngayon ang ibang mga kaklase nila ay sa labas nag-s-snack.
"Sapphire para sa'yo." iniabot niya ang huling tupperware napatingin lang roon si Sapphire at tinanggap niya rin pagkaraan ng ilang minuto.
Ngumiti ito, pero 'yong ngiti niya ay parang may masamang binabalak.
"Did you baked this?" Sapphire asked while staring at those pink sprinkled cupcakes.
"Yes, your mom actually helped me last night dumaan kasi sila sa bahay ni Tito, saglit." giit ni Gneiss, lumukot ang mukha ni Sapphire pero agad rin nitong pinalitan ng pekeng ngiti upang ipakita kay Gneiss na genuine talaga ang pagtanggap niya roon.
"Kakain na ako ha?" pagpapaalam ni Sapphire at kumuha ng dalawang cupcakes ang dalawang kamay niya ang nakahawak roon.
Ang buong akala ni Gneiss ay isusubo niya ito pero ang ginawa niya ay ipinunas niya ito sa buong katawan niya, sobrang dumi na ng mukha nito at pati ang uniform niya ay puno na ng pink stains dahil sa ginawa niya. Nagulat si Gneiss roon at hindi agad nakapagsalita.
"Look! She just messed my face with her cupcakes." itinuro ni Sapphire ang mukha at uniform nito. Kunwari ay humagulgol pa ito.
Tumingin ang lahat sa kanila pati ang kararating na si Kian, dahil hindi pa rin nag-sink-in sa utak niya ang ginawa ng pinsan nito ay napailing na lamang siya.
"Sapphire?" usal ni Kian at kaagad lumapit kay Sapphire inilabas nito ang panyo niya at saka binasa ng tubig gamit ang bottled water na nakalagay sa armchair nito.
"Si Gneiss siya ang may gawa nito." pagsusumbong niya.
"Gneiss is that true?" Kian asked her, pero umiling lang siya.
"I'll call Tita, isusumbong kita." pagbabanta ni Sapphire, inalalayan siya ni Kian at nagtungo sila sa may shower room.
Just after fer minutes, Gneiss go back to her chair with her mouth coated with silence, hindi niya rin nito pinapansin ang pangungulit ni Kyler. She was alarmed when she heard her phone rang.
"Ma?" pambungad nito. Her mom is on the other line.
"What have you done to Sapphire? Be good to her how many times did I told you about that?"
Mahahalatang galit na ang boses ng Mama nito, hindi alam ni Gneiss ang isasagot niya, ayaw niyang pinapagalitan siya dahil mabilis itong masaktan.
"Mom, I didn't do it." she reasoned out, pero pinatay ng mama niya kaagad ang linya. Nag-pop-out naman ang messenger nito saying, Ruby Ruiz sent a photo.
She opened it, at ang laman ay pictures ni Sapphire na madumi ang mukha at uniform dahil raw sa cupcake na ibinigay nito. Hindi niya na kinaya 'yon, she can't defend herself alone. Pakiramdaman niya'y wala siyang kakampi palagi.
Dumiretso na lamang siya sa may likod ng lumang library, doon kasi ay walang tao at tahimik— pero sa hindi inaasahan nadatnan niya ang tatlong estudyante na nambu-bully sa isa ring estudyante, grade six students ang mga ito at ang binubulas lamang nila ay isang grade one student? Seriously?!
"Itigil niyo 'yan." paninita niya nang makitang nagsisimula ng umiyak ang batang lalaki, sinisigawan kasi ito sa mukha worst they're criticizing him using the words "payatot, walang makain at pokpok raw ang Nanay."
"Bakit sino ka ba ha?!" sabi nu'ng pinakamatangkad na bully.
"Bakit mo tinatanong close ba tayo?" pambabara ni Gneiss. Hindi nagustuhan ng tatlong lalaki ang istilo ng pagsagot niya kaya'y napakuyom ang mga kamao nila at tahasahang lumapit sa kinatatayuan niya.
"Matapang ka ha!" sigaw nu'ng batang lalaki na may peklat sa kabilang pisngi.
Before the boy's hand lands on her face, there's someone who came to save her, Gneiss closed her eyes as she waited for that fist to hit her on the front.
"Itigil niyo nga 'yan." kalmadong sabi ng batang lalaki na kararating lang.
Nagsitakbuhan ang tatlong bully pati ang batang kanina ay bi-nu-bully nila.
"Open your eyes, wala na sila." he assured her.
Dumilat naman ng dahan-dahan si Gneiss, namasdan niya kaagaad ang naka-poker face na mukha ni Kian na nakaharap sa kaniya ngayon.
"Bakit ka ba nagpunta rito?" Kian curiosly asked.
"Hindi naman talaga ako ang gumawa niyon kay Sapphire.." she explained.
"Alam ko." matipid na sagot ni Kian.
"Nakita ko.." dagdag pa nito.
"And now, Mom will surely get mad on me." pag-aalala ni Gneiss. You can feel the sadness and disappointment in the tone of her voice.
"Don't worry, I'll tell them what really happened. Don't overthink about it. I'll save you."
Namilog ang mga mata ni Gneiss sa sinabi ni Kian, sa wakas ay nakahanap na rin siya ng kakampi. "You saved me from those bullies a while ago, and you'll save me again later, thank you."
Tumango lang si Kian, "You're welcome, Papasok na ako, hindi ka pa ba sasabay?"
"Talaga? Puwede akong sumabay sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ni Gneiss. Kakaiba si Kian ngayon sa paraan ng pananalita pa lamang.
"Oo naman." tugon niya at sabay na silang naglakad pabalik.
"You saved me two times this day, can I call you my Superman?" bulalas nito.
"Ikaw kung anong gusto mo." 'yan lang ang sagot ni Kian.
"Alam ko na! You're my SuperKian.." ani Gneiss at saka niyakap si Kian bigla, hindi naman nakagalaw si Kian sa ginawa nito. Dala lang ba ng excitement kaya niya 'yon nagawa?
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...