Niana is peacefully walking towards the hallway when he bumped into someone. Nalaglag ang mga libro nito at pati ang tangan-tangan niyang chessboard pupunta kasi siya mamaya sa Westbrook kapag lunch time.
Yumuko siya para pulutin ang mga 'yon, ganoon rin ang bumangga sa kaniya. Nang mag-angat na siya ng tingin ay sumabay rin ang lalaki, nagkagulatan sila pareho.
"Kyler!" masiglang saad nito. Her face was painted with genuine smile early in the morning, well that's good for her.
"Good morning." ani Kyler na lumabas pa ang dalawang malalalim na dimple dahil sa kaniyang malawak na ngiti.
"Bakit ka nandito?" she curiosly asked.
"Aayain sana kita, may game kami mamaya sa billiards baka gusto mong manood? Preliminary lang muna 'yon since next month ulit ang laban." sagot nito.
Niana's lips formed into "oh" she was probably amazed she didn't expect that he play billiards, she thought it's just basketball, honestly speaking that sport is dominant among men.
"Why not? Pupunta rin naman ako doon mamaya, to meet a friend of mine." she uttered.
"Talaga? Asahan ko 'yan ha? I-cheer mo na din ako, tapos isigaw mo, Go Gwapong Kyler!"
Napatawa na lang sila pareho, hindi maiwasang hindi titigan ni Kyler is Niana habang tumatawa.
'Napakaganda niya' sabi nito sa kaniyang isipan.
"May klase ka pa? Ihatid na kita." presenta nito, tumango na lang si Niana. Kyler volunteered to carry all her things, she just let him do it.
"Si Kyler 'yan 'di ba? Hottie ng Westbrook."
"Kyler Jack Monterivas, 'yong magaling na billiard player ng Westbrook grabe mas gwapo pala siya sa malapitan."
"Why is he with that Niana? Sila na ba?"
Ilan lang 'yan sa mga bulungan na naririnig nila sa paligid, hindi nila pinansin 'yon nagpatuloy lang sila paglalakad until they reached her room.
"Thank you, Kyler." pasasalamat nito.
"You're welcome, pero mas maganda kapag. Thank you Gwapong Kyler." pagbibiro nito.
"Sige na nga! Thank you gwapong Kyler." she repeated.
"Paano ba 'yan? Mauuna na ako, I'll wait for you later." paalala nito.
"Oo naman, mag-iingat ka." ngumiti ito.
Sumaludo lang sa kaniya si Kyler at saka na ito naglakad paalis, nang makalayo na ito ay doon na halos hindi mapigilan ni Niana na hindi mapangiti. Hindi rin nito alam kung bakit iyon ang bigla niyang naramdaman.
****
"Bakit ka kasi na-late? Iyan tuloy absent ka na?" Gneiss whined at Kyler, nakabusangot naman ang mukha nito dahil sa ni-absent siya ng kanilang first period teacher.
"May dinaanan lang ako kanina, uy!" pagsita niya kay Gneiss.
"Baka naman pinuntahan mo si Sapphire? Nililigawan mo siya eh, nagsisinungaling ka lang." she said.
"Sabi ko sa'yo, hindi ko siya type dahil napakapangit ng ugali niya, si Kian lang naman may gusto roon." aniya, nang mapagtanto ang kaniyang sinabi ay napatakip ito sa kaniyang bibig.
"Ano? Gusto ni Kian si Sapphire?" gulat at hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo, hinaan mo boses okay? That's our secret, please lang huwag mong sasabihin na sinabi ko sa'yo, since nadulas naman na hayaan na lang." paliwanag ni Kyler.
Sa hindi malamang kadahilanan bumagsak ang balikat ni Gneiss, napanguso rin ito.
"May secret pala kayo sa akin ah? akala ko ba we should be honest and open?" paglilinaw nito.
"Hayaan mo na 'yon, simpleng secret lang 'yon. Usapang lalaki ba." Napahilot pa sa sentido si Kyler, hindi niya talaga matanggap na absent siya mismo sa favorite subject niya, ang Math.
"Got it, basta next time huwag na kayong maglilihim sa akin." Kinurot ni Gneiss ang magkabilang pisngi ni Kyler.
Gumanti naman si Kyler at kiniliti niya ito.
Natapos ang morning class nila kaya dumiretso na si Kyler sa may billiard room para sa prelims na gaganapin, nagpaalam muna sa kaniya si Gneiss dahil may pupuntahan pa raw ito, at susunod na lang pagkatapos.
Nagtungo si Gneiss sa may locker ni Kian, nagsuksok siya ng isang sulat sa maliliit na linya ng locker nito, napangiti si Gneiss nang marahan pero, agad ring napawi 'yon, napalitan ito ng pagkagulat.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ng isang pamilyar na boses, nilingon niya ito at hindi nga siya nagkamali, ang lalaking nerd ng room nila ang nakahuli sa kaniya sa aktong 'yon.
"Wait lang, may sasabihin ako." agad na lumapit sa kaniya si Gneiss nang akma na nitong aalis.
"Please, huwag mo itong sasabihin sa kaniya. Let's make it a secret." nagtiklop pa ang dalawang kamay nito.
"Oo naman, basta— bigyan mo ako nu'ng libro ni Nicholas Sparks 'yong madalas mong dalhin sa school." pagsasabi nito.
"Sige, may limang copy ako n'yon bigyan kita bukas, basta secret 'yon ah, secret lang." pag-uulit niya.
"I'm a good secret keeper, don't worry." paniniguro nito sabay kagat sa hawak niyang shawarma.
"Thank you! Sige mauuna na pala ako, manonood pa kasi ako ng game ni Kyler." ngumiti ito.
Tumango na lang siya bilang sagot, tumakbo ito papunta sa may venue. Napatalon siya nang makita si Niana at Kyler na magkausap sa mismong pintuan lang ng room.
"Niana!" kaagad na lumapit si Gneiss rito sabay yakap ng mahigpit, maging si Kyler ay nagulat rin.
"Gneiss! Nice to meet you again."she giggled, bumitaw sila sa yakapan at sabay na tumawa.
"Nice to meet you again, and ba't ka pala nandito? Kyler kilala mo siya?" bumaling ito kay Kyler na speechless rin sa nasaksihan.
"Oo, we just met two days ago? And ikaw pala 'yong kaibigan niya rito?" tanong niya.
"Oo siya nga 'yon, Kyler ang saya naman kaibigan mo rin siya." Hindi mapigilan ni Niana na hindi mapangiti.
"Matagal ko ng kaibigan 'yang monggoloid na 'yan." ismid ni Gneiss inirapan naman siya ni Kyler.
"Ano pala kayo friends lang ba?" dagdag pa ni Gneiss.
"Secret.." bungisngis ni Kyler.
"Anong ganap?" pag-singit ni Kian, inakbayan naman nito si Gneiss. Biglaan ang pagdating niya kaya nagulat silang tatlo.
"And who are you?" tanong nito kay Niana.
"Hello! I'm Niana, Kyler and Gneiss friend." anito.
"Nice meeting you, Niana." nakipagkamay si Kian.
"Himala, first time makipagkamay sa iba." pagpaparinig ni Gneiss.
"Kaibigan niyo na rin naman siya, automatically kaibigan ko na rin." nakangiti pa rin ito mas mahigpit pa ang ginawa nitong pagyakap kay Gneiss.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...