Chapter 40: Bended knees

255 5 0
                                    

Bagsak ang magkabilang balikat ni Gneiss nang pumasok siya sa kanilang bahay, nakita niya ang mga nagkalat na plato na pinagkainan kanina ni Kian sa may sink, ang maruming lamesa dahil nagkalat roon ang pinagbalatan ng mga prutas at cans ng mga de-lata, maging ang karton ng fresh milk. Napahilot na lamang siya sa sentido, masyado siyang pagod sa buong araw na exams nila, hindi siya kumain ng breakfast dahil mahuhuli na siya kanina, noong lunch din ay hindi, dahil wala siyang gana. Hindi naman niya mahagilap si Niana o si Kyler para masamahan siyang magpahangin man lang o maglakad sa labas dahil magkakaiba ang mga ito ng schedules.

Hindi pa man siya nakakapag-bihis ay dumiretso na siya sa kusina upang isagawa ang mga gawaing bahay, mas-a-alas singko na ng hapon, kailangan niya na rin magluto ng hapunan nila. Tahimik itong naghuhugas ng pinggan, tulala, naluluha at gusto nang humagulgol, but still she was trying to be strong for them not to worry for her and besides, she doesn't want to share the reason why she's like this, to anyone else even her friends neither her family. Ayaw niyang madamay sila't mag-alala pa sa kaniya, "may kaniya-kaniya kaming mga buhay" 'yan ang nakatatak sa kukote niya.

Habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan ay walang anu-anong nadulas ang kamay niya sa mismong blade ng kutsilyo na kaniyang hinuhugasan. Nag-iwan ito ng malaking hiwa sa kaniyang gitnang daliri, umaagos 'yon at napakahapdi. Ipinunas niya na lang ang dugo sa kaniyang puting blouse at muli nang nagpatuloy sa ginagawa. Masyado siyang maraming aasikasuhin para pag-aksayahan pa ng oras ang sarili upang gamutin ang "maliit na sugat" lang na 'yon para sa kaniya. Natapos siya sa paghuhugas at dumiretso naman siya sa sala para maglinis.

Ganoon pa rin ay tahimik siya, lumuluha, pumapatak na 'yong mga butil ng luha niya sa sahig dahil nakayuko siyang nagwawalis. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang sinabi sa sarili ang salitang "I can get through this." pero, paulit-ulit lang naman nangyayari ang mga pangyayari na 'yon, ang mga pangyayari na nagpapasikip sa kaniyang dibdib. Hindi niya inakala na ang tahimik niyang paglilinis ay mabubulubog nang halos sirain na ni Niana ang kanilang pintuan dahil padabog niya itong binuksan. Nagtama ang mga paningin nila, agad tumakbo si Niana papunta sa kinatatayuan ni Gneiss, animo'y susugod ito para mag-amok.

"Tell me, bakit ka umiiyak, while taking your exams? While driving home, why are you crying?" marahas niyang tanong, hinawakan nito ang magkabilang balikat ng kaibigan at niyugyog ang mga ito. Mukhang may nakapagsabi na umiiyak ang kaibigan niya kanina pa.

"D—don't be so harsh to me,” nanginginig niyang tugon. "I'm tired." sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Bumitaw siya sa mahigpit na pagkakahawak kay Gneiss. "I'm so mad seeing you being miserable, shit! I'm so fucking mad seeing you crying, tell me why are you crying?" Nasabunutan nito ang kaniyang sarili. "Gneiss, Bakit?"

Nanginginig ang labi niyang tumingin sa mukha ni Niana. "H—he brought home a girl last night, he did that, not just once."

"And you never tell us about it? Ganoon ba kami kahirap lapitan, pagkatiwalaan?"

Napailing-iling si Gneiss, habang umiiyak. Nasabi niya na ang rason kung ba't siya ganito, pero ba't parang hindi naman nabawasan ang bigat ng dibdib niya? Masaya pa rin siya kahit papaano, dahil may napagsabihan na siya tungkol rito, hindi niya na ito kikimkimin hanggang maubos siya. She knew to herself, she was tired, she tried, but she ended up broken still.

"I thought, I can handle that on my own. I don't want to bother anyone of you, we have our own lives." aniya.

"Huwag mo akong pipigilan ha?" Idinuro ni Niana si Gneiss, saka ito tumalikod.

Naglakad ito palabas ng bahay nila Gneiss, at padabog rin na isinara ang pintuan. Naisip ni Gneiss na baka may kung anong hindi gagawin na ito kaya sumunod siya rito. Pinaharurot na ni Niana ang kaniyang kotse pagdating ni Gneiss sa gate, kaya wala nang nagawa si Gneiss kung hindi ang kunin ang kaniyang kotse sa garage at paharurutin din ito at nang masundan at mahabol niya ang kaibigan.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon