Chapter 27: Graduation

167 7 0
                                    

Sabay-sabay nilang ibinato ang kanilang graduation caps sinalubong sila ng masigabong palakpakan at hiyawan. Sa kabilang dako, patuloy sa sila sa pagbati at pagpuri kay Gneiss dahil siya ang itinanghal na class valedictorian.

"Thank you po Tita." humalik siya sa pisngi ng mama ni Sapphire na bumati sa kaniya. If you're wondering where is Sapphire? Hindi lang naman siya umattend ng graduation day dahil alam nitong papatayin lang siya ng inggit at inis na buhat lang rin ng sarili niyang pag-iisip.

"Wow, no wonder magiging pinakamagaling na Doktora ang anak mo soon, Mrs. Ruiz." pagbati naman ng isa sa mga business partner ng kaniyang ina.

Nagmano si Gneiss dito bago magpasalamat, with all those achievements she's still down to earth.

Nakipagsiksikan si Kyler sa pulutong ng mga estudyante upang hanapin ang matalik na kaibigan nang masilayan niya sa gilid ito na nakaupo kasama ang kaniyang mama ay tumakbo na ito papalapit sa kaniya.

"Congratulations sa pinakamagatalino kong best friend!" masiglang bati ni Kyler sabay halik sa magkabilang pisngi ni Gneiss.

"Tita, hiramin ko muna saglit anak ninyo." pagpapaalam pa niya.

"O sige, basta huwag mo ilalayo." pagpapasinaya nito.

Hinila ni Kyler sa labas si Gneiss,

"May nakalap akong news." pambungad ni Kyler.

"Ano 'yon?" usisa naman kaagad ni Gneiss.

"Sapphire and Kian didn't attended the graduation yet they're seen together dating on a hotel-restaurant somewhere here." saad niya.

"Source?" sunod na tanong ni Gneiss.

"Girlfriend ko of course." tugon niya. Yes they're already in a relationship about half a year na rin.

Mabuti at hindi pinagalitan ng mommy ni Kian siya? He didn't attended graduation kahit pa with honors siya sayang rin 'yon, nagbago na talaga siya.

"Tara na nga lang sa loob ulit." hinila na muli ni Gneiss si Kyler at bumalik na sa loob.

Pagdating nila roon ay nadatnan rin nila si Niana at mommy ni Gneiss na nag-uusap.

Napa-wow pa si Niana nang makita ang medals na nakasabit sa leeg ng kaniyang best friend.

"Yey! Ang galing na best friend ko valedictorian." papuri nito sabay yakap ng mahigpit na parang bang isang daan na taon silang hindi nagkita.

"Ako ba walang yakap diyan? With honors rin ako." pag-singit ni Kyler.

Umirap muna si Niana bago siya pagbigyan.

Namasyal pa sila after the ceremony, kumain sa isang mamahalinh restaurant of course treat ng valedictorian.

"Alam mo okay na sana parati pero epal talaga 'yang putanginang Sapphire na 'yan." giit ni Niana habang puno pa ng pagkain ang bibig, mabuti na nga lang at nauna nang umuwi ang Nanay ni Gneiss kung hindi sermon ang aabutin nito kaka-mura.

"Ba't galit na galit ka doon e, ako ng kalmado pero pinaplastik ko rin lang." hayag pa ni Kyler, sabay subo sa fresh lettuce.

"Huwag na lang natin sila pag-usapan, ano ba kayo pinsan ko rin 'yon ano?" pagpapatigil sa kanila ni Gneiss.

Wala na silang choice kung hindi ang i-zipper ang mga bibig.

Dumaan muna sila sa may mall, nang madaan sila sa men's corner ay namili muna saglit si Gneiss ng ibibigay niya kay Kyler as a congratulatory gift at pati na rin si Kian of course. Kukunin na sana niya ang natitirang branded wrist watch na 'yon nang sabihin ng saleslady na reserve na ito, pero nagpumilit pa rin siya.

"Ma'am kay Miss Sapphire Ruiz po kasi 'yan for her boyfriend daw Kyle Ignacio." sagot ng saleslady.

Napahawak pa siya nang mabuti sa estante ng mga pabango dahil sa narinig na 'yon. Seriously, Sapphire had already a boyfriend pero she's still dating Kian? Hindi naman puwedeng hindi siya 'to kasi, e, rin daw mismo 'yong nagsulat ng word na "reserved" nakilala kaagad ni Gneiss ang penmanship niya. Gayunpaman, binitawan niya na lang ito at napagdesisyunan na bumili na lang ng branded na vintage sleeves, mahilig rin kasi si Kian ng ganito at branded cap na lang for Kyler.

Saktong paglabas niya ng mall ay kakarating rin ng dalawang magkasintahan na enjoy na enjoy talaga sa pagkain ng kanilang strawberry flavored ice cream with matching holding hands pa. Iniabot naman ni Niana ang ice cream na para sa kaniya, she just said thank you in return. Napagdesisyunan niyang hindi muna sasabihin kanino ang nalaman hangga't wala pang matibay na patunay.

They decided to go home nang mag-alas dos na ng tanghali as usual, inihatid ni Kyler ang dalawa.

Pagkabukas ni Gneiss ng gate ay bumungad sa kaniya si Yaya Imelda with that smile on her face.

Dahan-dahan ay iniabot niya ang isang bouquet of sunflowers, hindi pa rin mawala ang mapang-asar na ngiti ng matanda sa kaniya..

"Sa'yo po galing ya?" tanong ni Gneiss.

"Hindi, galing 'yan sa taong gustong-gusto mo." kinikilig niyang utas.

Nanginginig man ay inamoy ni Gneiss ang isa sa mga sunflowers para mapigilan ang pag-ngiti, nakakahiya raw kasi kapag sa harapan ka ng ibang tao kiligin.

Pagkapasok sa kuwarto ay nagtata-talon na siya sa kilig, hindi niya lubos maisip na padadalhan pa siya ni Kian ng ganoon just to say congratulations. Agad niyang naisipan na i-message si Niana.

Gneiss: Kian sent me a bouquet of sunflowers.

Niana: Baka wrong send lang 'yan.

Gneiss: No, he even wrote a congratulations note.

Niana: For real? Ano namang naisip ng kolokoy na 'yan?

Gneiss: Maybe magbabalik na siya sa dati ulit?

Niana: Huwag ka na umasa, open your instagram account see Sapphire's recent and official post, they're together.

Gneiss: Ano naman if they're together?

Niana: Hindi ka ba nagtataka na baka sila na talaga?

Gneiss: Hindi ko alam pero just, wait for their confirmation na lang.

Niana: Wait lang ha? Hindi 'yong kapag nalaman mo na iiyak ka, ang talino mo huwag papabobo sa iisang lalaki lang.

Gneiss: Noted, Mrs. Monterivas.

Niana: Soon, magiging Monterivas rin tayo. Claim it!!

Agad naman niyang binuksan ang kaniyang instagram account right after their call, bumungad nga sa kaniya ang post na 'yon ni Sapphire, Kian was also tagged, maraming nag-react karamihan mga naguguluhan kung kanino ba talaga ipapakasal si Kian kung kay Gneiss na o sa pinsan niya.

Nakaramdam man ng lungkot ay inaliw na muna niya ang sarili, hinawakan muli ang bouquet na ibinigay ni Kian, inaamoy at inaayos.

Natigil lang siya sa kaniyang ginagawa when he received a message from Kian.

Kian: I hope you received the bouquet from now, Congratulations.

That literally stopped her heart from beating.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon