After that day, huge changes had made and it was seen by everyone else.
The day after yesterday, Gneiss was still in a state of shock after the abrupt announcement made my their families, she was so problematic that she could feel a little bit pain on her head.
Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa kanilang classroom kahit pa nawawala siya sa kaniyang sarili, hindi alintana ang mga nagbubulungan tungkol sa mga narinig nila kagabi, the whole university knew it all she couldn't hide anything from them, all she need is to accept or escape, kung tatakasan ba nito ang kaniyang mga magulang ay parang nilapastangan na rin niya?
"Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Kyler pagkarating niya, tulala kaagad ito na nakatingin lang sa ceiling.
"May magiging okay ba sa biglaang ganoon?" she questioned it out.
Napaakbay sa kaniya ang kaibigan at ngumisi ng nakakaloko. "Ayaw mo niyon, ikakasal ka na sa lalaking matagal mo nang gusto?"
"Tsk, kahit pa ganoon sabihin na nating it's an easy way pero, it's still a product of force kapag nagkataon na matuloy." sagot niya.
Napatingala ulit siya sa kisame ngunit nang makita ang dalawang butiki na gumagawa ng milagro ay ibinaba na lamang nito ang tingin sa may sahig sabay hinga ng malalim panay naman ang pagyugyog ni Kyler sa balikat niya.
"Ako best man ha?" pang-uudyok ni Kyler sabay ayos pa sa muwebles ng uniporme animo'y proud na proud pa sa isinalabi.
"Ewan ko sa'yo." hinawi niya ang kamay ng kaibigan sa kaniyang balikat at lumabas na muna, she isn't in the mood to vibe with his teasing stuffs.
Dire-diretso siyang naglalakad patungo sa cr nang makitang magkakasalubong sila ni Kian, his face was very impassive and serious ni lahat ng dinaraanan niyang mga tao sa may locker to the lobby ay napapagilid dahil alam na nila kung anong ibig sabihin nito, well, we didn't mentioned earlier that Kian is actually a retired bad boy of this University, hindi nga lang masyadong nagpapaka-brat pero ganoon rin siya once his cousin and his best friend isn't around.
Akala ni Gneiss ay tuwiran itong maglakakad sa gawi rin niya, sila'y magkakasalubong at magkakaroon ng kaunting pag-uusap ngunit lumihis siya ng daanan.
Napabuntong hininga na lamang siya.
Pagkatapos bumili ng orange juice ay bumalik na siya sa room, pagdating niya ay wala sa upuan nila si Kian kung hindi lumipat siya sa likod sa tabi ng mga transferees. Kalmado itong nakaupo at diretso lang ang tingin sa harapan.
Naupo na lang si Gneiss sa tabi ni Kyler na naglalaro na naman ng mobile legends.
"Nag-usap kayo?" tanong niya.
Hindi sumagot ang kaibigan kaya napilitan siyang kaltungan ito, itinigil naman niya ang ginagawa.
"Anong sinabi mo?" ani Kyler, inayos niya muli ang nagulong buhok.
"Nag-usap kayo ni Kian?" pagka-klaro niya.
"Nagbatian lang ng good morning then, end of conversation na." minuwestra niya ang kamay senyales na wala na.
Tumango-tango lang si Gneiss at umayos na rin ng upo.
"Ikaw kinausap ka ba?" tanong ni Kyler pabalik.
"Hindi." matipid na sagot niya.
"Awtsss pain." kantsaw ng kaibigan bago nito tuluyang sinara ang bibig dahil dumating na rin ang kanilang guro.
Nang mag-break time ay dalawa lang muli sila ni Kyler na nagtungo sa cafeteria para mag-merienda, nakasunod lang sa kanila si Kian kasama ang iba nilang classmates na naglalakad rin patungo sa patutunguhan nila.
"Are you okay?" bulong ng kaibigan nang makarating na sila sa loob.
Ipinaghila niya ito ng upuan.
"Yes?" hindi nito siguradong tugon.
"Hayaan muna natin, nagpapalamig lang 'yan." wika ni Kyler.
He fell in line para makabili ng snacks nila, pero bago pa siya makapag-order ng favorite snacks ni Gneiss ay sinabi na ng waitress na ubos na 'to, hindi niya alam na ang nasa unahan niya ay si Kian.
"Just give it to her." iniabot ni Kian 'yong tray kung saan favorite snacks ni Gneiss ang nakahain.
"Thanks insan." tinapik nito ang balikat ni Kian, and then he walked away from the place, hindi na siya nag-abala pang mag-snack dahil sold out na for the day ang favorite snack niya okay lang at least nag-sakrispisyo siya na ibigay na lang 'yon kay Gneiss kaysa magutom ang kaibigan.
Ikwinento 'yon ni Kyler pagkabalik nila ng room hindi pa makapaniwala si Gneiss, nawala bigla ang sad awra niya napalitan ito ng kaunting ngiti at sigla.
Hindi na umattend sa iba pang subjects nila si Kian nang araw din na 'yon, nalungkot siya dahil ito ang unang beses na nag-ditch class si Kian, pakiramdam niya it was her fault right after the bell rang agad na siyang tumakbo palabas ng room.
"Hintay! Saan ka ba pupunta?" paghahabol ni Kyler sa kaniya.
"Kay Niana, hahanapin namin si Kian." litanya niya.
"Isama niyo naman ako." hinihingal niyang sagot.
"May practice ka pa ngayon sa soccer huwag na, we can handle it. Huwag kang mag-alala." sinipat nito ang balikat ng kaibigan.
"Are you sure? Okay ingat kayo ha?" aniya.
Yumakap na sa kaniya ang kaibigan bago tumakbo muli.
Hinihingal siya nang madatnan si Niana na naghihintay na rin sa labas ng gate nila.
"I'm not informed may marathon ka palang sinabihan?" anito.
"Habulin natin si Kian este— hanapin." hinihingal niyang sagot, hinila na nito kaagad ang kaibigan kaya wala na siyang pamimilian kung hindi ang magpahila.
"Saan naman natin hahanapin 'yon ngayon aber?" dagdag pa nang kaibigan.
"Saan ba madalas tumambay ang mga lalaki?" tanong ni Gneiss.
"Aba malay ko, baka sa bahay ng kabit?" sarkastikong sagot ni Niana at saka pa tumawa.
Nag-iisip pa siya nang malalim nang marinig ang usapan ng dalawang babae na dumaan.
"Doon sa bagong bukas na billiard house mygosh puno na kaagad ng hottie from SouthDen University pa." maarteng sabi nu'ng babae na nadaan sa tabi nila.
Isang ideya ang pumasok sa utak niya at hinila na lamang basta ang kaibigan, sumakay pa sila ng tricycle bago marating ang lugar. Nang marating nila ito'y sarado naman, pero naririnig nila ang hiyawan sa loob, may lalaki ring nagmamanman sa labas na animo'y nag-babantay para mabalaan ang nasa loob kung sakali mang may dumating na parak.
"Kuya hindi po ba dito 'yong bagong bukas lang na billiard house?" pagtatanong niya sa lalaki.
"Oo mga iha, pero huwag na muna kayong pumasok sa loob may match pang nagaganap." tarantang sagot niya.
"Match?" takhang tanong ng dalawa.
"Oo, tinalo kasi ng lalaking taga-SouthDen yung Mayabang na lalaki na taga ibang school ayon ang usapan ang matatalo siyang mabubugbog." tugon niya.
Nagulat pa ang dalawa sa narinig.
"Jusko! Umalis na tayo baka mabasag rin mukha natin." tarantang sabi ni Niana sabay hawak sa pulsuhan ni Gneiss.
"Kuya, puwede bang papasok? Sisilip lang po kami may hinahanap kasi ako." paghingi niya ng permiso. malakas kasi ang kutob niya na isa si Kian sa mga nasa loob na nakikipag-basag ulo.
"Ma'am, baka mapahamak po kayo." nag-aalangan na sagot ng lalaki.
"Promise po kuya, sisilip lang." itinaas pa niya ang kanang palad.
Ginabayan naman sila ng lalaki papasok. Pagbukas pa lang ng pintuan ay nasaksihan na nila kung paano lumipad 'yong lalaki papunta sa kanilang lamesa dahil sa pagkakabato sa kaniya ng lalaki.
Ang mas gumulantang pa kay Niana at Gneiss ay nang mapagtanto na ang lalaking nagpapahirap doon sa isang lalaki ay si Kian, pawisan na ito at may talsik na rin ng dugo ang kaniyang mukha, with the same blank face.
Everything has changed.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...