Chapter 14: Park

171 8 0
                                    

Weekends. Napagdesisyunan ni Gneiss at Niana na mag-jogging at maglakad-lakad sa parke na malapit lang sa bahay nila Niana. Alas-singko pa lang ng umaga ay nagpunta na si Gneiss sa bahay nila Niana upang sunduin ito. Kaagad naman itong lumabas ng gate na naka-proper attire na. Kinailangan pang magsuot ni Gneiss ng contact lens para umayos ang paningin nito. She's wearing glasses kasi masyadong malabo ang visuals nito.

Nagsimula nang tumakbo ang dalawa, nakapasak ang isang headphones sa kanilang mga tainga.

"Alam mo, naiinis na ako kay Sapphire." panimula ni Niana.

"Bakit naman? Wala naman siyang ginagawa sa'yo." sagot ni Gneiss.

"Sa akin wala, pero sa'yo madami. Kung schoolmate ko lang 'yan haysttttt ewan ko na lang kawawa singit niyang sa akin baka makurot ko nang wala sa oras." ismid nito, napapairap pa ito sa kawalan.

It's Niana, medyo nagbago na rin siya, hindi na siya kagaya ng lonely girl in a lonely island. Naging maayos ang takbo ng buhay niya mula nang tanggapin niyang hindi niya kailangang i-please ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kaniya, especially her parents na ngayon ay na-realized na ang lahat-lahat, they shouldn't be pushing their child on her limits, they shouldn't be putting her on a situation that will hurt her so much, they shouldn't be making a cage and make her as their prisoner. Self Love and Freedom, that's what she gained for a year that she's fighting not only for herself, but also for her rights as their child. She's a little bit talkative now, medyo nagiging masungit na rin. She was influenced by her cousins and peers from outside the country particular Japan.

"Okay lang 'yon, she's still my cousin, her blood is also my blood. I don't have the guts or even a bit of intention to hate her." pagtatanggol nito.

"It's up to you, ayaw ko namang pangunahan ka. Kung hindi pa panahon para kurutin ang singit ng pinsan mong ubod ng wicked attitude ay maghihintay ako." naningkit ang kaniyang mga mata.

"Hay naku, Niana, hayaan mo na. Mauumay rin siya sa ganoong istilo niya, she can't escape realizations." anito.

"Let's also add Karma on the list." kumindat pa si Niana. Napailing na lang si Gneiss sa mga itinuran nito.

Gneiss glanced on her watch, alas-sais trenta na ng umaga, nang marating nila ang parke. Saglit silang tumigil sa ilalim ng isang puno ng mangga sa labas nito. Umupo sila sa bench at saka uminom ng tubig.

"Tingin mo may gusto si Sapphire kay Kian?" tanong ni Gneiss, napabuga si Niana sa tubig na iniinom niya.

"A—ano ka ba! Hindi pa ba obvious sa'yo 'yon? Halos magkanda-ugaga na siya sa pang-e-echapwera, at pang-eepal. Look at those moves, halata namang patay na patay 'yon." napaubo pang muli si Niana, dahil may pumasok na tubig sa kaniyang ilong.

"Ang advice ko sa'yo, ignore mo na lang si Sapphire mukhang sinasadya niyang inisin ka e, pero, dahil sa mabait ka hindi mo ramdam 'yong inis." dagdag pa nito.

"Mabait ba talaga ako? Mukhang hindi naman." turo pa ni Gneiss sa kaniyang sarili.

"For me, you're an angel, anghel na mukha at anghel pa ang ugali." ngumiti ito.

"Tama na nga, pasok na lang tayo sa park para makapag-take na tayo ng pictures." pag-aaya ni Gneiss, hinila na nito si Niana.

Binuksan pa lang sana nila 'yong gate ng park nang marinig nila ang mga pamilyar na tawa. Kaagad nilang hinanap 'yon, and there they are, sina Kian, Sapphire, Kyler at isang babae, nasa isang shed sa pinakagilid pa at naghahalakhakan.

Napataas ang kilay ni Niana, habang si Gneiss ay kumirot naman ang dibdib.

"Huwag na tayong tumuloy, naroon 'yong mga aso at higad." bulalas ni Niana, hinigit na nito ang pulsuhan ni Gneiss at bumalik sila sa tindahan na pinagbilhan nila ng tubig, malapit lang din sa park.

Napahinga na lang ng malalim si Niana, nakatunganga lang rin si Gneiss sa tabi niya.

"I need to think of a plan, akala nu'ng mga aso na 'yon, sila lang ha? Mga mukha nila." iritadong sabi ni Niana.

Nagmasid lang sila sa paligid at pinapanood ang mga bumibili na karamihan ay mga galing sa recreational activities. Nang mapadapo ang tingin ni Niana sa anim na bikers na kadarating lang. Agad siyang tumayo at lumapit sa kanila.

"Hi." ani Niana, parang dati lang may anxiety siya e,

"Hello." sabay na tugon ng anim.

"Puwede ko bang hiramin muna 'yong dalawang bike ninyo? Please.." pagpapa-cute niya.

"Sure," pagpapasinaya nito.

Kinawayan niya si Gneiss at sinenyasan na lumapit sa kaniya.

"Hindi ba marunong kang mag-bike?" tanong nito sa kaibigan. tumango lang naman ito.

Ibinigay na niya ang isang bisikleta, muli ay tinawag ni Niana ang pansin nu'ng dalawang bikers.

"Mga Kuya, kayong dalawa puwede ko rin ba kayong hiramin?" hiling muli nito.

Lumapit naman kaagad ang dalawa.

"Ang gagawin niyo lang, sasabayan ninyo kaming mag-bike kaunting usap hanggang sa makarating tayo sa park." paliwanag nito.

"Okay." pag-sang-ayon ng dalawa.

Umangkas na sila sa kanilang mga bike at sabay silang apat na tinahak ang daan papunta sa park. Casual lang ang mga pag-uusap nila, may mga tinatanong lang si Gneiss na sinasagot naman ng dalawa.

Nang makarating na sila sa park ay binuksan ng dalawang bikers ang gate, pumasok silang apat muli. Nakagawa sila ng ingay dahilan para makuha nila ang atensiyon nila Kian na naroroon pa rin.

"Ay, nandito pala yong dalawang aso, Gneiss." sarkastikong saad ni Niana.

"Saan 'yong aso?" inosenteng sabi ni Gneiss, ngumisi na lang si Niana at hindi na ito sumagot.

Tumayo si Kyler na gulat rin ang expresyon, ang kaninang naka-pan-dekwatro ay natuon ang atensiyon sa dalawa na nakikipag-habulan sa dalawang bikers habang iniikot ang buong parke. Napahalukipkip na lang ng braso si Sapphire at ang kasama niya at saka irap nang irap.

Tumigil muli si Niana sa kinaroroonan nila.

"Sige, enjoy na kayong dalawa na aso kayo sa mga date ninyong higad, at kami naman ni Gneiss mag-e-enjoy kami rito sa date naming may mga bakat. Okay ba 'yon Kyler?" mapait na ngumiti si Niana kay Kyler sinabayan pa niya ito ng pagtaas ng kaniyang makapal at natural na kilay.

"Gneiss, may sasabihin ka rin ba sa dalawang aso na 'to?" bumaling naman siya kay Gneiss na tahimik lang.

"Sige, enjoy kayo. Sorry wala kaming dalang pet food para sana mapakain ko 'yong mga aso ninyo." malumanay na sabi nito. Napatampal na lang sa noo si Niana dahil sa hindi makuha ni Gneiss ang mga sinasabi nito.

"Sila ang aso, Gneiss. Hayaan na natin 'yong mga doggie na 'yan, mga panira ng araw."

Nauna na lang si Gneiss at Niana na lumabas ng park, napatingin naman si Kian at Kyler sa dalawang bikers na nakangisi at tinaasan nila ang mga ito ng kilay.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon