Chapter 49: Over

502 14 3
                                    

Pagkalabas ni Gneiss at Niana sa parehong unibersidad na pinapasukan nila ay pareho na silang nagpaalam sa isa't isa. Pumasok na si Niana sa loob ng kanilang sasakyan sa kadahilanang may bar hopping silang magpi-pinsan kaya, napaaga ang uwi niya ngayon sa katunayan ay inaya niya pa si Gneiss pero tumanggi ito, sabi kasi ni Kian ay susunduin niya si Gneiss, pagkatapos ng klase pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Napag-desisyunan ni Gneiss na maglakad muna papunta sa malapit lang na Coffee Shop sa University nila, napag-isipan kasi nitong magliwaliw kakatapos lang ng defense nila at napagod ng husto ang braincells nito.

Habang naglalakad siya papunta sa kaniyang destinasyon, naisipan niyang i-text si Kian kung susunduin pa ba siya nito? Gusto niya rin kasing makauwi na dahil nga sa pina-plano niyang magluto ng dinner nila pareho kung wala pa ito sa bahay nila, o kung nakauwi naman na siya'y mag-uuwi na lamang ito ng pagkain.

Ilang hakbang na lamang makakapasok na siya sa loob ng shop pero agad siyang napatigil nang makita sa glass wall si Kian at si Sapphire, their faces were both painted with genuine smiles. Masayang sinusubuan ni Kian ng almond cake si Sapphire habang pinipisil naman ni Sapphire ang pisngi nito.

Kumirot man ang dibdib ay napahugot na lang siya ng malalim na buntong hininga, she knew all about these, pero mas pinili niyang manahimik kahit pa nasasaktan na siya. Akala niya'y subuan lamang ng cake at pisilan ng pisngi ang magaganap pero, she was definitely felt shattered when she saw Kian filling those spaces beside Sapphire's fingers. Nagmistula itong scenery, scenery na hindi magandang tignan kung hindi isa itong scenery na paulit-ulit na dumudurog sa kaniyang puso.

She didn't noticed, tumulo na lamang ang mga luha nito. Why is she hardly dealing with the pain when her only intention is to love him? Kasabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha ay ang biglaang pag-ambon, napagitla siya nang maramdaman na lumalakas na ang ambon uulan na nga yata.

Humakbang siya palayo ngunit, hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa dalawa, na sa kasalukuyan ay nagtatawanan pa. Inilabas nito ang kaniyang cellphone at ni-dial ang number ni Niana.

"Hello, Niana? Can I go with you? Sunduin mo na lang ako dito sa may tapat ng gate. Iiwan ko na lang rin dito 'tong kotse ko." she said.

"Talaga ba? Sige, I'll be there for three minutes." nasasabik nitong sagot sa kabilang linya.

Pinatay na ni Gneiss ang linya at pinunasan ang kaniyang mga luha, ayaw niyang makita ni Niana na umiyak na naman siya. Because the last time Niana saw her crying, she did such action that she didn't expected she can actually do. Nagalit lang naman ito at sinugod pa si Kian sa gitna ng ring, abala pa sila noon sa paglalaro ng basketball. Sinuntok nito ang mukha ni Kian sa harapan ng mga teammates niya.

Alam niyang kapag umiiyak si Gneiss ay si Kian lang ang dahilan.

"Tara na!" Bumaba ng sasakyan si Niana at hinila si Gneiss ng walang pakundangan.

"Sandali lang! Mapuputol braso ko rito eh," atungal nito. Biglang nanliit ang mata ni Niana habang diretso itong nakatitig sa namumugtong mga mata ni Gneiss.

"You cried, I knew it!" proklama ni Niana.

Gneiss zipped her jacket at sumandal sa may headboard ng upuan. Hindi na nito pinansin ang nabasa niyang katawan sa ambon kanina. "Kaya nga, first time sasama sa'yo mag-bar."

Humarap si Niana sa kaniya at saka ito niyugyog sa magkabilang balikat. "Iyan ang matatawag na tamang desisyon!"

Alam nitong makakasama ang pag-inom niya sa kaniyang ipinagbubuntis, ngunit gustong-gusto niya talagang makalimutan ang masalimuot na katotohanan kahit pansamantala lang. Patawarin nawa siya ng Panginoon.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon