Chapter 21: Happy Birthday

178 6 0
                                    

January 3, Kian's birthday. Masiglang gumising si Gneiss agad nitong ni-text si Kian at binati, she wrote an lsm for him, she smiled right after sending it.

Makalipas ang dalawang minuto, he replied. Saying thank you in return. Kian is now 19, noong isang araw pa man ay inimbitahan na siya ng mama nito, malamang ay naroon rin si Sapphire.

She got up on her bed, she sat on her study table and started wrapping her gift for him, isang simpleng wrist watch na binili pa niya, earning her own weekly allowance, nag-desisyon rin siyang ilagay sa frame ang picture nila pareho when they were a child sa kaniyang ireregalo. Habang nagbabalot siya ng regalo ay tumunog ang telepono nito.

Nag-text si Kyler.

Kyler: Good morning, how's your sleep?

Gneiss: Okay lang, ikaw ba?

Kyler: Okay lang rin, today is his birthday, you will not confess yet?

Gneiss: No, saka na kapag hindi na ako matatakot.

Kyler: Fine, eat your breakfast, I'll fetch you later kasama ko si Niana

Gneiss: Noted. Eat your breakfast na rin.

Kyler: loveyou

Gneiss: loveyoutoo

Itinuloy na nito ang kaniyang ginagawa, iniligpit rin pagkatapos at bumaba na. Nadatnan nito ang kaniyang mga magulang na nasa sala at nagkakape.

"Good morning ma, dad." pagbati niya.

"Good morning too, iha." humalik ang Nanay at tatay nito sa kaniyang pisngi.

"May isusuot ka na ba, later?" tanong ng kaniyang ama.

"Okay na po lahat, dad." anito.

"Susunod rin kami pagkatapos ng meeting, enjoy kayo roon." dagdag pa ng kaniyang ama,

Tumayo na ito inayos naman ng kaniyang ina ang kurbata nito.

"Yes iha, walang iinom tandaan mo 'yon." habilin ng kaniyang ina.

"Opo ma, I know." sagot nito.

"We'll go ahead," pagpapaalam ng dalawa.

"Mag-iingat po kayo." aniya.

Humalik muli ito sa dalawa, saka na sila umalis. Pinanood na lamang nito si Yaya Imelda na tahimik sa paghuhugas ng plato, habang pinapanood niya ito'y napansin niyang umiiyak siya.

Dali-dali siyang lumapit dito.

"Yaya, umiiyak po ba kayo?" nag-aalala niyang tanong, kinuha muna nito ang hawak niyang plato at hinawakan ang ale sa kamay.

"Wala ito iha." pagtanggi niya.

"Yaya, kung pagod po kayo, okay lang po kung mag-day-off kayo ngayon." niyakap nito ang babae na humihikbi na.

"I—'yong asawa ko, nakipaghiwalay na sa akin, may nahanap na raw siyang mas bata." lumuluha niyang sabi.

"Tahan na po, yaya siya ang nawalan hindi kayo." aniya.

Hinawakan niya ang ale sa kamay at iginaya sa sala, naupo sila pareho hawak pa rin nito ang kamay niya at hinhilot am likod.

"Yaya, magpahinga muna kayo ha? May tatawagan lang ako saglit."

Tumango lang ito, lumabas si Gneiss ng bahay at tinawagan ang isang malapit lang na food store at saka nag-order ng favorite ng kaniyang yaya na sushi at ice cream.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon