Chapter 52: She's back

588 14 0
                                    

A/N: Beware of the bunches of errors, hindi ko na i-n-edit ang dalawang chapters na 'to, dahil college na po ang ate ninyo.

"Our Director Manager approved your notice for temporary leave, I'm gonna miss you, be safe." Mia, tapped Gneiss's back. Dumaan lang ito sa ospital upang magpasa ng notice for temporary leave, dahil mamayang gabi na ang flight nila ni Gian, pauwi ng Pilipinas.

"Gonna miss you too." Inilahad ni Gneiss ang dalawang kamay nito, niyakap naman kaagad siya ni Mia.

"I hope you'll not forget me." malungkot na wika ni Mia.

"That will never happen, I'll just leave for two weeks, hello?" Napailing na lang si Gneiss.

"I'm sorry, for being so exaggerated, but I'll sincerely wait for you till you come back." Bumitiw na si Mia sa yakapan nila.

"I'll go ahead, I have a lot to prepare." pagpapaalam ni Gneiss.

"Bye! Keep safe." Hinawakan muli ni Mia ang kamay ni Gneiss.

Nginitian na lang siya ni Gneiss. Nilisan niya na rin ang loob ng ospital pagkaraan ng ilang minuto. She'll surely miss this hospital, she's been working here for almost three years, na-attached na siya masyado sa lugar, pero babalik din naman siya kaagad.

Bumuntong hininga siya't hinarap muli ang gusali. "Bye, Nashville General Hospital." anito, at saka na tumalikod, sakto namang may dumaan na bus, kaya pinara niya na 'yon kaagad.

***_***

"Mama, is it really true that I'll meet Dad when we arrived there?" tanong ni Gian. Bihis na bihis na ang bata, nakaupo ito sa kanilang maliit na sofa at hinihintay na lang ang pagdating ni Gneiss, at ito nga ay nakauwi na siya.

Nabanggit kasi ni Gneiss 'yon sa yaya niya, kaya marahil nabanggit rin niya 'yon kay Gian. "Yes baby, you'll meet your Dad." Hinawakan ni Gneiss ang kamay ng anak niya.

Hindi mapakali ang mga paa ng bata, mahahalatang excited. "Do you think he'll like me?" sunod niyang tanong sa ina.

Napaisip si Gneiss ng malalim, ayaw niyang maging negatibo, pero sana tanggapin ni Kian ang anak nila, sana maaalala niyang may nangyari sa kanilang dalawa nang gabing 'yon, at si Gian ang naging bunga.

"Y—yes baby, he'll surely love you." nauutal nitong sagot.

Napatalon sa saya si Gian. "Yey! I want to play archery with him, yey!" Patuloy pa rin sa pagtalon ang kaniyang anak, kumikinang ang mga mata nito, abot tainga ang ngiti, nangangahulugan lamang na sabik na sabik na siya sa kanlungan ng kaniyang ama.

"Enough, baby pack up your things and two hours from now, we'll take our flight." Sinuklay nito ang buhok ng kaniyang anak gamit ang kaniyang daliri.

"Yaya Mira, nakahanda na po ba lahat?" Bumaling siya sa kambahay nila na nasa kusina abala sa pagluluto, kakain pa kasi sila ng hapunan bago pumunta ng paliparan.

"Yes po ma'am, lahat ng mga sinabi mong gamit na dadalhin, nakahanda na lahat." Nag-thumbs up siya.

Kinarga na ni Gneiss sa Gian, at binihisan sa kadahilanang basang-basa ang likod nito ng pawis. "Mama, why are you so beautiful?" tanong ni Gian, napatigil si Gneiss sa paglalagay ng baby powder sa likod nito.

Napangiti siya ng napakalawak sa sinabi ng anak. "Kasi, masaya ang mama noong dumating ka, kaya maganda ako." Nakakaintindi naman si Gian ng tagalog kahit kaonti, ayon nga lang pili ang mga alam niyang mga salita.

"What do you mean, you're ugly before?" Napakamot ng ulo ang bata.

Mahinang napatawa si Gneiss sa itinuran ng anak. "I don't know, maybe?" giit ni Gneiss.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon