Chapter 29: Field Trip

168 9 6
                                    

"Saan ka na ba? 'yong bus paalis na!" tarantang sabi ni Niana sa kabilang linya.

"Sandali, on the way ako pakisabi, hintayin nila ako." sagot ni Gneiss. Hindi rin siya mapakali at panay ang tingin sa dinaraanan nila, mukhang ma-ta-traffic pa sila.

"Huwag mo ibababa phone, hintayin mo ako diyan." dagdag pa niya.

Pagkababa pa lang ay napatingin na siya buong lugar, wala siyang makitang bus o mga estudyante.

"Saan ba kayo?" tanong nito sa kabilang linya.

"Dito sa kabilang bus station, mali ka nang narinig." untag ni Niana.

Napakamot na lang si Gneiss sa ulo. Tumakbo siya papunta sa kanilang bus station, napangiti nang makita na 'yong mga estudyante ng buong University nila, they'll have their annual field trip for two days sa isang private resort sa batangas.

"Ikakaway ko kamay ko hanapin mo ako." ani Gneiss,

"Sige." matipid na sagot ni Niana.

Nang itaas nito at ikinaway ang kaniyang kamay ay naghiyawan ang mga tao sa tabi niya, napatingin siya roon may isang matandang tumumba bigla.

"Hindi siya makahinga! Nahihirapan huminga!" sigaw ng isang babae.

"Tumawag na kayo ng ambulansya!" nagpa-panic na sabi ng isa ring lalaki.

Nataranta si Gneiss kaya kaagad siyang lumapit sa kumpulan, nakisingit sa mga tao at lumapit sa matanda.

"Anong gagawin niya?" takhang tanong ng lahat.

Naupo siya at sa gilid ng kalsada at nagsimulang i-perform ang cpr. Inipit nito ang ilong ng matanda gamit ang dalawang daliri nito sabay buga ng hangin sa bibig ng lalaki, she continued pumping his cartilage. Ilang minuto niyang ginawa 'yon, nawawalan na siya ng pag-asa pero, hindi siya sumuko. Natutunan niya ang pagsasagawa ng CPR sa isang subject nila nang minsan ay magkaroon sila ng individual demonstration.

Matapos ang twenty minutes ay napaiyak na ang matanda, hinayaan niya muna itong humiga. Pinalakpakan siya ng lahat.

"Tatay, huwag po lalabas kapag walang kasama okay?" nag-thumbs-up pa siya.

Tumango ang matandang naiiyak na, marahil ay akala niyang doon na matatapos ang kaniyang buhay.

Dumating rin ang ambulansya at pinasalamatan siya ng mga dumating na medics, pinuri siya sa kagalingan at kadakilaan na ginawa nito.

Kaagad siyang niyakap si Niana nang malaman ang nangyari, pinalakpakan rin siya ng lahat mula sa University nila, pati mga teachers ay hangang-hanga sa ginawa nito, kabilang si Kian na nasa gilid nahuli ni Gneiss na ngumiti ito habang pumapalakpak, while, Sapphire na nasa tabi niya ay pumapalakpak rin, nag-evolve na naman ang ka-plastikan niya this time.

"Ang galing! Galing! Galing!" papuri ni Niana.

"Wala 'yon, ginawa ko lang ang dapat." ngumiti siya.

Bumiyahe na rin sila, mahaba-haba rin ang naging paglalakbay nila, alas nuwebe na ng gabi noong makarating sila sa kanilang destinasyon. Pagod na pagod ang lahat, hindi na sila mamobroblema sa pag-check-in isa-isa dahil talagang isinara ang establishment na 'to it's exclusively for them.

Naghihikab na at pipikit na ang talukap ng mga mata ni Niana nang makapasok sila sa kanilang room, nasa second floor ito, may elevator naman kaya hindi na naging hassle.

"Nami-miss ko na siya." mahinang sabi ni Niana, pagkahilata pa lang nila sa kama, hindi na nila tinanggal ang ka kanilang mga sapatos at dumiretso na lang sa pamamahinga.

"Ewan ko rin ba doon, sabi niya one month lang daw siya sa France, mag-t-three months na, hindi pa bumabalik." pagmamaktol ni Gneiss.

They're talking about Kyler na umalis pa four months ago, he said babalik naman siya after a month pero three months na wala pa rin.

"Babalik pa ba siya?" malungkot na tanong nito.

"Babalik 'yon, mahal ka e." pagpapatahan ni Gneiss, nakatulog na ito pagkatapos ng pag-uusap nila, she's so sad inside pero nilalabanan niya 'yon, alam niyang hindi siya kayang iwan ni Kyler ng tuluyan.

Tinanggal ni Gneiss ang sapatos ng kaibigan at sakaw ito kinumutan. Nagutom siya bigla, hindi ito nakuntento kanina sa kinain nila sa restaurant kung saan sila nag-stop-over. May baon siyang mga snacks hindi na magkakaabala sa pamimili.

Binuksan nito ang kaniyang backpack kung saan naroon ang favorite niyang snack a burger and orange juice— pero napatampal na lang siya sa noo nang wala sa loob ng bag niya ang orange drink nito, nakalimutan ng kaniyang ina, siya kasi ang naghanda ng mga gamit niya.

Naisipan niyang lumabas para maghanap ng orange juice, kinuha nito muli ang kaniyang jacket dahil medyo nararamdaman niya ang malamig na simoy ng hangin.

Pagkababa niya sa building ay tumingin siya kung may establishment ba ditong nagtitinda ng ganoon, a one fruity shop captured her eyes, maraming tao ang naroon katabi lang rin kasi nito ang isang high-end bar, narito ang karamihan sa mga estudyante akalain bang pagod na sila pero, lalaklak pa rin?

Naglakad siya papalapit sa naturang shop na 'yon, puro mga magkasintahan ang naroroon ang nag-di-date, papasok na sana siya sa may pintuan nang may humila sa kaniya, dahilan para mapasubsob siya sa dibdib ng kung sino man 'yon, hawak nito ang kaniyang balakang ang she feel uncomfortable while an anonymous person is doing it.

Tiningala kung sino man 'yon isang lasing na schoolmate niya, aalis sana ito sa katawan niya nang hinapit muli nito ang kaniyang baywang, akmang nanakawan ng lalaki si Gneiss ng marahas na halik, pero may humila sa kaniya palayo sa lalaki na 'yon, napayakap siya sa humilang 'yon na si Kian pala.

"Don't come near her, just don't." madiin niyang sabi.

Inilayo niya si Gneiss hawak-hawak ang kamay nito at naglalakad sila sa kung saan man sila pupunta kaso, natigil si Gneiss dahil gusto niya talaga ng orange juice she's feeling this weird thirstiness again, na orange juice lang ang makakaibsan.

"I want an orange juice." atungal niya, nahihiya man ay napakamot siya ng ulo sa harap ni Kian.

"Okay, just wait for me here at ibibili kita, mabilis lang." habilin sa kaniya ni Kian.

Tumango lang siya.

Umalis na si Kian, habang naghihintay ay nilalaro nito ang artificial na buhangin na tinatapakan niya gamit ang tsinelas nito, nawiwili siya sa ginagawang 'yon.

"Here." pag-aabot ni Kian sa orange juice at hamburger, walang nagbago alam niya pa rin kung anong favorite niya.

"Thanks." ngumiti si Gneiss.

"Let's talk?" pag-aaya ni Kian.

"Sure." pagpapasinaya ni Gneiss, matagal-tagal na rin ang huling usap nila after that announcement.

Naupo sila sa bench, full moon ngayon at idagdag mo pang medyo malamig.

"How are you?" pangunguna ni Kian.

"Okay lang naman, ikaw ba?" pagbabalik niya sa tanong.

Napahugot ng malalim na hininga si Kian bago sumagot.

"Sino bang magiging okay kapag ipinakasal ka sa taong hindi mo naman gusto?" pagbitaw niya, mistulang nabingi si Gneiss sa narinig, natigil pa siya sa pagkain.

"O—oo nga ano? nakakatawa! Look at that abrupt decision ipapakasal nila ako sa'yo? Sa'yo na best friend ko lang at hindi ko kailan man magugustuhan?" tumawa pa si Gneiss. That was fake, she lied.

"We never loved each other like couples do, we're just friends, let that be just there." utas ni Kian.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon