Chapter 44: Home is where the heart is

251 7 0
                                    

Mahigit isang linggo na rin ang nakalilipas matapos mangyari ang pagtatalo sa pagitan nila. Hindi lubos akalain ni Gneiss na, magkakaroon siya ng lakas ng loob para sabihin ang bawat hinaing niya kay Kian, kung paano niya pinigilan ang sarili't, magpakatigas sa harapan niya, alam nito sa sarili na hindi siya ganoon, nadala lang siya ng sitwasyon at higit sa lahat, napuno na siya. Changes happens in every circumstances.

"Gneiss." pagtawag ni Niana. Makalipas ang isang minuto na hindi siya nakatanggap ng sagot mula kay Gneiss na nasa loob pa rin ng kuwarto ay kumatok na siya ng tatlong beses.

"Sandali lang." Sigaw ni Gneiss.

Bumaling na lang si Niana sa hawak niyang holder kung saan naroroon ang pagkain ni Gneiss para ngayong umaga, dumukot siya ng isang bacon at isinubo 'yon. She prepared a breakfast for her best friend, para man lang kahit papaano ay gumaan ang loob nito. She already knew what happened, she madly wanted to be angry towards Kian, but she just thought about focusing on her best friend's feelings, shortly after knowing that happening. As for usual best friends thing, well of course she did comforted her tomorrow after that night.

Nang bumukas ang pintuan ay nasilayan kaagad ni Niana si Gneiss, nakangiti ito ng malawak, subalit mugto pa rin ang mga mata nito. She quit staring at her, when Gneiss, pinched her nose.

"Aray!" anas nito, hinaplos pa niya ang kaniyang ilong gamit ang kanang kamay nito.

"Akin ba 'to?" Pagtuturo ni Gneiss, sa hawak niya.

"Ay malamang! May ibang tao pa ba rito sa kuwarto mo?" Napairap na lang si Niana.

"Ang sungit mo." Napatawa na lang si Gneiss, at saka naglakad papunta sa kaniyang kama, sumunod naman si Niana sa kaniya.

"Kailan ka uuwi sa bahay ninyo ng bwakanangshit na lalaking 'yon?" tanong ni Niana, she's referring to none other than Kian. Kinaumagahan matapos mangyari 'yon ay nag-impake si Gneiss ng gamit niya't, dumiretso kila Niana, mabuti na lang ay nasa business tour ang parehong magulang nito, walang makakapag-sumbong sa mga Ruiz at Monterivas.

Pinunasan muna ni Gneiss ang gilid ng kaniyang labi, dahil kumalat ang ketchup ng hotdog roon. "I don't know." Nagkibit-balikat ito.

"Your parents isn't aware of what's happening in between you and him. If I were you, I would just break that tradition kiyeme na 'yan, rather than staying with that bwakanangshit forever, at saka isa pa, paano kapag mag-asawa na kayo? Ganoon pa rin ba ang cycle? Jusko! Ayaw kong parati kang umiiyak, paano kapag nagkaanak kayo? Pati mga inaanak ko masasaksihan rin kabulastugan ng tatay nila?" Napahilot na lamang ng sentido si Niana.

"I don't know, I just don't know." mahinang sagot ni Gneiss.

Tumayo si Niana at muli siyang humarap dito. "Ewan ko sa'yo, kumain ka na't aalis tayo, ipapa-salon kita, mukha ka ng zombie, treat ko lahat today."

"Thank you." Ngumiti si Gneiss saka na nagpatuloy sa pagkain.

******

"Sigurado ka bang gugupitin ko 'tong buhok mo? Sayang naman." ani ng baklang barbero. Nasa salon sila't, imbis na ipapa-rebond sana ni Niana si Gneiss ay sumalungat ito at sinabing magpapagupit na lang siya.

"Opo, siguradong-sigurado." Ngumiti si Gneiss, kitang-kita nila ang ngiti nito dahil nakaharap siya sa malaking salamin.

"Oo nga Gneiss, sobrang inggit nga ako diyan sa buhok mo ta's ipapagupit mo lang?" pag-sang-ayon naman ni Niana. Gneiss has a long black hair which reaches her waist, napaka-natural nito na maski isang split end ay wala kang makikita.

"Broken ka yata, babaita?" pag-singit ng katabi lang rin nilang barbero, na nagpa-plantsa ng buhok ng kostumer nila.

Nagkatinginan sila ni Niana, ngumisi na lang si Niana sa kaniya at saka napailing-iling.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon