Chapter 22: Truth Or Dare

176 7 0
                                    

Uuwi na sana si Niana nang magkaayaan ang barkada, ni-text siya ni Gneiss at hindi namam siya makatanggi kahit masakit ang ulo nito, napuyat siya kagabi kaka-omegle, bored kasi siya kaya naisip nitong tumambay muna roon. Pero, loyal naman daw talaga siya kay Kyler kahit wala silang label.

Naglakad na siya papunta lang sa katabing University, nadatnan niya si Gneiss at Kyler sa labas ng gate naglalaro yata ng ml si Kyler at nakiki-pindot rin si Gneiss, well if you think she'll get jealous dahil sa closeness at sweetness ng dalawa ay hindi, alam nitong talagang magkaibigan ang mga ito simula't sapul pa lang

"Nandito na ako." utas niya.

Natawag nito ang atensiyon ng dalawa, kaagad namang ibinulsa ni Kyler ang cellphone nito.

"Kamusta ang school hours?" tanong ni Gneiss.

"Walang nagbago, ito bobo pa rin sa math." sagot niya.

"Okay lang 'yan, mahal naman kita." kumindat pa si Kyler.

"Weh? delete mo nga ml mo." paghahamon niya.

"Tsk. No way, basta mahal kita peksman." nag-promise pa siya.

"Ehem label." kantsaw ni Gneiss.

Tumawa na lang ang dalawa.

"Sino pa bang hinihintay natin?" pagtatanong muli ni Niana.

"Si Kian." untag ni Gneiss.

Napailing si Niana. "Hula ko, pagdating niya mamaya dito kasama na naman niya 'yong putangina."

"Haysttt, bibig mo." inirapan siya ni Kyler. Bumelat lang siya.

"O ayan na pala siya." itinuro ni Gneiss ang papalapit na palang si Kian.

Napansin niyang may kasama ito, tama nga si Niana, si Sapphire. Hawak pa nito ang bag ng kaniyang pinsan, they're really having such conversation everytime that they're together, and that makes them wonder kung ano bang topic nila sa tuwing sila lang. Kung ano pa man, one thing is very sure, Gneiss is jealous again, she just can't accept it, idinaraan niya palagi sa pilit na pag-ngiti.

"Sabi ko na." napairap si Niana.

"Hi Insan, and Sapphire." pakikisama 'kuno' ni Kyler kahit alam naman nito sa sarili na ayaw na ayaw niya sa Sapphire na ito.

"Hello," ngumiti si Sapphire.

"Sanaol binubuhat ang bag, mag-jowa kayo?" diretsong tanong ni Niana.

Napatawa naman si Sapphire.

"Grabe ka naman Niana parang binuhat lang 'yong bag mag-jowa na? Kayo nga nagsasabihan pang mahal ang isa't isa may label na ba?" sarkastikong saad nito.

Natagis ang bagang ni Niana. "We don't rush things, we both wait, hindi ako kagaya ng iba diyan pinagtutulakan ang sarili."

"Tayo na nga lang." pagputol ni Gneiss sa nangyayaring initan.

"Oo nga mas mabuti pa." pag-sang-ayon ni Kian.

Nauna nang maglakad si Niana at Kyler nasa likod naman ang tatlo pinagigitnaan si Kian.

"You know what couz? Mas bagay kayo ni Kyler kaysa sila ni Niana." ani Sapphire.

Nabilaukan si Gneiss sa sarili nitong laway, napaubo pa siya ng mahina. "Huh? We're just friends nothing more nothing less." giit naman niya.

"Okay sabi mo e,"

Hindi na muli pang nagsalita si Sapphire, ganoon rin si Kian na naka-focus lang sa paglalakad baka kasi kapag may kausapin siya sa isa sa dalawa may mali na namang kalalabasan.

Nang marating nila ang parke ay naupo lang sila sa damuhan, inilabas rin ni Gneiss ang laptop nito ganoon rin si Kyler, nagsimula na silang mag-type at gumawa ng projects.

Tahimik lang sa gilid si Niana at Sapphire nag-iirapan pa nga, si Kian naman ang in-charge sa journals kaya sa both google and books siya mag-bi-base.

"Niana, can you buy drinks for us? Medyo nauuhaw na ako." maarteng sabi ni Sapphire.

"Bakit ako? e, ikaw mukhang katulong dito." ngumisi siya.

Kitang-kita ang pagkainis sa mukha ni Sapphire. Hindi na lang siya sumagot, senyales na talo siya, hindi 'yon napansin ng tatlo dahil focus na lang sila sa paggawa ng Proyekto.

Nang matapos ay nag-aya ng game si Sapphire, spin the tumbler daw, since wala naman silang bote kaya ang 'yon na lang sa kaniya ang gagamitin.

"Start na." ani Niana at pinaikot ang bote.

Ang ulunan nito ay tumigil at tumugma kay Sapphire.

Pumalakpak pa ito, mukhang excited na excited siya.

"Truth or dare?" tanong ni Niana.

"Okay truth."

"May cavities ka ba? Ilan?" tanong nito muli.

"I have none, you know I always visit my dentist every three months, it should be six actually since it's the advised, but, it's my choice so why would they bother right?" paliwanag pa nito.

"Dami mong sinabi, meron o hindi lang naman ang sagot." pagmbabasag ni Niana.

Napairap muli si Sapphire,

Umikot muli ang tumbler, sunod na tinamaan nito ay si Kyler.

"Truth or dare?" tanong ni Niana.

"Truth." humalukipkip pa ang braso nito, naghahanda sa maaaring itanong ni Niana.

"Top or bottom?"

"Top, of course." ngumisi ito.

Umikot muli ang tumbler this time, tumugma ito kay Niana, so, Gneiss will be the one to ask her.

"Truth or dare?" tanong ni Gneiss.

"Dare, ang hihina niyo naman." matapang nitong sagot.

"Hawakan mo abs ni Kyler." utos ni Gneiss na humahagikgik na rin.

Ganoon rin sina Kian na inaasar pa ang dalawa.

"Fine." kinapa ni Niana ang abs ni Kyler nang tahasan, napapatawa na rin si Kyler sa ginagawa nito.

Umikot muli tumbler, si Gneiss ang itinuro nito.

"Truth or dare?" tanong ni Niana na may halong nakakalokang ngiti.

"Dare?" hindi siguradong sagot niya.

"Describe the love of your life by his physical appearance." utos niya.

"He's basically tall, he's handsome, he's gentleman, he's an athlete, he's very kind and charming.." saad niya.

"He's so malandi at manhid, add that on the list." tugon ni Niana.

"Ikaw, Sunny ko ha, may love of my life ka na pala." pag-singit ni Kian.

Napatawa na lamang ang lahat.

Umikot muli ang tumbler, tumigil ulit ito kay Sapphire.

"Truth or dare?" tanong ni Niana.

"Dare." paghahamon nito.

Nag-isip-isip pa si Niana kung anong ipapagawa niya, hanggang sa may maisip siyang magandang idea at napangisi ng nakakaloka.

"Umuwi ka na." saad niya.

"Huh?" takhang tanong ni Sapphire.

"Iyon ang dare ko sa'yo umuwi ka na, pero dahil mukha ka namang tanga, okay stay here." peke siyang ngumiti rito.

Pinaikot na lang muli nito ang tumbler at tumigil na ito kay Kian.

"Truth or dare?" ani Niana.

"Truth." sagot nito.

"Do you love Gneiss?" tanong nito.

"Tinatanong pa ba 'yan? Of course I love her. She's more like a sister to me, she's definitely have a place in my heart since day one." untag niya.

She's more like a sister. Something, hard to bear.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon