Chapter 30: Pass the phone

161 5 0
                                    

"Tapos ka na ba?" tanong ni Niana kay Gneiss. Kasalukuyan kasi itong nasa loob ng banyo.

"Sobrang sakit pa rin talaga ng puson ko, mukhang hindi ako makaka-attend sa activity natin ngayon." sagot niya, sa kabilang banda ay napapapikit siya ng mariin dahil sa iniinda niyang sakit. She's currently experiencing dysmenorrhea which is normal to all girls. Kamalas-malasan lang nga at ngayon pang field trip nila.

"Anong hindi? Hay naku! Hahanapin ka ng professor mo magagalit 'yon." Niana crossed her hands.

"Sandali lang, mabilis na lang 'to hihintayin ko lang mawala ng kaunti 'yong sakit." dagdag pa niya sabay taas baba sa hawak niyang heat pad. Ayaw kasi nitong si Niana ang gumawa n'yon kasi may pilat siya sa may bandang tiyan which is one of her flaws kaya minsan ayaw niyang magsuot ng mga bikinis, crop tops or flashy outfits.

"Nahihiya ka pa, nakita ko na 'yang puwet mobg flat tapos ayaw mo ipakita sa akin tiyan mo?" pagsita pa ng kaibigan.

"Ewan ko sa'yo, ayaw ko nga kasi, basta! Nahihiya ako." she reasoned out.

Napabuntong-hininga na lang si Niana sa itinuran ni Gneiss.

Pagkatapos ng sampung minuto na pamamalagi nito sa comfort room ay lumabas na siya.

"Okay na?" tanong sa kaniya ni Niana.

Nag-thumbs-up lang ito, tumango na rin ang kaibigan.

Isinuot nila pareho ang kanilang mga jackets at sabay nang lumabas ng kuwarto.

"Ano kayang activity natin ngayon? Confession o 'di kaya bring me challenge tapos may twist?" patuloy lang sa pagdadaldal si Niana habang naglalakad sila palabas ng hotel.

"Anong alam ko baka naman bring me tapos, bring your boyfriend tapos wala naman dito si Kyler so, wala kang dadalhin." pang-iinis ni Gneiss.

"Wala akong pake, ano ba! Ipinaalala mo na naman." emosyonal niyang tugon.

"Okay lang 'yan, babalik 'yon tiwala lang." she patted her shoulder.

"Paano kapag bring me tapos bring me the person you love secretly, dadalhin mo ba si Kian?" tanong ni Niana, natatawa pa ito dahil biglang nagbago ang reaksyon ng kaibigan mukha bang nawalan ng gana.

"Seriously? Hindi, hindi ko kaya 'yon." giit niya at napabuntong hininga ng wala sa oras.

"Nuksss! Okay lang 'yan, basta ang importante humihinga ka." humagalpak na lang si Niana ng tawa. Parang hindi kasi nito kaibigan si Gneiss dahil panay ang pang-aasar niya at pagtawa sa tuwing nagiging awkward or cringe ang reaksyon niya.

"Anong connect? Ewan ko sa'yo." napailing na lamang siya.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating ang venue kung saan gaganapin ang activity nila. Sa gilid lang rin ng beach uupo lang sila sa buhanginan may mga lights lang na nakapalibot in a circular motion naroon na rin ang marami, pati si Kian na abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan panay pa ang ngiti nito. Nakuha niya agad ang atensiyon ni Gneiss, biglang napatitig sa kawalan ang dalaga na animo'y na-hipnotismo siya't hindi na halos maalala na natigil siya sa paglalakad.

Napatigil rin si Niana sabay titig at ngisi dahil sa hitsura ng kaibigan.

"Hoy!" binatukan niya ang kaibigan sabay tawa ng malakas.

"Wake up, wake up Gneiss!" sinampal-sampal rin ni Gneiss ang sarili sabay hagod sa batok niya.

"Tara na nga!" hinablot bigla ni Niana ang braso ni Gneiss at sabay akbay.

Naupo sila sa tabi ni Sapphire at mga kaibigan nitong ubod rin ng pagiging mean ‘kuno’ sinadya 'yon ni Niana para asarin ang pinsan ng kaibigan, hindi nga siya nabigo dahil napatigil sa kaartehan ang mga ito.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon