Tahimik lang ang dalawa habang binabaybay ang daan papunta sa bahay kung saan na sila titira ngayon. Nakasandal si Gneiss sa headrest ng upuan at nasa labas ang tingin animo'y nag-iisip ito ng napakalalim. Naka-focus lang si Kian sa pagda-drive nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Nakuha nito ang atensiyon ni Gneiss, umayos kaagad ng upo si Gneiss, sinagot naman ni Kian ang tawag habang nakalagay sa dashboard ang kaniyang cellphone, Gneiss saw it was Sapphire who's calling. Kinuha na lamang nito ang earphones at ipinasak ito sa tainga habang nag-p-play ang isang rock na kanta, para siguradong hindi na nito marinig kung ano man ang pag-uusapan ng dalawa.
She's seeing how Kian widely smiles while he's talking with her, pakiramdam nito'y si Sapphire na lang ang makakapagpasaya kay Kian. She started to doubt herself again. A question popped out to her head, Paano nga ba kapag hindi naging successful ang pagsasama nila? Napakalaking disappointment nito sa pamilya nila. Nang tapos na sa pag-uusap ang dalawa ay ipinikit na nito ang kaniyang mga mata, hindi nito namalayang nakatulog na siya kaagad.
Bumaling si Kian sa kaniya, he smiled a little when he saw how angelic her face when she's sleeping.
Nang makarating na sila sa naturang subdivision ay may nagbukas ng gate, isang nasa gulang apat-napu na lalaki naka-uniporme ng pang-body guard. He'll be their security guard. Napakalaki ng bahay, it was an American style malawak rin ang paligid may swimming pool, may garden, park at mini sport field. Ipinarada ni Kian ang sasakyan nito sa maliit na basement ng bahay, maliit kasi limang sasakyan lang ang kakasya rito.
Napatingin siya kay Gneiss hindi niya puwedeng guluhin ito sa pagtulog dahil malamang ay sobrang napagod ito. Ang ginawa niya ay dahan-dahan niya itong kinarga, in a bridal style.
"Bumibigat ka, last time I carried you medyo magaan ka pa, it's okay kaya ko naman." pagkausap nito.
Dahil nga sa tulog si Gneiss ay hindi niya ito narinig. Dumiretso siya sa loob ng bahay, malawak ang loob nito, napakaganda at aliwalas sa mata halatang mahal ang ibinayad sa Architect. Umakyat siya sa hagdan, nakita nito ang nakapaskil na papel sa isang kuwarto “Gneiss's room” agad nitong kinapa ang susi sa kaniyang bulsa pero naalala niyang si Gneiss pala ang humawak nito, pumasok sa isip niya na inilagay ito ni Gneiss kanina sa shoulder bag niya.
Kinapa nito ang zipper ng bag niya at kinalikot ang loob nito gamit ang isang kamay niya, may isang bagay siya na nakapa, nang itinaas niya ito'y isang maliit pala na keychain heart keychain at may lagayan ng picture na maliit rin, naagaw ng atensiyon niya ang picture, na picture pala nilang dalawa noong mga bata pa sila.
He smiled.
Kinapa niya ulit ang loob at sa wakas ay nahanap na ang susi. Binuksan nito ang pinto at maingat na ibinaba si Gneiss sa kaniyang kama, mabuti na lang at hindi siya nagising. Tinanggal rin nito ang shoulder bag na nakasabit sa balikat niya pati na rin ang sandals nito. Habang tinatanggal ang sandals niya ay nakita nito ang pagdurugo ng hinliliit niya, marahil dahil masyadong mataas ang takong ng ginamit niyang sapatos lalo pa't hindi ito sanay sa pagsusuot ng ganito. He stood up quickly at hinanap ang drawer kung saan nakatago ang first aid kit, and he just found it instantly.
Umupo siya sa sahig at nagsimulang, punasan ang dugo gamit ang bulak at saka niya ito nilinisan gamit ang agua at betadine. Nang matapos ay kinumutan na niya ang dalaga, muli niya itong sinulyapan bago lumabas ng kuwarto.
"Good night." he said in a soft voice.
Kinabukasan nagising si Gneiss bandang alas singko, ginawa na nito ang morning rituals niya at kaagad na bumaba ng kaniyang kuwarto, naalala niyang nakatulog pala siya sa loob ng sasakyan kagabi, idagdag mo pang wala na siyang sapin sa paa at wala na balikat nito ang bag niya. Napagtanto niyang baka binuhat siya ni Kian at dinala sa kaniyang kuwarto. She smiled when she thought of that.
Nang makarating siya sa baba ay nabingi siya sa katahimikan, naisip niyang baka dalawa lang talaga sila dito, pero kang sumilip siya sa labas at nakitang may guwardiya. May guwardiya pero wala silang kasambahay? Dumiretso na lang siya sa kusina, she'll be the one to cook for breakfast. Binuksan nito ang hanging cabinet kumpleto ang supply nila sa groceries, pati ang refrigerator ay punong-puno.
Kumuha siya ng tatlong itlog, bacon, hotdogs at karne. Nagluto na siya at nang matapos ay inihanda ang lamesa, nagtimpla rin siya ng gatas nito at kape kay Kian since, alam nitong kape talaga ang hilig ng binata.
Ilang sandali pa'y nakarinig na siya ng tunog ng mga paa pababa, iniangat nito ang ulo her jaw dropped nang makitang naka-sando at boxers lang si Kian. Medyo nailang siya, she saw him like that for the first time. Nag-focus na lang siya sa mga nakahain na pagkain at maya-maya pa'y naupo na si Kian sa harapan niya.
"How's your sleep?" panimula ni Kian.
"It's okay, how about you?" pagbabalik nito sa tanong, sumimsim siya ng kaunti sa baso ng gatas nito.
"It's okay too, you cooked all of these?" hawak nito ang tinidor na may nakatusok na bacon.
Tumango si Gneiss bilang sagot.
"Marunong ka pala." mahina nitong sagot.
"I love cooking." saad naman ni Gneiss.
They finished eating for twenty minutes. Afterwards, niligpit na ni Gneiss ang mga pinagkainan nila naglakad ito at inilagay sa lababo.
"Aalis ako." ani Kian sa likuran niya, nakabihis na ito at halatang may lakad talaga.
"Where are you going?" tanong ni Gneiss.
"Basta." he said while wearing his jacket.
"Kapag nagtanong si Tita, hindi puwedeng basta lang ang isasagot ko." wika ni Gneiss at binuksan na ang faucet.
"May lakad kami." utas niya lang at tumalikod na.
"Kami? Sino?" pagsasalita niya. Nakatalikod na si Gneiss at naghuhugas ng plato hinihintay ang sagot ni Kian.
"Sapphire." his voice lowered down.
"Okay, ingat kayo." pagpapasinaya ni Gneiss.
Umalis na ito.
Maglilinis si Gneiss pagkatapos niyang maghugas. Umakyat siya sa kuwarto ni Kian at una itong nilinisan. Habang nagwawalis siya ay tumambad sa kaniya ang isang stick ng sigarilyo, lighter at kahon pa nito.
She was very shocked, kailan pa naninigarilyo si Kian? Hindi nito maatim ang nalaman kaya bumaba siya pagkatapos at ni-dial ang number ni Kyler.
"Hello? Napatawag ka?" pambungad ni Kyler.
"Does Kian smoke?" biglaan niyang tanong.
Napatahimik siya sa kabilang linya.
"Alam mo na?" humina ang tinig nito.
"Yes, I found cigarettes in his room."
Muli niyamg sinulyapan ang box ng sigarilyo na inilagay nito sa dustpan hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na naninigarilyo ito.
"Yes.." matipid na tugon niya.
Napailing siya, hindi pa rin talaga ito makapaniwala.
Pareho kaming natahimik ni Kyler, naririnig ko rin ang paulit-ulit na pagbuntong-hininga niya.
"K—kailan pa?" I stuttered.
"He's not just smoking, he also started drinking simula nang ni-announce na i-e-engage kayo."
Napatakip ito sa kaniyang bunganga, pakiramdam niya'y, siya 'yong may kasalanan kung ba't siya nagsimulang mag-bisyo.
"Is it my fault?" tanong niya kay Kyler.
"It wasn't your fault, it's his choice." pangungumbinsi nito sa kaniya.
"I'll hang up," 'yon na lang ang lumabas sa bibig niya.
"Okay, keep safe I love you." aniya.
He's still very sweet kahit pa engage na ang best friend, nito'y, hindi pa rin nagbabago 'yong treatment niya sa rito.
"I love you too." she said lastly, and ended the line.
Napatingin ito sa engagement ring niya. All she think was that, these was all her fault.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...