Chapter 7: Sacrifice

300 8 3
                                    

"Today's lesson is all about sacrifices, just like what the story wants us to know, if you're on the place of the main character anong kaya mong isakripisyo para sa mga minamahal mo sa buhay, like, family, friends, or even fellows?" pagsisimula ng guro nila sa English subject.

Itinaas naman ni Kyler ang kamay niya, active ito sa klase kahit naman noong elementary ay ganito na talaga siya. Si Kyler at Gneiss ang magkaklase sa Section A, si Kian naman at Sapphire sa Section B, about Sapphire? Ayon wala pa ring nagbago, masama pa rin ang pag-uugali.

"I'll sacrifice half of my earnings for the victims of calamities." aniya. Pumalakpak ang lahat sa sagot niya. Matalino si Kyler ayon nga lang minsan sarcastic, pasikat, maangas depende talaga sa kung paano ka makitungo sa kaniya, kung matabas 'yang dila mo at pangit pa 'yang pag-uugali mo, asahan mong hindi ka niya papansinin, kung nagpupumilit ka manigas ka na lang. Ngayon baliktad na ang mundo, kung noon ay si Kian ang cold ngayon ay si Kyler na, hindi pala-kaibigan si Kyler, si Gneiss at Kian lang yata ang madalas niyang kasama eskwelahan man o bahay.

"That's Great. Mr. Martivez, how about you?" iginaya nito ang kamay niya sa pinaka-nerd sa buong klase. Kung siya ang nerd sa mga lalaki, hindi ikakaila na si Gneiss naman sa mga babae. Imbis kasi na makinig si Gneiss sa klase ay nagbabasa na naman ito ng libro, pinili niya talagang umupo sa likod para hindi siya gaanong mapansin.

"I'll sacrife my glasses, para sa mga batang may malalabong mata pero, hindi kayang pagawan ng kanilang Nanay." matipid niyang sagot at umupo na. Everyday kasi ay iba-iba ang klase ng glasses nito, madalas siyang atakehin ng mga bullies sa buong University pero dedma na lang siya doon, kumakain pa nga 'yan ng hamburger at footlong habang bi-nu-bully at pinagtatawanan. Iyon ang hidden at unique talent nito kaya niyang mag-mukbang sa harap ng mga nam-bu-bully sa kaniya.

"So very touching." napahawak ang teacher nila sa kaniyang dibdib.

"How about—Ms. Ruiz? What are you doing?" napataas ang kilay ng guro, napatayo rin bigla si Gneiss dahil sa gulat, nakatago ang libro nito sa kaniyang likod.

"Yes Ma'am?" casual niyang sabi, para hindi mahalatang gulat siya't kinakabahan.

"Anong kaya mong isakripisyo sa mga mahal mo sa buhay? examples are; family, friends or fellows, material or non-material things can do." she explained.

"I'll sacrifice my time, for my parents. Lately, I've been busy because of different contests that I'm joining in, and I'm lacking time with them, so that's it." she straightly said at inayos ang natabingi niyang glasses dahil sa biglaan niyang pagtayo kanina.

"You're very good! Tama 'yan, minsan kailangan rin nating magsakripisyo para sa mga taong minamahal natin, not because we are obliged to do it, but, because we love them."

The whole class nodded as a sign of understanding the whole lesson. Natapos rin 'yon at nag-break-time na, hindi umalis sa kaniyang upuan si Gneiss, wala rin naman siyang balak mag-recess ngayon dahil tatapusin muna nito ang binabasa niyang libro. Pero, lumapit sa kaniya si Kyler dala ang isang fries, burger at cola in can.

"Kumain muna kasi.." ismid niya at inilapag 'yon sa may armchair ni Gneiss, ganoon din ang snack niya kaya nagsimula na rin itong kumain.

Tumingin sa kaniya si Gneiss at ngumiti. "Thank you."

"Nag-enjoy ka ba sa movie marathon natin nila Kian kagabi?" panimula ni Kyler sa isipan.

"Hindi, paano ba kasi pinalitan ni Kian ng boxing 'yong pinapanood natin na Love Story." reklamo niya. Ibinaba nito ang libro at kinagat ng marahan ang hawak niyang burger.

"Sus! puro ka kasi love story, there's no happy ending we're not in disney." pag-kontra nito.

"Bitter ka lang! Palibhasa binasted ka ng pinsan ko!" pang-aasar ni Gneiss, rumors had spread all over the campus na niligawan daw ni Kyler si Sapphire pero binasated siya nito, walang nagsalita sa dalawang panig para patotohanan ang mga kuwentong kutsero na 'yon.

"Anong binasted?! Tanungin mo muna kasi kung niligawan ko ba talaga siya, Gneiss ninyo chismosa na." bulalas nito at saka sumimsim sa coke.

"O, sige niligawan o nililigawan mo ba si Sapphire?" diretsong tanong ni Gneiss.

"Hindi, mahiya naman 'yon kapangit ng ugali, paano ko magugustuhan 'yon aber?" maarteng utas ni Kyler.

"Mag-ingat ka naman Chong! Pinsan ko pa rin 'yon."

Napailing na lang si Kyler. "Pero, Gneiss may itatanong pala ako."

"Ano 'yon?"

Nagtama ang paningin nila pareho, "Anong kaya mong isakripisyo para sa akin?" tanong ni Kyler.

Napaisip pa ng malalim si Gneiss. "Siguro, talino na lang sa Filipino kung puwede." napatawa si Gneiss.

"Grabe ka naman! Porke't mahina sa Filipino? Tsk." atungal nito.

Napatawa na lang si Gneiss.

"Ikaw anong kaya mong isakripisyo para sa akin?" pagbabalik ulit ni Gneiss sa tanong.

"Lahat, just to make you happy." napangiti si Kyler, hindi maintindihan ni Gneiss kung ano ang ibig niyang sabihin.

Napatigil sa pagnguya at pagkain ng fries si Gneiss, nagmistulang na-trap sa loob ng bunganga nito ang ilang pirasong fries na isinubo niya.

"Ang corny mo talaga! Uy!" pambabasag ni Gneiss.

"Tsk. Okay corny na kung corny basta 'yon, I'm willing to sacrife everything I have basta maging masaya ka lang." dagdag pa nito.

"Dami mo knows! Para kang matanda magsalita. Talaga ba? Bakit ganoon na lang kalaki 'yong kaya mong isakripisyo para sa akin?"

"Kasi, mahal kita— bilang kaibigan.." saad nito at saka pinunasan ang kumalat na ketchup sa gilid ng labi ni Gneiss.

Dumating rin si Kian, pumasok na lang ito bigla sa loob ng room at dumukot sa kinakain ni Gneiss na fries.

"Ang corny ninyo." walang expresyon niyang sabi. Pinagtawanan na lang siya ni Gneiss at Kyler.

"Selos ka lang ano!" ismid ni Kyler.

"Ba't ako magseselos eh, mas mahal ako ng Sunny ko diba, Sunny ko?" pangungumbinsi pa niya kay Gneiss, both of his eyebrows arched, nagpapadagdag 'yon sa kagwapuhan niya.

"Tumigil nga kayo! Mahal ko kayo pareho, dahil kaibigan ko kayo okay?" hinila ni Gneiss ang dalawa at sabay na inakbayan, nagtawanan silang tatlo. That's normal on their case at the first place ilang taon na silang magkakaibigan.

"Eh, ikaw Kian ano bang kaya mong i-sacrifice para kay Gneiss?" bulalas ni Kyler.

"Lahat, basta maging masaya lang siya."

Kinotongan siya ni Kyler. "Ginaya mo sagot ko gagu!" malutong na pagmumura nito.

"Gagu! Galing kaya 'yon sa puso ko, totoo 'yon I'll do and sacrifice everything just to make my Sunny happy.."

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon