"Gian, huwag munang malikot may pupuntahan lang kami ng Tita Niana mo, kay Yaya ka muna ha?" habilin ni Gneiss sa kaniyang anak na si Gian na nasa living room at presentableng naka-upo habang nanonood sa kanilang 72 inches television, nasa kanan nito ang bowl ng popcorn at sa kaliwa naman ang isang baso ng favorite niyang kiwi juice.
"Okay Mama, take care po." sagot nito sa ina, nang hindi man lang lumilingon.
Hindi naman mapakali si Gneiss sa tono ng boses ng kaniyang anak at kung paano siya nito sagutin, nasanay kasi siyang kapag nagpapaalam ito'y tatakbo o 'di kaya'y tatayo si Gian upang kintalan siya ng halik at yapusin. She followed her guts, imbis na umabante siya upang abutin ang ilang hakbang na lamang na seradura ng pintuan ay pinili niyang lingunin ang kaniyang anak.
She tiptoed in front of her son, nasa tv pa rin ang pares ng mata ni Gian, ngunit ramdam ni Gneiss na wala talaga sa pinapanood niya ang kaniyang atensiyon.
"What's your problem, baby?" mahinahon na tanong niya. Hinawakan nito ang magkabilang braso ng anak at saka niya ito tinitigan sa mata.
"Ma.." usal ni Gian. "We're already here for four days, I still haven't seen Dad." Tinapatan niya rin ang titig ng kaniyang ina, ngunit sa pagkakataon na 'yon ay naluluha na ang paslit, umiwas din si Gneiss sa kabilang dako, dahil alam niyang hindi maatim ng puso niya na makitang may lumandas na kahit isang butil lang na luha mula sa mata ng kaniyang anak.
Ilang minuto rin siyang nakatitig sa sahig, naghahagilap ng isasagot sa anak, ganoon din ang anak niyang naghihintay sa sagot niya. She heaved a deep sigh and touched her son's face softly. "Trust me, baby, malapit na."
"I always believe in you, mama." ani Gian at hinawakan din ang kabuuan ng mukha ni Gneiss.
"I love you." pagsasalabi ni Gneiss.
"I love you too, mama." tugon ni Gian at hinalikan sa noo ang kaniyang ina.
Nang marinig na ni Gneiss ang busina ng kotse sa labas ay bumitiw na siya sa yakapan nila ni Gian, alam nitong nasa labas na si Niana, ayaw pa naman niyon ng pinaghihintay.
"Can mama go now?" nakangiting tanong nito sa anak.
"Yes mama, keep safe." isang malawak din na ngiti ang isinukli nito.
Bago tuluyang umalis si Gneiss ay hinalikan niyang muli ang pisngi at labi ng kaniyang anak. Nang marinig na ang pang-apat na busina ni Niana ay kumaripas na siya ng takbo palabas.
"Ang tagal.." atungal ni Niana sabay ngiti, pinagbuksan na rin nito ng pintuan si Gneiss.
"Hindi na siya makahintay na makilala ang tatay niya." Si Gneiss habang ikinakabit ang seatbelt nito.
"Nagtataka na rin ako sa'yo ha, bakit ba kasi hindi mo na ipakilala? Hindi ka ba naaawa sa bata?" Niana hit started the car engine right after saying that.
"Kinakabahan ako, paano kapag kunin niya sa akin ang anak ko?" malungkot na saad nito.
"Ang layo ng iniisip mo sa iniisip ko, baka pa nga magkatuluyan kayo e."
Napairap na lang si Gneiss sa sinabing 'yon ni Niana, here they are again mag-aasaran na naman na parang noong mga 19 years old days lang nila.
"Oo nga pala, saan ba ang lakad natin ngayon? Bakit biglaan kang nagyaya?" Gneiss curiously asked while she's looking for her phone inside her Ralph Lauren's bag.
"I-I just want to show you something." nauutal na ani ni Niana.
Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ni Gneiss, kilalang-kilala nito ang kaibigan, saka lang ito mauutal kapag naiiyak na talaga siya o hindi kaya malungkot na balita ang dala niya.
BINABASA MO ANG
Forced
RomanceComplicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already had an intimate relationship, Kian sees Gneiss as a little sister while Gneiss feels the opposite. She was in the middle school when she adm...