Chapter 48: The changes

358 9 0
                                    

"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Niana kay Gneiss. Naglalakad sila papunta sa may laboratory ng unibersidad, nang tumigil ang kaibigan nito sa 'di malamang kadahilanan.

Dalawang linggo na pala, nang mangyari 'yon sa kanila, ang gabing tinawag niyang gabi ng pagkakamali, ang gabing winasak na nila nang tuluyan ang tradisyon na pinangangalagaan at sinusunod ng mga nagdaan. Nawasak 'yon ng walang ni isa ang may kaalam-alam. Kian shouldn't touch Gneiss, until their wedding day, pero wala na, tapos na.

Napapikit si Gneiss at napahawak sa kaniyang sentido, nakaramdam ito ng matinding pagkahilo. "Okay lang ako." aniya.

Napailing si Niana. "Kahapon ka pa ganiyan, inaalagaan mo ba talaga sarili mo? Inaalagaan ka ba ni Kian?"

"Tayo na lang sa lab, gusto ko nang umupo." pilit na ngumiti si Gneiss kay Niana.

Hindi makumbinsi si Niana sa tugon ng kaibigan, she isn't okay, and she can feel that, matagal na silang magkaibigan, alam nito kung masaya ito o hindi. Wala naman na siyang nagawa, kung hindi ang sundin ang sinabi ng kaibigan.

Nang makarating sila sa loob ng laboratory ay agad hinanap ni Gneiss, ang apparatus na gagamitin nila mamaya sa anatomy. Kaagad niyang nahanap 'yon, umupo muna sila saglit at siniyasat ng paulit-ulit ni Gneiss, kung ito ba talaga 'yong apparatus na 'yon.

"Ang init." Pinaypayan ni Gneiss ang kaniyang sarili, gamit ang kamay nito.

Tumaas ang isang sulok ng kilay ni Niana. "As far as I know, nakasagad na ang temperature ng aircon dito, tapos naiinitan ka pa rin?"

Napakagat ng pang-ibabang labi niya si Gneiss. "Ang sabi ko, mainit kasi ang hot mo! Joke 'yon, dapat eh!" Napatawa pa siya kunwari. "Inuunahan mo kasi."

Na-weirduhan si Niana sa inaasta ng kaibigan, kailan pa nag-joke si Gneiss? "Anong kinain mo? Anong nangyayari sa'yo?" Hinawakan pa ni Niana ang noo nito, pakiwari niya'y may lagnat ang kaibigan and worst, baka "namaligno" pa. 

Pa-simpleng tumikhim si Gneiss. "Okay lang ako, ano ka ba? Ikaw dapat ang tanungin ko kung okay ba talaga kayo ni Kyler? I noticed, you unfollowed each other on instagram, anong nangyari?"

"Nothing, trip lang namin 'yon." Humagikgik si Niana. Gneiss on the other hand, knows she's lying. Kilalang-kilala nga talaga nila ang isa't isa.

"Let's go?" pag-aaya ni Niana sa kaibigan.

Tumayo na rin si Gneiss, magkahawak sila ng kamay na bumalik sa kani-kanilang departmento.

******

Nagpaalam si Gneiss sa kalagitnaan ng pag-di-discuss ng kanilang professor sa anatomy, alam nitong terror ito, pero hindi na talaga niya kaya, naduduwal na talaga siya. Nang tumango ang kaniyang lalaking professor ay tumakbo na siya, papunta sa restroom. Napakapit siya sa may sink at sunod-sunod na pagsuka ang ginawa niya, parang may kumakalikot sa sikmura niya, hindi nito maintindihan ang sarili. Lagpas tatlong beses siyang nagsuka. Tinignan niya ang sarili sa salamin, pagkatapos maghilamos, may palagay at hinala na siya sa nangyayari sa kaniya, pero ayaw niyang mag-conclude, kung ito man ang katotohanan ay hindi pa siya handang tanggapin ito.

Bumalik siya sa room nila ng wala sa sarili, tuliro na lang at walang pokus sa naging aktibidad nila, kaya nakakuha siya ng mababang puntos, nakaramdam siya ng pressure at stress doon, naiiyak pa siya nang iabot sa kaniya ng professor nila ang index card nito na naglalaman ng score niya, she badly wanted to cry, ngayon lang ito nangyari sa tanang ng buhay niya bilang estudyante, ang maiyak dahil lang sa mababang score na nakuha.

Dumiretso siya sa locker nito after class, naramdaman niya ang biglaang pag-kirot ng tiyan niya, napapikit pa siya para indahin 'yon, nakakapit siya sa locker para kumuha ng lakas, pero agad siyang nagimbal nang may humila sa bag nito, masyadong malakas ang pagkakahatak niyon, dahilan para bumagsak siya't mapaupo sa sahig. Hindi pa naglalaho 'yong kirot ay nadagdagan na naman, nadali ang puwet niya sa pagkakataong 'to. When she looked up to that person who dragged her, hindi na siya nagulat, it's Sapphire again.

ForcedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon