Chapter Three

1.3K 42 0
                                    

"Don't you ever dare fall in love with me, it will be forever unrequited."

Naalala ko na naman ang sinabi ng hambog na iyon. Nakakainis, don't you ever fall in love with me nye nye nye. Ang kapal ng mukha, nahiya yung pader dito sa kwarto ko. Bwiset, oo gwapo siya at siguradong habulin siya ng babae pero kingina, 'di naman ako gano'ng uri ng babae. Mas maganda pa rin iyong humble, sweet at palangiting lalaki kaysa sa tulad niyang palaging mukhang pinagsakluban ng langit at lupa! At tsaka magkapatid kaya kami, hindi man blood related but that's so iww pa rin.

Pakiramdam ko ay hanggang pagtulog ko ay nagungunot ang noo ko dahil sa inis sa kumag na iyon.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Matapos akong maligo ay nagsuot ako ng white neck tied top at blue knee length formal skirt na pinaresan ko ng block heels. I'm all set after putting a red lipstick.

Pagbaba ko sa kusina ay ako na lamang ang kulang para magsimula na ang breakfast namin. Nang madampian ng tingin ko ang kumag ay pakiramdam ko nasira na agad ang araw ko at muli na namang nag echo sa tainga ko ang sinabi niya sa akin kagabi.

"Hija, come here. Let's eat." Tawag sa akin ni Papa, nginitian ko ito.

"Good morning po." I said and sat to my usual seat. Madali lang naman akong natapos sa aking pagkain. Tulad kagabi ay hinintay ko silang matapos kumain bago ako tumayo at naghanda sa aking pagalis.

"Mom, Pa, gotta go to my work na po." Paalam ko sila. Papa just nodded and smiled to me while I went to Mom's side to kiss her cheek, she smiled to me too. I was about to walk when Kai stood up too.

"I'll go now." Simpleng saad niya.

"Oh. Bakit hindi na lang kayo magsabay nitong kapatid mo?" Biglang suhestiyon ni Mom na ikinagulat ko. Kaswal lamang akong tinapunan ng tingin ni Kai.

"I guess, she can drive. What's the need of riding with me?" He asked and eyed me from head to toe, he's freaking intimidating! Mom's about to say something but I was fast enough to cut her off.

"No need po, Mom. He's right, I can drive naman po." I smiled and walk away. I didn't took a glance of him even I know that he's just behind me. Anong akala niya, gusto ko siyang kasama?! Masyado naman yata siyang mahangin, tsk.

Nang makarating ako sa office ay agad kong chineck ang mga panibagong paper works na nasa mesa ko, 'di kagaya kahapon ay mas madami ito. Hindi pa ako nakakatapos ng isang chapter nang may pumasok sa office, I just gave it a glance before greeting him a good morning. Baka siya na iyong Kaizer Stanley na boss namin, teka, ano? Muli ko itong tiningnan. Namamalikmata ba ako? Nagpakurap kurap ako, baka sakaling magbabago ang mukha na nakikita ko.

"You're working here?" Nagugulat na tanong ko.

"Obviously." Maikling sagot niya. Showing that he's not interested, as if namang interesado ako sa kanya. Nagtanong lang naman ako at tsaka ba't ba ang sungit sungit niya palagi? Pinaglihi yata siya sa sama ng loob. Patago ko siyang inirapan.

"Legal Assistant Celine, make a subpoena for this persons. Make it fast." Walang lingon niyang sabi at basta na lang nilapag ang hawak niyang mga papel sa isang tabi ng table niya na para bang senyales ito na ako pa ang dapat kumuha noon. Oo, malapit lang ang distansiya namin pero wala ba siyang mga paa para man lang maayos itong ihatid sa akin?--

"I'll repeat, make it fast." Malamig na sabi  niya.

"Nakakainis, napakademanding pa." I murmured.

"You're saying?" Malamig na tanong niya.

"Wala." Simpleng sagot ko.

Agad kong nireview ang case na paggagamitan nito. Hindi pa ako nakakasimula sa paggawa ng subpoena nang muli niya akong tawagin. Tiningnan ko lamang ang likod niya.

"Review this cases and make a copy of it. I need it now." Malamig na utos niya tsaka nilapag ang makapal na hanay ng mga papel sa gilid ng mesa niya. Wala naman akong choice kaya wala akong nagawa kung hindi ang kunin ang mga papel na iyon at iniwan ang naunang ginagawa ko para magawa ko ang kailangan na raw niyang mga papel.

Wala pa ako sa kalagitnaan ng ginagawa ko nang magsalita na naman siya para sa panibagong utos.

"After that, give the copy of slander case of Mr. Cruz to the superiors. The original copy, leave it here." He demanded. Nagpatuloy ako sa paggawa noon kahit na nakararamdam na ako ng gutom.

Mayamaya lang ay umalis na si Kai, marahil ay magllunch na. Nakakainis, 'di man lang ako inaalok sa kumain muna matapos niya ako tambakan ng napakaraming trabaho. Andami dami ko pang gagawing subpoena!

Magaalas dos na nang matapos ako sa pagpapacopy ng mga cases. Matapos doon ay agad kong hinanap ang slander case ni Mr. Cruz at pumunta ako sa opisina nila para iabot na ang mga kopyang iyon.

"Miss Shania, here's the copy if Mr. Cruz' slander case." Nakangiting sabi ko sa mestiza'ng babe na kaharap ko.

"Oh. Okay, Thank you."

"Don't mention it po." I replied and smiled to her before going out of her office. After her, I also went to other superiors' office. Nang matapos kong ipamigay ang mga kopya ay dumiretso na ako sa labas at naghanap ng pinakamalapit na coffee shop. I just bought a cup of coffee and sandwich. Hindi ako maaaring magtagal sa pagkain dahil tambak pa ang gagawin ko dahil sa magaling na kumag na 'yon.

Habang kumakain ako ay ginagawa ko na rin ang subpoena, nang makagawa ako ng sampo ay pinrint ko na iyon. Inayos ko ang pagkakatupi noon at pinatong sa mesa ko habang gumagawa ako ng mga panibago. Nakalimutan ko na ang iniinom kong kape kaya naman aksidente ko itong natabig at kamalas-malasan namang nabuhos ang laman noon sa mga bagong print na subpoena. Bwiset talaga! Mabuti na lamang at mabilis kong naitaas ang laptop ko kung hindi ay malamang nabuhusan din iyon.

Huminga ako ng malalim at pinilit na kalmahin ang sarili ko. Badtrip naman e! Wala akong nagawa kundi ang simulan ulit sa umpisa ang mga subpoena.

Magaalas kwatro na nang bumalik si Kai sa opisina. Tulad kanina ay hindi naman kami nagiimikan. Lalong uminit ang ulo ko nang magsimula naman siya sa pagdadagdag nang trabaho ko. Hindi ba niya nakikita na halos matabunan na ako ng mga papeles dito?!

"You done with the copy of Mr. Cruz' case?"

"Yeah. I already gave it to the superiors."

"How 'bout the subpoena?"

"Kulang pa ng thirteen copies."

"Okay, make it fast and gave it to them."

"What?" Maang na tanong ko. Ako pa ang magdadala nito?

"I'm not into repeating my words." He coldly said before typing again to his laptop. What the?! Ang sarap niyang batuhin ng laptop. Napairap na lamang ako sa hangin bago ako nagsimula sa paggagawa ng mga subpoena.

Magaalas sinco na nang matapos ako sa paggawa. Agad kong kinalap iyon at umalis para maipamigay na iyon. Kung saan saang lupalop ako napadpad, may iilang malalayo at mayroon ding magkakalapit.

Nang matapos ako sa pamimigay ay pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ang sakit sakit pa ng paa ko dahil sa heels na suot ko. Exactly 7:15 pm nang bumalik ako sa opisina. Naabutan ko doon si Kai na seryoso lamang na nakatutok sa laptop niya.

Nang tuluyang makapasok ako ay nabaling ang atensyon niya sa akin.

"You already ate?" Tanong niya. Nagulat ako dahil doon. Just wow. Nagbago ba ang ihip ng hangin? Baka nakonsensya?

"Hindi pa. Mamaya na lang, may tatapusin pa ako." Mahinahong sabi ko habang naglalakad papunta sa pwesto ko.

"Continue it tomorrow." He blurted out without looking at me.

"Huh?" I asked. Did I really heard it right?

"I said, I don't do repeating." He eyed me from my head to my toe then he sighed which made me arched my brow.

"You need rest. Go now." He said with no hint of emotion before going out first. Ilang sandali pa akong natulala doon bago ako nakabawi. Okay?

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon