Chapter Seventeen

683 20 0
                                    

Sa mga nagdaang araw ay naging isipin ko ang sinabi ni Shane. Ikakasal na sila pero hindi ako nagpatinag. Lalo pa at mas gumaganda na ang relasyon namin ni Kai. Wala mang kasiguraduhan, kay Kaizer lang ako magtitiwala.

Ganoon pa rin ang tungo niya kay Shane kaya naman palaging masama ang tingin sa akin ng babae pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Hindi ko gusto na gumawa ako ng gulo sa bahay na ito.

Lunes ngayon kaya naman marami ang inaasikaso kong papel. Hindi ko malaman kung ano ang uunahin ko dahil lahat ay dapat magawa ko na. I am in too much pressure. I want so bad to rest but I can't. I have to finish my works first. Masakit at ngalay na ang kamay ko dahil sa walang tigil na pagtitipa. Masakit na rin ang likod at batok ko dahil mula pa kaninang umaga ay nakaupo na ako rito sa swivel chair.

Kahit pagod na ako ay mas binilisan ko pa ang pagtipa sa laptop ko dahil alam kong marami pang susunod na papel ang ipapagawa sa akin. Wala rin naman akong karapatan na magreklamo dahil kung tutuusin ay napakadali lang ng trabaho ko noong nakaraan. At isa pa, lahat naman kami ay hectic ang schedule.

Inabot ako ng halos alas-dos bago ko tuluyang natapos ang lahat. Tuluyan akong nakahinga ng maluwag. Pagod na ako at gutom pero mas gusto kong tapusin na muna ang mga trabaho ko rito.

Kung hectic ang sched namin ay dobleng hectic naman ang sched ni Kai. Kakadating pa lang niya ay mayamaya ay aalis na ulit siya. Kung makakabalik man siya kaagad ay agad din niyang inaasikaso ang mga trabaho niya na nasa laptop niya. Hindi siya tumatagal ng isang oras sa loob ng opisina. At ayon sa naririnig ko ay may apat na court hearing siyang pinuntahan ngayong araw.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang ang likod ko ay nakasandal sa backrest ng swivel chair. Magpapahinga na lang muna ako bago ako kumain sa labas. Kapipikit ko pa lang nang narinig kong bumukas ang pintuan. Alam ko agad na si Kaizer 'yon kaya napamulat agad ako.

Nang matapat sa akin ang tingin niya ay nginitian ko siya agad.

"Tapos ka na?" I asked him and he just nodded.

"And you?"

"Tapos na rin." I chuckled and he smiled at me softly.

"You already ate your lunch meal?" He asked as he sat down to his chair. Pinaikot niya iyon kaya nagkaharap ulit kaming dalawa.

"Hindi pa--"

"What?" May bahid ng inis sa kanyang boses kaya nagulat ako.

"Magpapahinga kasi sana ako bago kumain." Pagpapaliwanag ko pa pero parang hindi niya iyon narinig. Tumayo siya at kaagad na inaya ako.

"No. Let's go. Tsk. Sinabi ko na sa'yo, always prioritize your health. Bakit ka nagpapagutom?" Mahina na ang boses niya pero may diin iyon.

"Kakain din naman ako mamaya." Pangangatwiran ko pa. Natutop lang ako nang yumuko na siya at tinapat ang mukha niya sa mukha ko.

"Are you going with me or I will make you go with me?" He warned and of course, that left me no choice.

Ayon sa gusto niya ay pumunta kami sa isang restaurant. Hindi niya na hinayaan na may asikasuhin pa ako. Siya na ang umorder at hindi ko inaakala na halos gusto niyang punuin ang lamesang inuukupa namin.

"Hindi naman ako gutom na gutom, Kai." Angal ko nang makaalis na ang waiter na naglalapag ng napakarami naming pagkain. Ang tanging naging sagot niya sa akin ay ang pagkikibit-balikat niya.

"Kumain ka na lang. Sa susunod, unahin mo ang pagkain mo." Pagpapaalala na naman niya.

"Opo, Kuya." Tinawanan ko siya pagkatapos kong sabihin iyon. Paano ba naman kasi, para siyang kuya na nangangaral sa nakababata niyang kapatid.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon