Chapter Thirty-Seven

419 16 0
                                    

"Wala nga." Inis na sagot ko nang ulitin niya lang ang tanong niya sa akin.

"You look annoyed, come on, tell me the problem." Inis akong tumayo nang magsalita siya. Mabilis akong umalis. Narinig ko pang tawagin niya ang pangalan ko pero halos takbuhin ko na palabas kaya hindi niya ako naabutan.

Lakad-takbo ang ginawa ko. Naagaw ko tuloy ang atensyon ng mga empleyado dahil sa pagtakbo ko kaya lumakad na lang ako.

Napatili ako nang bigla akong sikupin ng tao sa likod ko na alam na alam ko kung sino. Maging ang tao sa paligid namin ay napasinghap.

"Ibaba mo nga ako!" Mahinang singhal ko sa kanya pero lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin.

"Huwag mo akong iniiwan kapag nag-uusap pa tayo, Aurelia Celine." Seryosong sabi niya saka naglakad pabalik sa opisina namin.

Ibinaba niya lang ako at pinaupo sa lamesa nang makarating na kami sa loob ng opisina.

"Tss." Sabay naming utas nang maiupo niya ako. Inirapan ko siya nang harapin niya, napabunting hininga siya.

"What's the problem? Did I made something wrong? Tell me, Celine." Seryoso niyang tanong sa akin.

"Wala nga." Hindi nakatingin sa kanyang sagot ko. Pinaharap niya ako sa kanya gamit ang kamay niya sa aking baba.

"Hahalikan pa ba kita bago ka magsabi ng totoo?" Itinulak ko ang balikat niya nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. Bumaba ako sa lamesa at agad naman niya akong inalalayan.

"Halikan mo yung dalawang babae mo!" Sumbat ko sa kanya saka ako umupo ulit sa swivel chair. Bahala siya, nakakainis!

"Babae? Love naman, ikaw lang ang babae ko." Naghihinanakit niyang sabi.

"Tsh, bahala ka!" Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Bitaw nga! Nakakainis naman, Kai." Pinalo ko ang braso niyang nakayakap sa akin.

"Sino bang babae ang sinasabi mo? Ikaw lang naman ang babae ko ah." Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Hmm, nagseselos ka?" Ramdam kong nangingisi na siya kaya pinalo ko ulit ang braso niya.

"Hindi! Bakit ako magseselos do'n e mas maganda naman ako sa kanila." Irap ko.

"See? You're pertaining to someone. Love, don't be jealous. 'Wag kang mag-alala, sa'yong-sa'yo lang ang master mo." Kumalas siya sa yakap at pinaharap ako sa kanya.

"Did you hear what I've said?" Naglalambing ang boses niya kaya napatango na lang ako. Ang rupok talaga, Aurelia Celine!

"Good, note that, okay? Next time, sabihin mo agad para alam ko. Iiwasan ko agad, I swear."

"I don't know that it will make you jealous, I am connecting with them just for pure work intentions."

"Pero sa kanila hindi lang basta trabaho 'yon. Nilalandi ka nila, halos yakapin ka na nung isa ah. Nakakainis!" Kinurot niya ang pisngi ko kaya napangiwi ako.

"Aray, ang sakit, Kai!" Pinalo ko ang kamay niyang kumukurot sa pisngi ko.

"Ang cute mo magselos. Sorry na, hindi na mauulit." Paniniguro niya.

"Dapat lang dahil sasabunutan ko kayong tatlo kapag naulit pa 'yon at sisiguraduhin kong kakalbuhin ko kayo." Masungit na banta ko sa kanya. Malambing niya akong niyakap.

"Hindi na 'yon mauulit. Bati na tayo, hmm?" Masuyo niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ko. Dahan-dahan akong tumango.

"Your cold aura made me shivered." He chuckled.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon