Chapter Two

1.7K 44 6
                                    

Naguguluhan man ako sa nangyayari ay pinilit ko ang sarili ko na magpatuloy. I need to keep moving forward no matter what.

May sariling kusa na lumabas ako sa kwarto at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na ang katawan ko na gawain ang mga dapat gawain. Kahit ako ay naninibago sa paraan ng paglalakad ko pero binalewala ko iyon. Sunod na namalayan ko ay nasa kotse na ako at nagmamaneho papunta sa hindi ko alam na patutunguhan.

Ilang minuto lang ay tumugil ako sa isang parking lot, matapos kong iparada ang kotseng ginamit ko ay diretso akong naglakad sa malapit na gusali.

"Stanley Law Firm." Mahinang basa ko sa pangalan ng gusali. L-Law firm? Dito ako magtatrabaho?! Pero paano?! Wala nga akong kaalam alam sa law pagkatapos ay nandito ako?

Hindi ko namalayan ang patuloy na paglalakad ko hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa gusaling iyon. Sinalubong ako ng bati ng guwardiya.

"Good morning, Ma'am. Bago po kayo?" Nakangiti nitong tanong sa akin.

"Good morning too. I'm Celine, the newest secretary." I said and smiled too.

"Ang ganda po ng pangalan niyo parang ikaw, Ma'am." He said, I let out a genuine smile. I know right.

"Mauna na po ako." Pamaalam ko saka tinungo ang opisina. Hindi ko paalam kung paano ako napunta dito basta't dito ako dinala ng mga paa ko.

"Oh, Celine. Aga mo ah." Bati sa akin ng isang babae.

"Good morning din, Rose." I just said bago ko siya nilampasan at binuksan ang panibagong pintuan. Dumiretso ako sa isang lamesa na napupuno ng mga papel. Halos gabundok na iyon! Napatingin ako sa medyo kalapit kong mesa na may swivel chair din. Napatingin ako sa pangalan na nadoon.

Atty. Kaizer Stanley

Pangalan pa lang gwapo na, parang pangalan ko, unang banggit pa lang alam na agad na maganda ang nagmamay-ari noon pero teka Stanley? E diba Stanley Law Firm? Oh em gee! Ibig sabihin, kaopisina ko ang boss?! Kyaaah. Okay, calm down, bijj. Focus. Wala ka dito para lumandi but in the second thought, pwede din. Why not di'ba? Bawal tumanggi sa grasya!

Okay, hinga. Inhale, exhale. Fix yourself, Aurelia Celine! You need to work!

Dumiretso na ako sa mesa ko at inumpisahan ang trabaho ko. Nang tingnan ko ang nakatambak na paper works ay tila mahihilo ako sa dami noon, oo, masarap magbasa pero sa wattpad lang yun! Kahit na ganoon ay kahanga-hangang naiintindihan ko ang mga nakatala doon.

Puro mga case na irereview lang naman iyon at karaniwang kaso ay theft o robbery. Meron ding ilang kaso ng kidnapping, sexual harrassment, murder, homicide, libel, parricide and even serial killing. Nakakakilabot iyong huling ko inireview. Lahat ng mga pinatay ay either nilaslasan o di kaya ay ibinibigti habang may iba't ibang sugat sa kanilang katawan at ang mas nakakakuryoso pa doon ay lahat ng natagpuan katawan ay may markang 'ZG IS ABOUT TO COME' bukod pa doon ay may mga letters at numbers na nakaukit rin sa bawat katawan ng biktima. May ilang mahaba at may ilang maikli din naman. Sa ngayon ay may 11 biktima na. At bawat isa ay may mga litrato na nagpapakita ng mga nakaukit sa kanila.

Idiosyncrasy

Definite article; an adverb

   . • ••. •••• .•     .• •••• ... •.• ..•• .•. •• •.    .•..   •••• •.• •• •. .. . •.    ...• ...

.••• ••.• ••.• ..•.

India Sierra

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon