Chapter Forty-Four

464 12 0
                                    

Sumisikat na ang araw at tumatama iyon sa balat ko habang nasa balcony ako. I can't wipe my smile. This is one of my best mornings.

Napasinghap na lang ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Sunod na naramdaman ko ang mga halik niya sa aking leeg.

"I can't wait to be your husband, love. Gusto ko nang magpakasal tayo ngayon." I chuckled upon hearing his statements.

"Chill, sulitin mo muna ang pagiging fianceé ko bago mo ako pakasalan at gawin mong asawa." Natatawang sabi ko.

"Asawa. Asawa ko. Asawa kita." Nangingiti niyang sabi habang nakatitig lang sa mukha ko.

"Excited ka masyado, fianceé mo pa lang ako."

"I don't care, doon din naman ang punta no'n." He grumpily uttered.

"Ang sungit." Komento ko habang mariin kong pinipisil ang kanyang pisngi. Tinatawanan ko lang siya habang nagrereklamo.

"Stop it. It hurts." He hardly uttered. Nangungunot na ang kanyang noo at nang bitawan ko ang pisngi niya ay bahagya na 'yong namumula.

"Ikaw kasi e, ang sungit-sungit mo." Paninisi ko sa kanya habang tinuturo siya.

"Is it really my fault?" He sarcastically asked and rolled his eyes.

"Inirapan mo ba ako, Kaizer Stanley?!" Nagbabanta kong tanong pero tinawanan niya lang ako saka patakbong lumabas ng kwarto.

"Siraulo talaga." I commented as I look to the door.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na rin kaagad ako.

"Kai, mag-aapply ba ulit akong legal assistant mo?" Tanong ko dahil hindi naman niya nilinaw sa akin kung ano ang magiging trabaho ko ngayon. Nakakahiya naman kung hindi ako magtatrabaho, kaya ko namang magtrabaho kaya bakit hindi?

Kunot ang noo niya nang harapin ako pero mayamaya lang din naman umamo na ang kanyang mukha.

"Just practice how to be a housewife." Makahulugang aniya.

"Seryoso ako, Kai."

"Seryoso rin ako."

"Pero ayoko nga namang nakatengga lang ako dito sa bahay."

"Love, I'm sorry for being like this but...I don't want to see you again having a trouble in work. I don't want to see you being problematic because of work and lastly, I don't want to see you losing blood for investigation. Ayoko nang nasasaktan ka, ayoko nang nakikita kang hindi makalakad ng ayos dahil masakit ang paa mo."

"Ayoko...ayokong kinukulang ka sa tulog. I just want to give you a happy life where as long as possible, you won't encounter the word 'stress'." He added. Halos matulala ako dahil sa sinabi niya. Sa sobrang saya ng puso ko ay para na itong tinutusok. Sa sobrang saya ko ay parang kinukurot ako nang paulit-ulit. Naiiyak ako kasi ang swerte ko naman yata.

"P-Pero gaya mo, Kai. Ayoko ring nakikita kang nahihirapan..." Tanging nasabi ko.

"I won't. I am so used to it so you don't have to worry about me. Also, I believe that you're going to make me happy and forget all negative things always."

Mabigat ang loob ko nang umalis siya para sa trabaho. Dati ay natutulungan ko siya kapag tambak ang trabaho niya ngayon ay paniguradong hindi na. Isang request lang naman ang iniwan niya sa akin at iyon ay ang sabay kaming maglunch.

Uuwi daw siya mamayang tanghali pero uunahan ko siya. Bago maglunch ay sisiguraduhin kong naroon na ako sa company.

10:30 nang magluto ako at nang matapos ako ay mag11:30 na. Ipinrepare ko na agad ang dadalhin ko saka ako naligo. Nagtaxi na lang ako papunta sa work place niya.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon