Lutang ako hanggang sa makarating ako sa bahay. Baka lugi naman ako sa librong 'to? Sayang ang 3, 500 ko na pang shoppee ko na sana!
Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang librong nabili ko. Well, it might be worth it. Sabi nga ng matatanda, may lasa ang presyo. Siguro sobrang ganda ng story o 'di kaya naman galing pa ito sa napakatagal nang panahon.
Nang makuha ko iyon ay agad kong inalis ang balot na plastic nito. Maganda ang labas nito, yung cover. Parang pangfantasy siya pero kulay black ito na malapit nang maging gray. Magulo ba? Ah basta ganoon yun.
Inamoy-amoy ko pa ito bago ko binuksan pero napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Walang nakasulat? Pero baka sa unang pahina lang iyon. Sinunod-sunod ko ang pagbuklat ngunit tulad sa naunang pahina, wala doong nakatala. Wtf? Nascam yata ako! Ugh! Bukas na bukas isasauli ko 'to sa bookstore na iyon. Nakakainis, sana pala sa shoppee na lang ako nagorder ng wattpad books.
Maya-maya lamang ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Aurelia, honey, bumaba ka na rito. Magd-dinner na tayo." Malamyos na sabi sa akin ni Mama.
"Opo, 'ma. Susunod na po ako." Umalis ako sa kama ko at diretsong lumabas sa aking kwarto.
Nang malapit na ako sa kusina ay agad kong naamoy ang amoy ng nilutong ulam ni Papa. Sigurado akong sinigang iyon, ang paborito ko!
Nang makapasok ako ay nakita ko agad ang nakahain sa aming mesa, hindi nga ako nagkamali. May sinigang nga doon. Naroon na din sina Mama at Papa.
"Anak, siya nga pala. 25 ka na bukas pero kahit minsan ay wala kang ipinakilala sa amin na boyfriend mo. Eh, ang dami dami namang nanliligaw sa'yo. Umamin ka nga sa'min, nak, tibo ka ba?" Dire-diretsong sabi ni Mama na halos ikasamid ko, si Papa naman ay humahalakhak na.
"Mama naman, hindi po."
"Sigurado ka?" Naniningkit ang matang tanong niya.
"Opo."
"Kung ganoon ay may irereto ako sayo." Napahagikhik naman ito matapos niyang sabihin iyon na siya namang ikinaasim ng pagmumukha ko. Hindi naman sa tibo ako at ayaw ko ng boypren, ang sa akin lang ay gusto ko naman sana e yung katulad ng mga nababasa ko sa wattpad. Oo na, malabo ang ganoon pero bahala na. Ayoko sa mga nirereto nila!
"Ma, sino na namang irereto mo sa akin? Iyong dugyot na anak ng lasenggo d'yan sa may kanto? At ano ang dahilan niyo? Dahil gusto niyo lang na may maidate ako? Ma, sayang naman ang ganda ko d'yan!" Napapailing na sabi ko.
"E kung ganoon e, humanap ka ng id-date mo."
"Maghintay ka lang, Ma. May ipakilala rin ako sa inyo ni Papa." May kumpyansang sabi ko.
"Maghintay maghintay, hindi ako tanga, Aurelia! Ang tipo mo ay iyong mga lalaki na wala naman dito sa totoong mundo. Ewan ko ba sa'yong bata ka!" Napasimangot na lamang ako. Kailangan bang ipagdiinan pa iyon sa mukha ko?
Ilang sandali lamang ay sinimulan na namin ang pagkain ngunit bago iyon ay nagpasalamat muna kami sa natanggap naming biyaya ngayon.
Nauna akong natapos sa pagkain at hinintay ko lamang silang matapos bago ako umakyat sa kwarto at naligo. Paglabas ko ay laptop ko agad ang hinagip ko saka ako nagbasa nang nagbasa hanggang sa inabot ako ng halos alas kwatro ng umaga. Nag-inat ako ng braso habang humihikab. Napadako ang tingin ko sa scam na libro na nasa mesa katabi ng kama ko.
Kinuha ko iyon at nang matapat sa akin ay biglan na lamang ay nahilo, marahil ay dahil sa puyat kaya naman walang ano ano ay basta ko na lang pinatong ang laptop ko sa mesa at nakatulugan kong yakap ang librong scam na nabili ko.
Kinabukasan ay nagising ako dahil naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Huh? Teka, sinag ng araw? E hindi ko naman katapat ang bintana ng kwarto ko. Nag inat ako ng braso at nagulat ako nang may masagi akong parang lamp. ANO? LAMP?! ANO BANG NANGYAYARI? TULOG PA YATA ANG KALULUWA KO!
Nakapikit akong umupo at nang buksan ko ang mga mata ko ay 'di ako makapaniwala sa nakikita ko. Isang itim na malawak na kwarto na tila pang mayaman. Nasa isang malawak akong kama. What the fuck? I blink once. And twice. And thrice and I blink again and again but nothing changed!
Mayamaya lang ay may kumatok sa pinto. Si Mama siguro--
"Ma'am Celine, ipinatatawag na po kayo sa baba." Boses ng isang matandang babae ang narinig ko.
"Yes, 'ya." I responded. Wait, what? May sarili na bang will ang dila ko? Kusang kumilos ang mga binti ko at nagtungo sa banyo na tila ba totoong kabisado nito ang lugar. Matapos kong maligo ay madali akong nakahanap ng ipangbibihis. Matapos iyon ay bumaba, lumapit ako sa isang sopistikadang babae at hinalikan ito sa pisngi ganoon rin sa katabi nitong lalaki.
"Good morning, Mom, Pa." I greeted them. What's happening?! I can't believe this!
Sandaling kumain kami ng sabay sabay at matapos iyon ay bumalik ako sa kwarto at pumasok sa banyo. Tiningnan ko ang replekyon ko sa salamin. Ito pa rin naman ako, ang magandang si Aurelia pero iba na ako manamit.
Ano bang nangyayari? Ano ito? Nasaan ako? At bakit?! Natulog lang naman ako pero bakit paggising ko ay nandito na ako?! Katulad ba ito ng mga nabasa ko sa wattpad pero imposible! Hanggang kailan ako dito? Aish, enlighten me please! Anong nangyayareeeeee?!
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...