Chapter Sixteen

689 22 0
                                    

Ang nakasanayan kong normal na umaga ay naging isang nakakailang na umaga. Kasabay kasi namin ngayon si Shane na panay na naman ang pagkausap kay Kaizer na batid kong bagot na bagot naman.

"Date tayo, Kaizer. Bukas, pwede ka?" Harap-harapang tanong niya. Napakunot ang noo ko, dapat private nila pinaguusapan ang mga bagay na tulad noon.

"Hindi." Malamig na sagot naman ni Kai. Hanggang ngayon ay umiiwas pa rin ako sa kanila pero ayoko naman na ipahalata iyon dahil sa totoo lang ay wala namang dahilan para iwasan ko ang lalaking masungit na iyon.

"Huh? But why? I miss having a date with you. Don't you miss me?" Nanghihinayang at namimilit ang tono ng boses ni Shane pero wala lang iyon para kay Kai.

"I don't consider that as our date." Alam kong napahiya ang babae nang marinig niya ang sagot sa kanya ni Kai. Minsan talaga napakarude nitong si Kai.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang naglagay ng ibang ulam sa pinggan ko. Taka ko siyang tiningnan.

"Try this. Masarap 'to." He stated with assurance while slicing the meat in my plate. Hindi naman ako makatingin sa babaeng nagmamasid na sa amin ngayon. Natutop lang ako habang nakatingin kay Kai na parang hindi big deal ang ginagawa niya.

"S-Sige. Hindi mo ba bibigyan si Shane?" I asked him. Nabaling ang tingin niya sa akin bago niya sinulyapan ang babae.

"Gusto mo ba?" Walang emosyon na tanong niya sa babae.

"Oo." Masaya at energetic na sagot naman ng babae, malaki na rin ang ngiti niya at kita ko ang ningning ng kanyang mga mata mula sa kinauupuan ko.

"Kuha ka. Andiyan lang naman sa tapat mo." Malamig na tugon na naman ni Kai. Unti-unti na namang napawi ang sigla at saya ng babae. Well, tama naman si Kai na nasa  tapat lang iyon ni Shane but still, his response sounded so wrong. Napatango na lang ang babae. Kung kanina ay naiinis ako sa kanya, ngayon naman ay nakakaawa na siyang tingnan.

"Sa akin ka na sumabay, Celine." Anunsyo na naman ni Kai na nakapagpatigil sa akin. Marahan ko siyang hinarap.

"Hindi na, Kai. Magttaxi na lang ako. Kaya ko naman." I politely responded. Kitang kita ko sa mukha niya ang disgusto sa narinig niyang sagot mula sa akin.

"Nah. I have a car, what's the problem? Are you mad at me?" He asked and I was shocked because of the care that was in his voice.

"Hindi naman. Gusto ko lang magtaxi."

"Whatever. Its you'll ride my car or I'll make you ride my car. The choice is yours." He voiced out. For me, he was warning me. I am doomed. He made choices yet his intention was specific.

Hindi na ako nagbalak na sumagot. Obviously, wala na akong ibang choice kung hindi ang sumakay sa sasakyan niya. Magpapatuloy na sana ako sa pagkain pero natigil ako nang padabog na tumayo si Shane at umalis. Tuon ang tingin ko sa naiwang upuan niya pero ang katabi kong si Kai ay tila wala namang pakialam.

"Hindi mo ba siya susundan?" I asked him. He seems unbothered samantala ang babae ay heavy hearted na.

"I'm eating. I don't leave my food for nonsense." He casually said. I am sure that if Shane will hear this, she will be in another pain. I pity her, I can clearly say that she loves him.

Naging tahimik na kaming dalawa hanggang sa matapos namin ang pagkain. Nang makalabas sa kusina ay iginala ko ang mata ko sa pagaakalang mamamataan ko si Shane pero ni anino niya ay hindi ko nasulyapan.

"Let's go." Sabi sa akin ni Kai na siyang kumuha ng atensyon ko. Tinanguan ko lang siya bago ako pumunta sa direksyon niya.

Nang malapit na ako ay binuksan niya ang pinto bago siya umikot papunta sa driver's seat. A cold gentleman in one person. Wala na akong naging angal, diretso na akong pumasok sa kotse at kinabit ang seatbelt ko.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon