Sequel

940 33 13
                                    

Tatlong taon na rin simula nang mangyari ang mga akala ko ay imposibleng mangyari. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa tuwing maalala ko kung paano ko inubos ang halos limang buwan ko noong una.

Hindi ako lumalabas ng kwarto, panay mukmok at halos patayin ko ang sarili ko dahil hindi ako kumakain. Akala ko hindi ko kakayanin na wala siya pero one thing that I've realized was he's here. I know that he's here. I almost forget that he's ruling my heart that's why as long as I am breathing, he's alive. I have to continue my life together with him.

I've realized that what he did was more like a sacrifice and I won't let it be a waste. Hindi siya magiging masaya kung nanatili ako sa ganoong estado. Even if it's hard, I made myself better. Hindi pwedeng sarili ko lang ang iniisip ko.

Nag-iisa at panganay na anak ako sa pamilya namin, ako lang ang inaasahan nila na magtataguyod sa kanila. Habang nagtatrabaho ako ay nag-aaral ako. Hindi kaya nina Mama ang tuition fee kaya nagsikap ako na habang sinusuportahan ko sila ay sinusuportahan ko ang sarili ko. Nag-aaral naman na ako noon ng College pero dahil na rin sa hirap ay napilitan akong tumigil.

Hindi na sana ako magtatapos dahil kinalimutan ko na 'yon pero nagkaroon ulit ako ng dahilan para magpatuloy sa buhay. There is no constant thing in life so grab all the opportunities or it will be forever gone.

Slowly, I raised again just like a sun after a typhoon. And now, I am already  a successful educator in an academy. This is my dream, partly, it is. Malaki ang nawala sa akin nang mawala siya at hindi na 'yon mabubuo pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

Nakatitig lang ako sa bintana nang may mag-abot sa akin ng panyo. Palagi na lang akong umaasa na sana siya 'yon. Sana balang araw, siya naman ang mag-abot sa akin ng panyo kapag umiiyak ako.

"Umiiyak ka na naman, Cel." It's my best friend, Princess. I wiped my tears. Palagi naman. Hindi ko na yata maaalis sa akin 'yon. Paggising ko sa umaga, umiiyak ako at ganoon din sa bawat gabi. Wala na si Kai sa mundo pero nasa puso ko pa rin naman siya.

"Masakit pa rin, Cess e. Hindi ko makalimutan at ayaw ko rin namang kalimutan." I sobbed. I reached my ring and hold it tightly. Kaizer, love. Siguro kung hindi ka nawala, masaya na tayong may pamilya ngayon.

"Suot mo pa rin ang singsing, wala ka na ba talagang plano na magpakasal sa iba?" Kuryoso niyang tanong habang tinitingnan ang eleganteng singsing sa ring finger ko na bigay sa akin ni Kaizer.

Despite of the tears in my face, I smiled on her with sincerity.

"Kung hindi rin naman kay Kaizer, 'wag na lang. What's the sense of marriage if it's not with him?" May pinalidad sa sinabi ko. Hindi na magbabago ang isip ko. Siya lang talaga ang gusto kong maging asawa.

"Siya ang una at huli ko, Cess. Wala nang iba, si Kaizer lang." Naiiyak na naman na sabi ko.

"Shh, sorry na. Nabring-up ko na naman ang topic."

"It's okay. Kahit hindi mo naman ibring-up, iiyak pa rin ako."

"Miss na miss ko na siya. Ang sakit na kahit sa panaginip ko ay hindi ko siya makita at pakiramdam ko ipinagkakait siya sa akin."

"Mahal na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon, Cel. Ang tibay mo kaya lang ang sad na wala na siya."

"Wala namang magbabago do'n, Cess. Kung meron man, siguro mas mamahalin ko lang siya." May pinalidad ang pagkakasabi ko.

Pinunas ko ang luha ko at inayos ang sarili.

"Ano? Uwi na tayo?" I asked her. Mag-aalas sinco na at Mayo na kaya halos araw-araw na lang ay umuulan. Nakalimutan ko pa naman ang payong ko sa bahay kaya kailangang magmadali kung hindi ay tiyak na maliligo ako sa ulan na parang basang sisiw.

"Oo. Nasa labas na daw si Rey, pasensya ka na ah? Hindi ka namin maisabay, hindi kasi kasya ang tatlo sa motorsiklo niya e." I chuckled upon hearing that from her.

"Bakit mo pinoproblema 'yan? It's okay, marami namang taxi, Cess."

Pagkalabas namin ng gate ay nakita na agad namin ang boyfriend niya.

"Ingat, Cel." Sabay na sabi nila.

"Oo naman. Hoy, Rey, ingatan mo kaibigan ko. Bagal-bagalan mo magpatakbo."

"Yes, Ma'am." We laughed as he joke. Hinintay ko na makaalis sila saka ako naglakad-lakad at maghintay ng taxi.

Marami namang dumadaang taxi pero halos lahat ay may sakay na. Napasimangot ako nang makitang dumidilim na ang langit. Mukhang aabutan nga ako ng ulan ah, malas naman.

Bumagsak na lang ang balikat ko nang maramdaman ko ang palakas nang palakas na pagpatak ng butil ng ulan. Hayaan na, hindi naman siguro ako magkakalagnat dahil dito. Iiinom ko na lang agad ng gamot pagdating sa bahay.

Mayamaya lang ay hindi ko na maramdaman ang patak ng ulan pero kita ko naman ang mga ito. Nagtaka ako kaya tumingala ako. I saw an umbrella above my head.

I traced it until I saw the person beside me. My eyes widen and I stepped backwards when I saw his familiar figure and his eyes that I used to adore.

I reached his cheek with my eyes tearing up. My heart was hardly beating. Please, don't vanish. 'W-Wag kang mawawala ulit. I was able to touched him that made me smiled widely. He's true, damn! H-He's back.

"Love..."

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon