Chapter Twenty-Nine

555 14 0
                                    

Ilang araw na simula nang dito na muna kami sa condo niya tumira. Gabi ang pinakapaborito kong parte sa bawat araw na lumilipas. Doon ko lang din kasi siya nakakausap nang masinsinan at talagang masasabi kong doon lang kami nagkakaroon ng time para sa isa't isa.

Nakaunan ako sa kanyang braso habang nagpapa-antok kaming dalawa. Nakakain na kami kaya lang ay parehas pa kaming hindi inaantok.

"This condo was my home when I was still a college student. Nakakatamad umuwi kaya nagcondo na lang muna ako." Napabaling ako sa kanya nang simulan niyang magkuwento.

"Tahimik dito kaya gustong-gusto ko. Walang istorbo at nakakapagreview talaga ako nang ayos. Masarap magbasa ng law books kapag umuulan."

"Pero wala namang nag-aalaga sa'yo noon dito."

"Who says? Syempre meron." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. So, may girlfriend siya noon?

"I took care of myself. Ganoon naman talaga dapat, alagaan mo ang sarili mo kasi kung hindi mo aalagaan, sino pang iba ang gagawa?" Pangangaral niya but I answered 'ako'  in my head. Pero tama rin naman siya, wala pa ako noon kaya hindi ko rin siya maaalagaan.

"Kaya naiinis ako kapag pinapabayaan mo ang sarili mo. That's why I reallu want to take care of you." Binalingan niya ako pero saglit lang din naman iyon.

"Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko, Kai talagang may mga bagay lang na minsan ay kailangan unahin." Pagtatanggol ko sa sarili pero syempre ay hindi iyon uubra sa kanya.

"Kaya nga uunahin naman kita, ako na lang ang mag-aalaga sa'yo. It's my pleasure, after all." Ngumisi siya.

"Parang isang kuya ko?" I joked and laughed pero agad na sumama ang tingin niya sa akin. Napakaseryoso niya talaga palagi.

"I already told you, I am not your Kuya, Aurelia Celine." Pikon na sabi niya, nakakatuwa na ring pakinggan ang malamig niyang boses.

"Nagbibiro lang naman ako, seryoso mo lagi e."

"Not  a good joke. Tss." Masungit na singhal niya pero mas gamit naman ang braso niyang inuunan ko ay mas lalo niya akong pinalapit sa kanya. Gumuhit tuloy ang ngiti sa aking labi.

"Ang sungit naman ng master ko." I chuckled and pinch his cheeks. Marahan niyang hinawi ang kamay ko at pinatong iyon sa baba ng dibdib niya.

"Ang kulit mo." Ngingisi-ngisi niyang ani.

"Atleast sa'yo lang ako makulit." Pangangatwiran ko habang taas-baba ang kilay ko.

"Dapat lang naman."

"Pero teka, ilang babae mo na ba ang nadala mo dito?" Kunwari'y masungit kong tanong.

"Babae?"

"Mga past girlfriends mo?" Alam ko naman na sa talino't gwapo pa lang niya ay marami na ang nagkakandarapa sa kanya.

"Wala." Simpleng sagot niya pero hindi naman yata kapani-paniwala ang naging sagot niya.

"Weh? Ilan nga?" Pangungulit ko pa.

"I told you, wala nga. Kung tinatanong mo kung ilang babae na ang nadala ko rito, bilangin mo lang ang sarili mo ay 'yon na ang sagot ko." Ingos niya.

"Weh? Ako pa lang?"

"Oo nga, ang kulit."

"Talaga?"

"Yeah..." tamad na niyang sagot. Nagdiwang ang damdamin ko nang makumpirma 'yon galing sa kanya. First girl niya ako sa dati niyang bahay, that means so much for me.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon