Chapter Forty-Two

459 14 0
                                    

Napabalikwas ako nang mabasa ko ang mensahe ni Mom. Talaga bang ginawa 'yon ni Dad kay Kaizer? It's unfair! Napakagaling at napakasipag na lawyer ni Kaizer at hindi niya 'yon deserve but...it won't happen if I listened to them.

Hindi mawawalan ng trabaho si Kaizer kung una pa lang, nakipaghiwalay na ako sa kanya. Pero nangako ako sa kanya, hindi ko siya iiwan. What should I do now? I closed my phone and lie again. Napahawak ako sa aking sentido at malakas na bumuga ng hangin. Paano ko kaya sasabihin 'to kay Kaizer? Mahal niya ang trabaho niya, paano na, Celine?

Napalingon ako sa may pintuan ng banyo nang marinig kong bumukas iyon. Lumabas doon ang nagpupunas ng basa niyang buhok na si Kai. Napaiwas ako ng tingin. Kahit mahirap, dapat ko pa ring sabihin sa kanya para makagawa kami agad ng paraan.

"Kaizer..." Kabadong tawag ko sa lalaki.

"Hmm?" Patuloy siya sa ginagawa nang lingunin ko siya. Kapag sinabi ko, magkakaroon lang siya ng problema...pero kung hindi ko naman sasabihin baka naman lalong lumala ang problema.

"What's wrong? May sasabihin ka ba? You look troubled." He commented as he scanned me.

"K-Kasi..may sasabihin ako. About sa trabaho mo."

"Hmm? What about my work?--" He was cut off by the ringtone of his phone.

Nabaling doon ang tingin niya at marahang lumakad papunta sa bedside table.

"I'll just answer it." Then he answered the call. 95% sure ako na tungkol na iyon sa pagkakatanggal niya. Napisil ko tuloy ang palad ko.

Pinagmamasdan ko lang ang likod niya habang nakikipag-usap siya sa cellphone niya. Napakagat labi na lang ako habang hinihintay na matapos ang usapan nila.

Nang matapos ay balewala niyang inilapag ang kanyang cellphone sa table at pasalampak na nahiga sa tabi ko.

"K-Kaizer..." kabado na namang tawag ko. Kalmado lang siya pero kunot ang kanyang noo. Nang tawagin ko siya ay nawala naman 'yon.

"Hmm?" Nakatingin sa kisameng aniya.

"T-Tungkol ba 'yon sa law firm?"

"Yeah but don't worry about it. Just by your reaction, I know that you already know." Bahagya niya akong nilingon at nginitian ako.

"Pero kasalanan ko--"

"Shh, don't blame yourself. I can stand alone, I was assigned to that position because of his name but I am better than that. I'll prove him wrong that being his son is not the only way to be on the top. I am Kaizer Stanley in my own way." My lips curled and formed a smile as I hear his determined statement.

"Hope you know that I trust you but still I am worried."

"It's okay. Just trust your master."

After having that little talk, he fell asleep later on. Matagal pa bago ako nakatulog din. Mahirap matulog nang alam kong isa ako sa mga may kasalanan kung bakit nangyayari 'to. Sana lang ay makahanap din agad ako ng trabaho para makatulong sa kanya. Kahit hindi pa sabihin ay alam kong tanggal na rin ako.

Pinaghirapan din ni Kai ang posisyon niya at si Kai ang klase ng tao na hindi gagamitin ang pagiging anak ng may-ari ng kumpanya para lang umangat siya. He was honored in that law firm. In fact, he is the pride of it. It's their lost for kicking out him.

Nauna akong nagising kaysa kay Kai pero hindi naman ako bumangon. Mayamaya lang ay naramdaman ko na siyang gumalaw sa gilid ko.

"Hmm, how's my sunshine?" He asked in a husky voice and tightly hug me. Pinilit pa niyang isiksik ang katawan sa akin.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon