Hindi mawala sa isip ko kung ano ang nangyari nang araw na 'yon. Parang panaginip kaya paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung gising ba talaga ako. Hindi ako mapakali, para akong kinikiliti sa t'wing naalala ko ang pagdampi ng labi niya sa akin at ang mga salita niyang masarap pakinggan pati na rin ang mga mata niyang nanghihipnotismo.
Hindi ako pinatulog ng isiping 'yon. Magdamag akong dilat at parang tangang nakangiti at paikot-ikot sa kama kaya ngayon ay mukha akong panda. Bumabagsak ang talukap ng mata ko dahil ngayon ako nakakaramdam ng antok kung kailan umaga na. Napakasarap na purwisyo naman po nito.
Kakabukas ko pa lang ng pinto nang makita ko ang gwapong-gwapong mukha niya. Agad na nagising ang diwa ko ngunit hindi ko naman alam ang gagawin ko. Babatiin ko ba siya or what?
"Good morning. You look tensed. May problema ba?" He asked. Sinipat niya pa ang mukha ko kaya pilit akong nagtago baka makita niya ang eyebags ko, nakakahiya naman.
"W-Wala. Good morning din, ang aga mo palagi." Puna ko sa kanya. Bahagya ko siyang tiningnan at nagningning ang mga mata ko nang makita kong nakangisi siya, napabulong tuloy ako sa hangin.
"Putangina, ang gwapo talaga!" Sigaw ko nang walang boses.
"May sinasabi ka ba?" Tanong niya.
"Wala, guni-guni mo lang 'yon."
Nagulat ako nang padaus-usin niya ang kamay niya sa likod ng bewang ko. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya at talaga namang napakabilis ng tibok ng puso ko. Kinakapos ako ng hininga habang nararamdaman ko ang init ng katawan niya sa akin.
"Love, you're so stiff. Be used to this, hmm?" Malambing na bulong niya sa aking tenga kaya halos matunaw na ako. Ang hininga niya tumatama sa aking tenga na siyang nakapagpatindig ng balahibo ko.
"O-Okay." He chuckled when I stuttered. Darn, he's so manly.
Pinaghugot niya pa ako ng upuan nang makarating kami sa kusina. Wala pa si Shane, siguro ay nalate ng paggising.
"Ikaw nagluto?" I asked. Pilit ko na munang kinalma ang sarili ko dahil alam ko naman na buong maghapon kaming magkasama, hindi pwedeng lagi akong kabado dahil baka pumalpak ako sa mga gagawin ko.
"Yeah. I am so inspired today." He responded with a smirk and I was bewitched when he gave me a wink. Paano ba kumalma?!
Lumapit siya sa akin sa may bandang likod ko at kinuha ang plato ko para sandukan niya ng pagkain.
"Ako na lang, Kai. Kaya ko naman." Pigil ko sa kanya kahit gustong-gusto ko naman ang ginagawa niya.
"Hindi naman porket kaya mo ay ikaw na ang gagawa lalo na kung nandito lang naman ako." He smiled. Hindi na ulit ako umangal, sino ba naman ako para umangal sa napakagwapong nilalang sa likuran ko.
"Good morning, baby!" Masiglang bati ng bagong dating na si Shane kay Kaizer. Nakakairita ang boses niya, sana hindi na lang muna siya gumising.
"May anak ka na pala, Shane? Hindi mo man lang ako kinuha as godmother." Sabat ko. Kitang-kita ko kung gaano nainis sa akin si Shane dahil sa ginawa ko. Lalo tuloy lunawak ang ngiti ko. I heard Kai chuckled behind me.
"What? Baliw ka!" Angil niya sa akin.
"At pumatol ka naman? That means you're crazy too." I smirked on her and I saw how annoyed she is to me. Nakakairita ka kaya deserve mo rin mairita, tss. Nang matapos akong sandukan ng pagkain ni Kai ay wala siyang imik na umupo.
Napatingin si Shane sa pinggan ko at nang tumaas sa akin ang tingin niya ay pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Why are you still here? Didn't I tell you to pack your things and leave?" Nalipat ang atensyon ng babae nang malamig na magsalita si Kai.
![](https://img.wattpad.com/cover/249089423-288-k943395.jpg)
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...