I never stopped trying to feel him, my tears did not stop pooling as well. Natatakot ako na baka tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Alam kong hindi ko kakayanin ko, hindi ko alam kung paano ko kakayanin.
"K-Kai..." garalgal ang boses na tawag ko. Paulit-ulit ko siyang tinatawag habang panay ang kabog ng puso ko. Hindi ko alam amg gagawin ko hanggang sa napahagulhol na lang ako. Pinaulit-ulit ko lang ang ginagawa ko.
"Kai, p-please..."
"Wake up..please, love. Wake up..." Umiiyak na pakiusap ko. Panay pa rin ang pagttry ko na hawakan siya pero wala. He's just asleep pero bakit hindi ko siya mahawakan? I tried to hold his face but nothing happened. Para lang talaga siyang hangin, hindi ko siya mahawakan at talagang hindi maramdaman ang mukha niya. Lalong lumakas ang tulo ng luha ko. Please God, help me, please. I don't want to lose him, no... I-I can't...
I intensely closed my eyes and tried to calm myself. Huminga ako nang malalim para kahit paano ay kumalma ang puso ko. I shook both of my hand and breathily sigh. I have to calm down para makapag-isip ako ng tama. Parang may kung anong paulit-ulit na tumutusok sa puso ko, may nagbabara rin ang lalamunan ko.
I opened my eyes and slowly I reached him. Nanlaki na lang ang mata ko nang tagumpay ko siyang mahawakan. Naibsan na ang kaba at takot ko. Nayakap ko siya nang tuluyang maramdaman ko na siya. I wiped my tears pero naroon pa rin ang takot ko. Akala ko...mawawala na siya. Mahapdi ang mata ko pero ayos lang, masaya na ako. Thank God, hindi ko talaga alam ang gagawin. I'm so glad that he's now back. Kung panaginip man ang nangyari, it will be my worst nightmare.
Pero hindi ko maintindihan. Ano bang nangyari? totoo ba talaga 'yon o naghahallucinate na lang ako? B-But it seems real. Umiling-iling ako at pilit na kinalimutan ang nangyari pero hindi mawala sa akin ang takot. Paano kung mangyari ulit? I-I have to think positive. Hindi pwedeng nagpapanic ako.
I held his hand tight and lie again to the bed. Tulala ako sa kisame at halos hindi mapakali. Iniyakap ko ang kamay ko sa kanyang braso. Doon lang ako nagiging komportable. Hanggang ngayon ay nangangamba pa rin ako. Ayokong mawala siya, ayoko. Mahirap na makatulog ulit dahil sa mga pangamba ko pero dahil mabigat na ang talukap ko ay nakatulog pa din ako, buti na lang.
I was still comfortably lying in my bed when I woke up. Hindi pa ako nagmunulat ng mata pero itinry ko na kapain si Kai sa tabi ko pero napabalikwas ako nang hindi ko siya mahawakan. Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit iyon dahil sa ginawa ko.
Ang pamilyar na kwarto ang sumalubong sa akin, kilalang-kilala ko na ang kwartong kinalalagyan ko. Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan ang picture ko noong naggraduate ako sa kolehiyo. Kasama ko roon si Mama at kapwa malaki ang ngiti namin sa litrato. My hunch was right. N-Nakabalik na ako.
Masaya ako na nakabalik na ako pero ramdam na ramdam ko ang pagkirot sa dibdib ko. I can feel the lump in my throat as my tears pool down again. Natulog akong umiiyak at ngayon, nagising ako na umiiyak. Kaizer...wala na naman siya.
Gusto kong bumalik pero paano? Hindi ko siya makita kaya lalong hindi ako mapakali. I look around, nagbabaka sakali na makikita ko siya pero wala. Tahimik akong umiiyak habang dinadamdam ko ang pagsigid ng kirot sa aking dibdib. His image keeps flashing in my mind.
"Kaizer, please...Magpakita ka, love...." I requested to the air. Mariin kong pinunas ang luha dala ng frustration. Sobra na ang panlalabo ng mata ko dahil sa luha pero hindi ko inalintana 'yon. Isa lang ang gusto kong makita, gusto ko lang ulit makita si Kaizer.
Katabi ko lang siya e, katabi ko lang siya kagabi. B-Bakit wala na siya ngayon? Masaya lang kami kahapon, nagtatawanan at kumakabog ang dibdib ko dahil sa presensya niya pero b-bakit hindi ko na siya makita ngayon? Bakit pinagdadamot na siya sa akin ngayon? Akala ko sabay kaming magluluto ngayon pero hindi ko siya makita. Nasaan na ba siya?....
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...