Chapter Thirty-Four

439 14 0
                                    

Nakapasok na kami sa bahay pero hindi noon nabawasan ang tensyon sa pagitan naming apat. Hindi umiimik ang mag-asawa kaya naman kabadong-kabado ako. Ganoon pa man ay hindi binitawan ni Kaizer ang kamay ko bagkus ay mas humigpit pa ang hawak niya.

"I can't believe this. I thought Shane was just making a story but seeing the two of you..." Hindi itinuloy ni Mom ang sasabihin niya bagkus ay napailing na lang siya.

"Naglilive in na ba kayo?" Malamig na tanong sa amin ni Dad. Galing tuloy sa pagkakatungo ko ay napaharap ako sa kanya.

"H-Hindi po." Sagot ko na agad.

"So what?" Malamig na balik tanong naman ni Kai kaya pinisil ko ang kamay niya.

"Naririning mo ba ang sarili mo, Kaizer?" Kunot noong tanong ng ama niya.

"Magkapatid kayo, for pete's sake!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Dad.

"We're not blood related." Kalmadong sagot niya.

"Maghiwalay na kayo." Utos niya. Si Kai ay nakatayo sa gilid ko habang pinaupo naman niya ako sa single sofa.

"No, Dad. You can't dictate us."

"Kaizer!" Galit na saway ng ama niya sa kanya.

"I'm telling you, Dad. You can't apart us in any way." Naninigurong sabi ni Kai na siyang mas ikinagalit ni Dad.

Ang kaninang masayang araw namin ay bigla na lang naging isang tensyonadong sandali.

"Celine." Tawag sa akin ni Mom. Hindi pa man siya nagsisimulang magbukas ng usapan ay alam ko na agad kung saan iyon tutungo. Pinisil ni Kai ang kamay ko nang maramdaman niya ang kaba ko.

"Po, Mom?" Kabado man ay pilit ko siyang hinarap. Ang walang emosyon niyang mukhang ang humarap sa akin.

"End this relationship. Hindi kayo pwede, nababaliw ka na ba?!" Namomroblemang sabi niya sa akin.

"'Wag niyo pong pagtaasan ng boses si Celine." Malamig na sabat ni Kai sa usapan namin kaya lalong napahilot si Mom sa kanyang noo.

"Ano bang iniisip niyo ha?! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa inyo?"

"Mas mahalaga po ba talaga ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa mararamdaman ng mga anak niyo, Mom, Dad?" Lakas-loob na nagsalita ako. Totoo naman e, bakit kailangang pati panghuhusga ng iba ay poproblemahin namin? Sila ang may problema, hindi kami!

"Celine, anak, inaalala lang din namin kayo!"

"Mom, is it a mistake to be happy with this man beside me?"

"Oo! Magkapatid kayo, anak, please lang. Maghiwalay na kayo habang maaga pa. Marami pa kayong mahahanap na iba." Hinawakan niya ako sa braso. Walang imik na tinanggal ko ang kamay ko sa kamay ni Kai kahit na labag din iyon sa akin and it feels so wrong.

Agad kong nakita ang pagpapanic ni Kai.

"Fuck, no." Frustrated niyang saad pero nginitian ko siya agad at kinuha ulit ang kamay niya.

"Don't worry, I won't leave you." Just by that, I saw him relieved.

"Don't do that again, okay? Losing you will be my downfall." Mahina ang boses niyang sabi sa akin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya.

"Sorry po, Mom, Dad. Pero tulad po ng sabi ni Kai kanina, hindi niyo po kami basta-basta mapapaghiwalay." Matapang na sabi ko. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata at mabilis niyang itinaas ang kamay niya, akmang sasampalin ako kaya naman handa na ako sa paglagitik ng kamay niya sa pisngi ko.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon