Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter Ten

1.4K 36 0
                                        

"What? Stop the car." Malamig na aniya pero hindi ko na iyon pinakinggan pa.

"Ayoko." Pagpupumilit ko.

"I said stop the car--"

"No. Ready ako sa kahit anong consequence na ibibigay mo sa akin pagkatapos ng bakasyon na 'to, Kai. Pero please, itry mo lang magunwind." I cut him off. I will not give this argument up and he noticed that, he heaved a sigh. Wala na rin naman siyang magagawa dahil ako ang nasa driver's seat.

"Kapag hindi ka nag-enjoy dito, bibigyan mo ako ng consequence. Kahit ilan tatanggapin ko pero kapag nag-enjoy ka that only means one thing. I am free." I smirked at him. He didn't say anything but he just heave a hard sigh again.

Wala siyang naging imik bagkus ay tinulugan niya ako habang nasa byahe kami. Kaya ang ginawa ko nagsoundtrip na lang ako. Dumaan din ako sa isang branch ng jollibee. Bumili ako ng maraming french fries, float at burger. Buong byahe ay ganoon ang ginawa ko habang tulog na tulog sa tabi ko si Kaizer.

Habang tulog siya ay napagmasdan ko lalo ang mukha niya nang tumigil ako saglit para magpahinga. Kitang kita ko kung gaano na kaitim ang ilalim ng mga mata niya. Patunay na talagang mula 3 hanggang 5 oras lamang ang nagiging tulog niya sa bawat gabing lumilipas. Tama nga ang desisyon ko na dalhin siya para sa isang bakasyon, he deserves that.

Halos 5 oras ang naging byahe namin. At sa loob ng mga oras na iyon ay iisang beses nagising si Kai. Kumain lang siya sandali at pagkatapos ay natulog ulit. Napatawa pa ako nang sa gitna ng pagmamaneho ko ay narinig ko ang bahagya niyang paghilik.

Parang ngayon lang siya nakatulog ng ganoon at tila pagod na pagod pa siya kaya naman mahimbing talaga ang pagkakatulog niya.

Ginising ko na lang siya nang makarating na kami sa paroroonan namin. Itinigil ko ang sasakyan sa harap ng isang villa. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko na rin ang gandang taglay ng lugar. Ang puting buhangin, magkahalong berde at asul na tubig ng dagat at ang bundok sa likod nito. Dumagdag pa ang magandang buwan at nagniningning na mga bituin mula sa langit. Gabi na pero litaw pa rin ang ganda ng lugar dahil sa maliliwanag na ilaw na nakapalibot doon. Napakaganda at alam ko na mageenjoy ako rito. Sana nga lang ay ganoon din ang kasama ko dahil iyon naman talaga ang sadya ko.

Nang tila maramdaman ng kasama kong natutulog ang pagtigil ng sasakyan ay dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata. Pinaglakbay pa muna niya ang kanyang mata sa tanawin bago niya ako tiningnan.

"Where are we?" Kunot ang noo na sabi niya pero hindi ko pa muna siya sinagot bagkus ay ginawaran ko lang muna siya ng matamis na ngiti bago ako lumabas ng sasakyan. Umikot ako at pinagbuksan siya at hinintay ko pa muna siyang bumaba ng sasakyan bago ako nagsalita.

"Welcome to Quezon, Province, Señorito Kaizer!" Masiglang bati ko rito habang ngumingiti sa kanya. Nginiwian niya lang ako at bahagyang inilingan pagkatapos ay nilampasan niya na ako.

Dire-diretso siyang tumuloy sa loob ng bahay. Hindi man lang ako hinintay. Suplado talaga, buti na lang gwapo.

Sumunod din naman ako sa kanya at dumiretso sa kusina. Siya naman ay hindi ko na alam kung saan pumunta, baka naghahanap na ng kwarto niya.

Binuksan ko ang fridge na naroon at nakita ko naman na kumpleto ang laman noon. May pangdrinks, meats, veggies and fruits, may poultry products din.

Bago ako naghanda sa pagluluto ay kinuha ko na muna ang mga gamit na inihanda ko nung nakaraang linggo pa. Inilagay ko lang iyon sa may sala para naman madali niya lang makita kung mapapadaan siya do'n.

Una ay nagsaing muna ako bago ko niluto ang hinanda kong sinigang. Nang maluto ko iyon ay agad ko na ring inayos ang table na kakainan namin ni Kai. Hindi ko alam kung nasaan siya kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan na lang siya. Nakailang ring pa bago niya sinagot ang tawag.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon