Chapter Nine

876 37 0
                                    

Kinaumagahan ay nagisngan ko na siyang nagluluto ng almusal. Wala ng bakas ng lagnat.

"Good morning." I greeted him.

"Mornin'."

"Sure ka bang wala ka ng sakit? Baka mamaya mabinat ka. May masakit pa ba sa'yo?"

"I'm fine. Let's eat." He simply said with hint of finality in his voice. Hindi na ako nagsalita.

"Sige." I agreed. Saka ako tumayo para magtimpla ng kape.

"Coffee?" I asked.

"I'm done." Well, mukha nga siyang wala ng lagnat. Balik na naman kasi siya sa pagiging suplado niya. Samantalang nung isang gabi lang ay para siyang bata.

Mas nauna siyang natapos kaysa sa akin at hindi man lang niya ako hinintay na matapos bago siya umalis sa harapan ko pero hindi ko na rin pinansin iyon. Sanay naman na ako sa ganoong ugali niya. Baka nga mas maoffend pa ako kapag naging mabait 'yan sa akin.

Nang matapos akong kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Sunod ay bumalik na ako sa kwarto para makapaghanda na ako sa pagpasok ko. May isang oras bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Magtataxi na lang ako ngayon.

Naglalakad na ako pababa nang makita ko si Kaizer sa baba na paulit ulit ang tingin sa wrist watch niya. Nang tila marinig niya ang footsteps ko ay nakakunot ang noo niyang tiningnan ako.

"Can you be a little bit faster?"

"Huh?" I asked, puzzled.

"Bingi ka ba? Dalian mo, mal-late na ako."

"Ano?" Tanong ko, hindi pa rin maproseso ang mga pinagsasasabi niya.

"Tsk." Inis na anas niya bago huminga ng malalim at muling nagsalita.

"Sa akin ka na sumabay." Mas kalmadong aniya.

"Ah. Okay lang naman. Magttaxi na lang ako."

"Pwede ba? Sumabay ka na lang sa akin. Hinintay na kita tapos tatanggihan mo pa ako." Singhal niya bago inis na tumalikod at tuluyang umalis.

"Wow, init ng ulo. Sabagay, wala naman ng bago doon." Napailing pa ako bago ko siya sinundan at diretsong sumakay sa passenger seat niya.

"Sasakay din pala, ang dami pang sinasabi." He murmured, annoyed. Hindi ko na pinatulan. Baka mamaya magrambulan pa kami dito sa kotse niya.

Tulad ng palaging eksena, nauna siyang bumaba at basta na lang ako iniwan doon sa parking lot. Parang hindi kami magkaopisina.

"Supladong gwapo, tsk." Bulong na singhal ko habang nakatingin sa papalayo niyang pigura.

Nang mawala siya sa paningin ko ay saka pa lamang ako sumunod sa kaniya. Pagkapasok ko ay ang mga abalang empleyado ang agad na nakita ko. Wala namang bago doon, sadyang palagi kaming busy.

"Hi, good morning!" Masiglang bati sa akin ni Spade. Malawak din ang ngiting iginawad niya sa akin.

"Good morning." Balik na bati ko at nginitian din siya.

"Ba't wala ka kahapon? Wala din si Atty. Stanley kahapon." Tanong niya sa akin.

"Ah, a-ano kasi...may emergency kasi sa bahay kaya hindi ako nakapasok. E si Atty. Kaizer daw, anong nangyari? Hindi naman yun pala absent ah? Baka important matter." Sabi ko na tila wala akong alam.

"Ah. E kumusta ka? Anong nangyari?"

"Huh? wala, okay naman na. Hindi na kailangang problemahin." Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon