Chapter Thirty-Six

421 15 0
                                    

Days went on and as the day passed by, Kaizer became busier and busier. We barely see each other but I understand. I should understand him.

Tuloy ang imbestigasyon tungkol sa grupong nagtangka sa akin pero kasabay noon ay ang ilang pending at new cases kaya alam kong kung nahihirapan ako ay mas nahihirapan siya. Madalas ay umaga at hapon ay may trial siya at pagkatapos naman noon ay dire-diretso na siya sa pag-iimbestiga.

Madalas pa kung bumabalik siya sa opisina ay wala ako dahil napadalas na rin ang paglabas ko para maghatid ng mga subpoena at kumuha ng statement ng mga witness o 'di kaya'y tumutulong ako sa pag-iimbestiga kapag hindi makakarating si Kai.

Gumising ako ngayon nang maaga pero hindi ko pa rin siya naabutan. Isang sticky note lang ang bumati sa akin pagkagising ko and again, I understand him. Tinatamad na akong bumangon pero pinilit ko ang sarili ko. Maraming trabaho ang nakapila sa akin.

Panay ang buntong hininga ko habang nasa ilalim ako ng shower.

"Miss ko na ang mokong. Isang linggo na kaming ganito ang set-up." Paghihinaing ko habang nasa shower pa rin.

"Tapos itong si Mom, hanggang ngayon nangungulit pa rin. Hay, sakit sa ulo." Dagdag ko pa saka napabuntong hininga ulit.

Pagkaligo ko ay diretso ako sa kusina. Kahit naman maagang umaalis si Kaizer ay hindi niya nakakalimutang mag-iwan ng almusal para sa akin. Habang kumakain ay naisip ko ang idea na ipagluto siya ng pagkain para sa lunch niya. Atleast kung ganoon ay makakasigurado akong healthy ang kakainin niya mamaya.

Nagluto ako ng pork steak at pinaghanda siya ng vegetable salad. Pinagtimpla ko rin siya ng healthy juice. Inilagay ko sa paperbag ang lunch box at ang boteng pinaglagyan ko ng juice. Sa ibabaw ng lunch box ay naglagay pa ako ng mga prutas. Sa labas ng paperbag ko inilagay ang sticky note. Baka kasi hindi ko personal na maiabot kaya baka sa guard ko na lang ipaabot.

Nagtaxi na lang ako para makapasok sa kompanya. Hindi pa naman ako late kaya ayos lang. Tahimik ang buong kompanya kahit na marami na ang tao. Hindi ko na inintindi ang mga tingin na ipinupukol nila sa akin.

Diretso ako sa opisina pero sandali lang ako roon dahil may kailangan akong puntahan na pwedeng maging witness sa isang kasong handle namin.

Medyo malayo ang kinaroroonan ng bahay nila pero ayos lang, kailangan namin siya e. Maliit lang ang bahay nila pero halatang maayos ang loob noon. Isang lumang gate na kulay pula ang naroon bago ako makapasok sa bahay. Kinatok ko iyon.

"Hello, tao po?!" Saad ko habang nangangatok. Nangangawit na ang paa ko dahil nakatayo ako buong byahe sa bus at ngayong narito na ako ay mukhang kailangan ko pa maghintay.

Nakailang katok pa ako bago ko matanaw ang isang dalaga na nagmamasid din sa labas. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa akin at pinagbuksan ako ng gate.

"Sino po sila?"

"Celine Gabrielle from Stanley Law Firm. Ikaw ba si Joy Laurel?" Nang marinig niya ang sinabi ko ay naging malikot ang mata niya and that is something suspicious. In just one look at her, I can say that she knows something.

"Ako nga. A-Ano bang kailangan mo?"

"May mga tanong lang ako, kung ayaw mong tanungin kita dito ngayon, sa police station ka papupuntahin kung sakali." Alam kong hindi na siya makakatanggi dahil sino ba naman gugustuhin pang matanong sa police station.

"A-Ah, sige. Pasok ka." Itinuro niya ang daan at nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa isang plastik na upuan.

Pasimple kong ini-on ang recorder ko sa phone bago ako nagsalita.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon