Chapter Eleven

860 27 0
                                    

Nagising ako sa ibabaw ng mainit na bisig ng katabi ko. Si Kaizer. Nang magmulat ako ng mata ay sinalubong ako ng pamilyar na kwarto na siyang tinutuluyan niya. Mabilis kong binawi ang kamay ko nang makita itong komportableng nakayakap sa tiyan ng mahimbing na natutulog na si Kai.

Napangiti ako habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Ilang beses siyang ngumiti at humalakhak dahil pinagtitripan niya ako.

Inalis ko ang nakatabong kumot sa akin saka ako lumabas ng kwarto niya at nagpunta naman ako sa silid ko. Pinuyod ko sa bun ang buhok ko bago ako nagtoothbrush.

Sa kusina ang naging sunod kong destinasyon pero napamalag ako nang makita ang nakatalikod na si Kaizer doon. Hala, naunahan ako magluto. In just mere sight of him, my heart leaped. Maybe, I am attracted, I mean, who wouldn't? he's almost perfect.

"Good morning." Bati niya. Wow, may mata ba siya sa likod.

"Wala akong mata sa likod." Tila sagot niya sa tanong na nasa isip ko. Kung wala siyang mata sa likod, baka naririnig--

"At hindi rin kita naririnig. Kinds of people like you just tends to think like that. You're like a mysterious open book, if you don't know." Hindi tumitingin sa aking sabi niya.

"Pinupuri mo ba ako?" Nangingising tanong ko.

"No. I was just spitting facts. Don't be fluttered." Basag niya agad sa pagiilusyon ko. Minsan talaga, bastos 'to. Hindi marunong magfilter, hmp.

"Good morning din." Sarkastikong tugon ko at pikon ko siyang nginitian. Nakita niya ang reaksyon ko kaya napahalakhak siya. Dumadalas na ang pagtawa-tawa niya. Masyado na yata siya masaya sa piling ko.

"You're cute." He chuckled again and I was shocked. When he saw me, realization hit him hard. I saw how his ears reddened and he even mouthed the word 'beat' before biting his lower lip.

"Uh, I mean...I..uh. You're..uh, fuck." He whispered the last word but I was able to still hear that. I was amazed how he struggled upon thinking for a reason why he said that I'm cute. He seems nervous and ashamed of what he had said earlier.

"It's okay. I know naman na cute ako." I uttered and he looked at me like he was insulting me.

"You shouldn't overreact. Assuming can hurt you, always remember that." Nang-aasar na litanya niya habang inilalapag ang platong may laman na niluto niya.

"Cute naman talaga ak--" Nanlaki ang mga mata ko nang idampi niya ang isang daliri niya sa labi ko.

"Shh. I don't do arguments while the foods are serve." Pagiimporma niya at nang mapatingin siya sa daliri niyang nakadampi pa rin sa labi ko ay mabilis niya iyong inalis na parang napapaso siya.

"Let's eat." Aya niya at tanging tango na lamang ang sinagot ko sa kanya.

Natapos kaming kumakain na may katahimikang bumabalot sa amin.

"Ako na ang magliligpit. Pwede kang maggala kung gusto mo or kahit anong gusto mo." Pagpepresinta ko at nginitian ko siya. Ngayon ay nakalagay na sa bulsa niya ang kamay niya at bahagyang siyang nakatagilid sa akin.

"Mamaya na lang. Kapag...kasama kita." Matapos niya iyong sabihin ay walang lingong likod niya akong iniwan doon. Bahagyang laglag ang panga ko at pakiramdam ko ay naugat na ako sa kinatatayuan ko.

Dahan dahan kong pinagapang ang palad ko papunta sa dibdib ko kung saan mararamdaman ko ang pintig ng puso ko. Napakabilis noon na animo'y nakikipagkarera. Tila may kumiliti sa akin kaya hindi ko mapigilan ang ngiting sumisilay sa aking labi kaya kinagat ko iyon dahil sa labis na pagpipigil. Kinikilig ba ako? Bawal 'yan, Aurelia. Pero hindi naman kami tunay na magkapatid ah. On the other thought,  pwede rin naman. Wala namang masama doon.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon