Chapter Thirteen

728 24 0
                                    

Alam ko na kanina pa akong tinitingnan ni Kai. Hindi ako ganoong kaapektado dahil sa nangyari. Feeling ko lang ay tinraydor ako dahil si Spade ay tinuturing ko na ring isang kaibigan but I knew him wrong.

"I'm okay, Kai. If that's what you want to hear."

"You sure?" Naninigurado pa niyang tanong.

"Oo. Okay lang ako." I smiled.

"Okay. But if I can do something to help you, just say it." Tinguan ko na lamang ang pahayag niya. Hindi mo naman ako matutulungan sa problema ko, Kai. Can you make me fall out of love you? I think no.

"Hindi pa raw ba uuwi sina Mommy?" Sa halip ay tanong ko. Pilit ko pa ring iniwawaksi ang mga ganoong isipin dahil wala iyong maidudulot na mabuti sa akin. I am certain with that.

"Na-extend daw ang vacation nila. Maganda raw doon at natutuwa sila that's why they decided to stay longer there. Why?"

"Wala naman. Just wanna ask. Baka kasi may nangyari nang masama sa kanila, hindi ko pa alam."

"Don't worry, they are fine there." He assured me.

"That's good."

"Yeah."

Buong byahe ay tahimik lang din kami, gayunpaman, alam na alam kong sinusulyapan niya ako sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon.

"Magpahinga ka muna. I'll cook something for our dinner." He suggested. Tinanguan ko lang ang sinabi niya bago ako matamlay na pumunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ay diretso akong nahiga sa kama ko. Hindi na rin ako nagabala na hubarin ang pampaa ko. Feeling ko pagod na pagod ako, nanghihina ako.

Ang buong oras ko sa loob ay ginugol ko lamang sa pag-iisip. Hindi talaga pwede ang nasa puso ko ngayon, alam ko 'yon. Alam na alam ko. 'Pag nagkataon, malaking gulo 'to. Lalo na kapag nalaman 'to nina Mommy.

"Ano bang klaseng pagsubok 'to?" I groaned. Halos sabunutan ko na ang sarili ko habang pagulong-gulong ako sa kama.

"Mababaliw na yata ako." Bulong na sabi ko. Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na maligo at magpalit na ng damit. Kahit na tinatamad ako ay bumangon ako at naligo.

Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay tamad na tamad lang akong nakatingin sa salamin na kaharap ko. Imbes na palalimin pa ang isipin ko tungkol kay Kai ay kinuha ko na lang ang cellphone ko. Mas mabuting magbasa na lang ako nang magbasa kay mareng wattpad kaysa kung anu-ano ang iniisip ko.

Kinuha ko na rin ang headset ko at ikinabit iyon sa phone ko bago ako nagpakalunod sa pagbabasa.

Naabala na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Naagaw noon ang atensyon ko, inalis ko sa tainga ko ang headset ko at in-off muna ang cellphone ko bago ko hinarap ang kakapasok pa lamang na si Kaizer.

"May kailangan ka?" Balewalang tanong ko na tila hindi ako apektado sa presensya na.

"Let's eat. Handa na ang pagkain."

"Ah, sige. Susunod na ako." Simpleng sagot ko bago ko inalis ang comforter na nakabalot sa akin.

"Hihintayin kita." Malamig na sabi niya bago umalis sa pwesto niya at humilig na lang siya sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko dahil sa inaasal niya. Lately, I noticed that he's now talking to me more often. Hindi na siya tulad noon na akala mo palagi ay galit sa mundo. I wonder why.

Dahil akala mo ay bodyguard ko siya doon sa may pinto ay hindi na ako nagbagal ng pagkilos. Sandali ko lang na sinuklay ang buhok kong nagulo dahil sa pagkakahiga ko kanina. Sana ay magpapalit pa ako ng pajama pero hindi ko na rin itinuloy. Mamaya ko na lang iyon gagawin kapag natapos ko nang kumain.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon