Chapter Nineteen

636 20 0
                                    

Lumipas ang napakaraming araw at patuloy ang malamig na pakikitungo namin sa isa't-isa. Bumabagabag iyon sa akin pero sa huli ay lagi ko na lang iyong isinasantabi.

Para kaming bumalik sa mga panahong una ko pa lang siyang nakita. Hindi ako umiimik pwera na lang kung talagang kailangang-kailangan na at ganoon din naman siya. Halos hindi na kami magpansinan tuwing nasa bahay kami at madalas ay sa labas na ako kumakain para hindi ko na sila makasabay sa pagkain.

"Gather facts about the robbery case in Monica Village then send it to my e-mail account. Thanks." Pormal na sabi niya. Ni hindi niya man lang ako nilingon o kahit ano habang nagsasalita siya. Halos mapairap tuloy ako kaya tinanguan ko na lang din siya kahit hindi niya man ako kita. Bahala siya d'yan, tsh.

Agad akong nagresearch about the case na sinabi niya. Mamaya ko na titingnan ang report tungkol doon. Base sa research ko, walang nanakaw na pera at mga alahas sa lahat ng ninakawan ng suspect. Puro antique things and other figurines lang ang kinuha niya.

"Did you hear me?" Mayamaya ay malamig na tanong niya.

"Yeah." Wala ring emosyon na sagot ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ko na niluwagan niya ang neck tie niya saka tumikhim. Tinupi niya rin ang sleeves niya hanggang siko at ang unang dalawang butones niya ay in-unbutton niya bago siya bumalik sa trabaho.

Base sa reports ay medyo marami na naman ang cases na naireport ngayon kaya abala na naman siya. Mamaya ay mayroon siyang magkakasunod na tatlong trial kaya siguro nagpatulong siya ngayon sa robbery case na 'to na trabaho ko naman talaga. Sobrang tutok niya sa trabaho at hindi man lang humihingi ng tulong sa akin kaya ang ginagawa ko ay kusang kumukuha o gumagawa na ako ng mga trabaho. Hindi naman na siya tumatanggi roon at tanging tango na lang ang isinasagot niya sa akin.

Kinuha ko ang lahat ng reports tungkol sa pagnanakaw. Lahat pare-pareho lang. Wala talagang nawalang pera at alahas. Nahirapan silang mahuli ang kriminal dahil malinis ang lahat ng crime scene. Kung basta titingnan ay tila wala namang nangyari roon. May mga cctv ang lugar pero kataka-takang ang lahat ay nasira nang may nangyari krimen. At alam ko, siguradong sinadya iyon.

Sa mga biktima ay wala ni isang nasaktan, madalas ay gabi ito sumasalakay o kaya itinataon niya na walang tao sa lugar. Isa lang ang sigurado, taga-roon lang din sa Village na 'yon ang salarin. Masyado siyang maraming alam kung outsider siya, isang exclusive na village iyon kaya walang basta-bastang makakapasok sa lugar.

Nang mapag-aralang kong mabuti ang ang case ay may mga hint akong nakuha pero naroon pa rin ang isang malaking question mark dahil may tatlong tao akong pinaghihinalaan. Silang lahat ay may motibo at itinuturo ng mga nakalap na ebidensya.

Ang cctv guard na si Ernesto Cruz. Mahirap lang siya at natuklasan kong may history siya ng pagnanakaw sa dalawang grocery store na dati niyang pinagt-trabahuhan. Siya rin ang may access sa cctv camera na nagkaroon ng maraming aberya noong mga panahong may krimeng naganap. Pero ang tanong ko, bakit hindi ang pera at alahas ang kinuha niya?

Si Loel De Claro. Si Loel ay ang techinician ng lugar. May motibo siya na magnakaw dahil may malalang sakit ang nanay at nakababatang kapatid niya at ang sinasahod niya sa pagiging technician at pag-eextra working ay hindi magiging sapat para sa pangpagamot ng dalawa. May access at alam din siya tungkol sa cctv camera. Pero ganoon pa rin ang tanong ko, bakit hindi ang pera't alahas ang kinuha niya? Mas madali siyang magkakaroon ng pera kung iyon ang diretsong kinuha niya.

At ang huli, si Paul Reyes. Base sa research ko, dati siyang english professor pero kusa siyang umalis sa trabaho dahil hindi raw niya ito gusto. Obssessed siya sa history at hindi malabong siya ang nagkaroon ng interest na nakawin ang mga gamit. Sa tatlo ay siya ang pinakanangunguna pero gayunpaman, hindi ko maalis sa isipan ko na maaaring maging salarin nga rin ang naunang dalawa. Lahat naman sila ay may motibo.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon