Prologue

2.8K 67 5
                                    


Kasalukuyan akong naglilibot sa loob ng isang national bookstore. Pinasadahan ko ng aking daliri ang mga libro. Kumuha ako ng isa ay binuksan iyon. Inilapit ko ang pahina noon sa aking ilong at inamoy iyon. Talagang nababaliw ako sa amoy ng bagong libro.

"Hoy, Celina Aurelia, bibili ka ba talaga? Naku, huhulaan ko. Inaatake ka na naman ng kakuriputan mo no?" Tukso sa akin ni Vanessa, isa sa mga bestfriend ko. Binalingan ko ito at tinitigan ng masama.

"Ugh, tahimik nga, Baneng!" Tunog inis na sabi ko.

"Sus, alam mo naman yang si Celine, gagala lang talaga yan dito." Banat naman ni Princess.

"Cessa-"

"Naks, saulado na namin yan, Celine. Bubusugin mo lang naman yang mga mata mo tapos mag-aaya ka nang umalis."

"Ugh, tahimik sabi!"

"Hoy, mga kupal, do'n tayo sa romance section." Pag-aaya ni JM.

"Do'n lang walang tayo." Pambabara ko dito.

"Sinabi ko bang meron?" Bawi naman niya na siyang kinairap ko.

Tumungo nga kami doon sa romance section, pagdating doon ay naghiwa-hiwalay kami. Walang pakialaman.

Naglakbay ang aking mga mata sa mga librong nakahanay. Isa isa ko iyong hinawakan, tumigil ang aking daliri sa isang libro. Makapal iyon at talagang nakuha noon ang aking atensyon. Kinuha ko iyon at pinakatitigan.

I love you but the end is today.

Iyon ang pamagat ng libro. Maganda ang pamagat na iyon at nakakakuryoso. Wala sa sariling dinala ko iyon sa cashier. Takang tiningnan ako ng kahera.

"Miss, sure na po ba kayo na bibilhin niyo ito?"

"Oo, bakit? May problema ba?"

"Ah, wala naman. Nag-iisa kasi talaga itong libro na ito at ito ang pinakamahal na available na book dito." Paliwanag nito.

"Magkano po ba yan?"

"3,500 po, Miss."

"Hoy, Celine, tulog ka ba?" Takang tanong sakin ni Baneng.

"May tulog bang nakamulat?" Pamimilosopo ko sa kaibigan ko.

"Oo, si Loki.

"Tsk."

Inabot sa akin ng kahera ang aking binili na nasa supot na ngayon. Kinuha ko iyon at  diretsang binayaran. Matapos noon ay nagsisunuran na aking mga kaibigan, isa-isa na nilang binayadan ang mga librong napili nila.

Pag labas namin sa national bookstore ay napatigil ako sa aking paglalakad at napaisip. Tila natauhan ako sa aking ginawa.

Bakit ko nga ba binili ang napakamahal na librong ito?

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon