Hindi ako mapakali at talagang nagaalala ako dahil alam kong may sakit siya at base sa temperature niya ay mataas ang lagnat niya!
Lalo ko siyang binalot ng comforter at binuksan ang heater niya doon sa kwarto. Hindi ko malaman kung ano ang una kong gagawin. Kung gigisingin ko ba siya at papakainin o hahayaan ko muna siya matulog at magpahinga. Sa huli ay hinayaan ko na lamang muna siyang magpahinga dahil maaga pa naman.
Napagdesisyunan kong gisingin na lamang siya ng mga bandang alas otso ng gabi. Nagluto ako ng mushroom soup at mabilis na naghanap ng gamot na pwede kong ipainom sa kanya. I prepared the soup, sinigang and rice together with the meds and one glass of a water.
Matapos kong pumasok sa kanyang kwarto ay marahan ko siyang ginising para makakain na siya at makainom ng gamot. Hindi naman naging mahirap ang paggising ko sa kanya.
"Hmm..." Pabulong na aniya.
"A-Ah, may lagnat ka kasi, Kai. Kumain ka na muna at nang makainom ka ng gamot." Nangungumbinsing sabi ko sa nakahiga't pikit na si Kaizer. Gayunpaman ay alam ko na gising na siya.
"Later..." mahinang saad niya at hinigit ulit ang kanyang comforter. Napabuntong hininga tuloy ako. Hindi pwede dahil kailangan na niyang makainom ng gamot para kahit papaano sana ay bumaba na ang temperatura niya. Nilapitan ko siya at bahagyang hinawakan sa braso, ang init niya talaga.
"Sige na, upo ka na. Susubuan na lang kita." Pangungumbinsi ko pa sa kanya. Matagal bago siya nagsimulang kumilos pero inalalayan ko pa rin siya. Siguro ay gutom na rin kaya hindi na tumanggi.
Nang makitang ayos na ang pagkakaupo niya ay sinimulan ko na rin na pakainin siya. Buong oras ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tuloy tuloy naman ang pagsusubo ko sa kanya. Buti na lang at hindi sita umaangal. Huling subo na sana niya nang mapansin ko ang malamig na tingin niya sa akin na siyang nagpakunot ng noo ko. I am sure na hindi na mainit ang isinubo ko sa kanya.
"Bakit?" Naiilang na tanong ko sa kanya. Noon pa lamang siya tila natauhan at nag-iwas ng tingin. Nakita ko tuloy ang pamumula ng kanyang tainga, siguro ay dahil sa init ng temperature niya.
"Nothing." Namamaos na sagot niya so he cleared his throat. Inabot ko ang baso ng tubig pati na rin ang gamot niya. Inilahad ko iyon sa kanya.
"Here. Inumin mo tapos matulog ka na ulit." I said and smiled to him genuinely. Tiningnan niya pa muna ako saglit bago niya kinuha ang gamot sa palad ko.
Nang mainom niya iyon ay dumiretso higa na ulit ito at tulad kanina ay inalalayan ko pa rin siya. He cleared his throat a lot of times so I offered him water but he just shook his head. Tinulungan ko siyang ayusin ang comforter sa katawan niya at muli ko na naman siyang narinig na tumikhim.
Nang tuluyan na siyang makahiga at nagpikit ng mata ay tumalikod na ako para umalis. But before I was able to walk out, his warm palm enveloped my wrist which made me stunned. I slowly look at him but still, his eyes were closed. Baka tulog naman talaga siya.
"Thanks, Celine." Mahinang sabi niya pero naabot pa rin iyon ng pandinig ko. His voice was full of sincerity and it made me smile. Seconds later, he let go of my hand and in an unknown reason, I want him to hold me again. Nakatitig lang ako sa kanya na parang tanga. I waited until his breathing went even.
Magaan ang loob ko nang lumabas ako ng kwarto niya. Kahit na kakaunting oras pa lang akong nakakapamahinga ay pinagsa walang bahala ko iyon.
Saglit lamang akong kumain pagkatapos ay binalikan ko rin agad siya. Naisipan ko na gawin din ang madalas na ginagawa sa akin ni Mama sa tuwing may lagnat ako. Kumuha ako ng basin at isang malinis na puting bimpo. Nilagyan ko iyon ng maligamgan na tubig bago ko inilagay doon ang bimpo.
![](https://img.wattpad.com/cover/249089423-288-k943395.jpg)
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...