Chapter Forty-Three

453 16 0
                                    

Dahil sa special na suot namin ay agaw pansin tuloy kami nang pumasok kami sa kumpanya. Halos mabali ang leeg nang ilan, masulyapan lang ang kasama ko.

Sinulyapan ko ang katabi ko. Wala siyang emosyon at seryoso lang na naglalakad pero ramdam ko naman na kalmado siya. Hindi ko naman pala masisisi ang mga palaka dito dahil napakagwapo naman talaga ng BOYFRIEND KO.

Medyo may katagalan na rin naman akong nagtatrabaho dito sa kumpanya pero hindi pa rin ako nakakarating sa fourth floor nito wherein nadoon ang meeting room. Sa third floor naman daw ang rooms ng mga board director.

May lalaki na nagbabantay sa labas ng meeting room na sa tantya ko ay secretary ni Dad dahil kilalang-kilala nito si Kaizer pati ako.

"Pasensya na po kayo, Ma'am, Sir pero sumusunod lang po ako sa utos ni Sir." Nakikiusap na aniya. Halatang napakahalaga para sa kanya ng trabahong ito.

"Don't worry, I'm not here as his son. I am here as Kaizer Stanley or Mr. K." Malamig na sagot naman ni Kaizer saka walang sabi-sabing binuksan ang pinto.

Lahat ng nasa loob ay nagulat pero tila walang pakialam ang lalaking katabi ko bagkus ay ipinghila niya ako ng upuan. Kahit nahihiya ay umupo na lang ako. Nagngangalit ang tingin sa amin ni Dad kaya hindi ako lumilingon sa gawi niya. Grabe, parang kaunti na lang ay magbubuga na siya ng apoy.

"Are we late?" Tanong ni Kaizer para basagin ang ginawa niyang katahimikan.

"Not really. I didn't know that you'll be here." Sagot ng isang matandang babae.

"I should, Madame. I am the half owner so it's just right to be here." Matapang na sagot niya. Kita ko sa peripheral vision ko ang pangungunot ng noo ng ama ni Kaizer.

"What do you mean?" Striktong tanong nito sa anak. Halata tuloy na tensyonado siya habang si Kaizer naman ay cool lang.

Presko itong tumayo at humarap sa mga tao.

"Oh, right. Let me introduce myself." Pumunta ito sa unahan.

"Good morning, ladies and gentlemen. I am Kaizer Stanley and Mr. K as well." Matapos niyang sabihin 'yon ay bumalik na siya sa pwesto niya kanina.

Ang lahat ng naroon ay nagsinghapan at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Ganoon din ang reaksyon ng kanyang ama. Kasunod noon ay ang maugong na bulungan ng mga tao.

"Wow. I didn't expect that."

"Right, he's so smart."

"A perfect successor, isn't he?"

"He is. He will definitely build his name in business industry." Ilan lang 'yon sa mga bulungan na narinig ko. And I can't help but to be proud of him.

"What? How can you do that?"Takang tanong ni Dad sa kanya.

"I've been saving my OWN money then later on, I was able to invest here." Napabuntong hininga na lang ang ama niya dahil alam niyang tamang-tama naman ang ginawa ng anak niya. Nagsumikap siya kaya ganito na siya kasuccessful ngayon. Almost unbelievable.

"But I'm curious, dear. Who's this lovely girl beside you?" An old lady asked. Nabaling tuloy sa akin ang atensyon ng mga naroon. Dear daw, arabo ba siya? Hmp.

"She's Celine, my girl. She's gorgeous, right?" Nakangising tanong niya kaya naman hindi ko maiwasang mamula. Alam kong maganda ako pero grabe naman kasi 'tong si Kaizer kung maipangalandakan ako.

"Yeah. Ang ganda ng taste mo." Nangingiting sabi ng matanda.

"By the way, what's the meeting all about?" Tanong niya kaya napatikhim ang kanyang ama at saka tumayo para magsalita.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon