Tatlong araw na simula nang makalabas ako sa hospital ngunit nanatiling strikto si Kai sa akin. Tuwing lumalabas ako ay agad ko na siyang kasunod. Hindi rin siya pumapayag na magtrabaho ako nang sobra sa oras.
At syempre, ang katumbas ng pag-aalaga sa akin ni Kai ay ang galit at pagkaasar naman sa akin ni Shane. Madami siyang pasaring sa akin pero minabuti ko na lang na hindi siya pansinin dahil alam kong gulo lamang ang kahahantungan namin kung papatulan ko pa siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa namin alam kung sino ang utak ng pagkuha sa akin at si Kai naman ay tutok na tutok sa pagtuklas kung sino nga 'yon. Sinabihan ko na siya na ipagpaliban na muna iyon pero makulit siya at hindi nakikinig sa akin kaya pinabayaan ko na lang siya sa gusto niya.
Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay halos mapatili ako nang sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Kai.
"Breakfast is ready. Ang tagal mong lumabas kaya susunduin na sana kita." Depensa niya nang makita ang reaksyon ko.
"Nanggugulat ka naman. Sana kumatok ka." Nagkibit balikat lamang siya saka walang imik na kinuha ang bag ko.
"Ang gwapong snatcher mo naman."
"Gwapo lang hindi snatcher." Ngisi niya sa akin. Napatakip ako sa aking bibig at bahagyang tinampal 'yon. Dapat sa isip mo lang 'yon, Celine!
"M-May sinabi ba akong gwapo?" I awkwardly laugh.
"Hindi ako bingi." Ismid niya sa akin saka naunang maglakad.
"May sinabi ba akong bingi ka?" Bulong ko nang makalampas na siya sa akin. Ang sungit-sungit palagi, daig pa niya ang nireregla.
"Naririnig kita." Malamig na sabi niya mula sa unahan ko.
"Sml?" Pasaring ko naman sa kanya.
"What?" Litong tanong niya sa akin. Wow, hindi pa niya alam kung ano ang sml?
"Wala."
"Tsh."
Pagkapasok ko pa lang sa kusina ay masama na agad ang tingin sa akin ni Shane pero tulad nang mga nagdaang araw ay hindi ko na lang siya pinansin.
"Baby, you cooked this for me?" Naglalambing na tanong ni Shane kay Kaizer.
"Bakit naman kita ipagluluto? Ang sabi ko sa'yo ay umuwi ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin?" Malamig na sabi ni Kai sa kanya. Bakas sa mukha ni Shane ang pagkakapahiya kaya kahit hindi maganda ang tungo niya sa akin ay naaawa ako sa kanya.
"Itinataboy mo ba ako?" Naniningkit ang mga matang tanong niya sa lalaki.
"You're asking the obvious."
"Nakakainis ka na, Kai--"
"Sinabi ko bang matuwa ka?"
"Ayoko. Hindi ako aalis dito."
"Do you want me to throw you out of this house?"
"Pero magpapakasal pa tayo--"
"There will be no marriage ceremony between us because in the first place, I never agreed with this." Natahimik ang buong mesa nang matapos sabihin iyon ni Kai. Seryoso siya at mariin ang pagkakasabi.
Sinulyapan ko si Shane at nakita kong galit at sakit ang ekspresyon niya sa kanyang mata. Tuluyang tumulo ang nagbabadya niyang luha saka siya padabog na tumayo at umalis sa hapag.
Nang makaalis si Shane ay tila wala lang iyon kay Kai dahil diretso lang siya sa pagkain at hindi na pinansin ang umalis na babae. Napabuntong hininga na lang ako bago ako kumain. Medyo naiinis ako kay Shane dahil sa asal niya pero at the same time ay naaawa rin ako sa kanya dahil sa tungo sa kanya ni Kaizer.
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...