Chapter Forty

402 13 0
                                    

"Celine, anak, can we talk? Just us?" She asked and gave Kai a side glance. Alam kong kontra na agad si Kai kaya inunahan ko na siya.

"Sige po pero pwedeng mamaya na lang?" I asked back. Kakausapin ko muna si Kai tungkol dito dahil ayoko naman na magalit siya sa akin dahil dito.

"Sige, pumunta ka na lang sa room ko. Wala naman doon ang Dad mo kaya makakapag-usap tayo nang ayos." Nginitian niya kami bago kami tinalikuran at umalis.

Hinila ko pataas si Kai sa kwarto niya at napabuntong hininga ako nang ilang beses dahil wala siyang imik. Alam na alam ko kung bakit siya ganoon. Sinarado at inilock ko ang pinto at saka iginiya siya paupo sa kama.

"Kai." Tawag ko sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin. Pinalusot ko ang kamay ko sa kamay niya para hawakan iyon.

"Listen to me, okay? I won't leave you. Even after this talk with Mom. I'll fight for us too." I assured him. Tipid na tango niya lang ang natanggap kong sagot.

"Kaizer, do you trust me?" I asked and waited for his response but nothing came.

"Come on, answer me, Kai."

"Yes, I trust you but can you blame me? You're that precious to me that's why I'm worried. I don't wanna lose you, Celine." Nangungunot ang noo'ng sagot niya.

"Trust me, Kai. Just trust me." I softly smiled and kissed his forehead before going out of his room.

Tinungo ko agad ang kwarto nina Mom, wala akong balak na patagalin ang usapan namin. Gusto ko lang ipaalam kay Mom na kahit anong mangyari ay hindi ko isusuko ang lalaking 'yon kapalit ng pangalang inaalagaan nila.

"Celine..." Her face brightened when she saw me entering her room. I remain my stoic face expression.

"Straight to  the point, I don't want to waste my time here." Panimula ko.

"Anak naman, makinig ka naman sa akin, please? I know what's best for tge two of you---"

"If you really do know what's best for us then you should know that it's 'US'."

"Celine, marami na kaming dinaang hirap kasama si Kaizer para sa kompanya natin. At saka may fianceé na siya, anak."

"Wala siyang fianceé. Magkakaroon pa lang at ako 'yon."

"Celine, ano ba? Bakit ba sarado ang isip mo? Magkapatid kayo, hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

"Sa ating dalawa, kayo po ang sarado ang isip. Hindi kami magkapatid at alam niyo yun. Mahal ko siya at wala na kayong magagawa."

"Attraction lang ang nararamdaman mo, Celine. I'm telling you, break up with him."

"Mahal ko siya at hindi ko siya hihiwalayan."

"Kung hindi mo siya hihiwalayan, ipadadala namin siya sa France at itutuloy ang kasal nila ni Shane." Napangisi ako nang walang emosyon.

"Try him. Alam kong hindi siya papayag at si Shane? Hindi niyo pa pala alam na criminal ang taong pinagkakatiwalaan niyo."

"What? Kriminal? What do you mean?"

"I don't have time to waste. Ayoko ring mag-explain. Kung wala na kayong sasabihin, aalis na ako." I stood up and look down to her.

"Nakikiusap ako sa'yo, hiwalayan mo na siya."

"Pasensya na pero nasa katinuan pa ako, ayaw ko pong magpakamatay." I smiled with no emotion before leaving her with so much disappointment.

Nagulat na lang  ako nang pagbukas ko ng pinto ay ang mainit ang mahigpit na yakap ni Kai ang sumalubong sa akin. Napangiti ako habang ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Sinuklian ko ang yakap niya sa pamamagitan ng kamay ko sa kanyang bewang.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon