"Trev..." I whispered when I saw him. Nakatutok ang mata niya sa akin subalit ang nagbukas sa kanya ng pinto ay may madilim na aura na.
Mariin ang titig na iginagawad ni Kai sa bagong dating na lalaki pero tila wala namang pakialam doon si Trevor.
"What are you doing here?" Walang emosyong tanong ni Kai kay Trevor.
Napatayo tuloy ako at lumapit sa kanilang dalawa. Pasimple kong hinawakan ang braso ni Kaizer.
"Can we talk, Cel?" Baling sa akin ni Trevor.
Napatingin ako kay Kaizer at napalunok ako nang matiim din ang titig niya sa akin.
"Tungkol saan ba?" Napatingin din ang lalaki kay Kai bago siya sumagot sa akin.
"May sasabihin lang ako, madali lang naman 'to."
"You two will talk here if not then you can now leave our place." Malamig at may pinalidad sa boses ni Kai. Tinalikuran niya kami saka siya bumalik sa kanyang swivel chair.
"Ayos lang, Celine." Nginitian niya ako kaya tumango na lang din ako.
Nang umupo kami sa sofa ni Trev ay umalis naman si Kai para bigyan kami ng privacy.
Nakatambay siya sa may hamba ng pintuan at seryosong nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasan na tingnan din siya pabalik.
"Celine, I like you and I respect your decision." Mapait siyang nakangiti sa akin. Napatungo tuloy ako dahil maging ako ay nalulungkot dahil sa usaping ito.
Naging mabait siya sa akin kaya ayoko siyang saktan pero wala naman akong magawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.
"Sorry, Trev..."
"No, Cel. You've been a great friend, gusto kita at masaya ako na nagustuhan kita. Nasaktan man ako pero hindi naman ibig sabihin na gusto mo ang isang tao ay kailangan ka na rin niyang gustuhing pabalik. Minsan talaga masarap lang sa pakiramdam ang magkagusto." Wala akong mahanap na salitang isasagot ko sa kanya kaya nanahimik na lang ako. Napabaling ako kay Kaizer na nanunusok na ang tingin sa amin.
"I'm happy to see your eyes gleeming in happiness and I know who's the reason behind that. I may be hurt but your happiness matters too." Bahagya niyang nilingon si Kai.
"Ingatan ka lang niya dahil kapag hindi babalik ako para agawin ka sa kanya." He joked but I creased my forehead.
"Babalik? What do you mean?" Nginitian niya ako bago siya nagbuntong hininga.
"Aalis na ako, Cel. I'll pursue my dream in US."
"Talaga? It's sad to lose a friend but if it's for your dream then I'll support you wholeheartedly. I know that you'll succeed." I smiled on him genuinely pero agad napawi 'yon nang padabog na sumarado ang pinto.
Pagtingin ko roon ay wala na si Kai. Napakunot ang noo ko, asan na agad 'yon?
"You don't have to slap in my face that I am just your friend." He chuckled. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang magiging reaksyon ko.
"Sorry..." Sabi ko na lang saka ako lumingon ulit sa may pinto. Nagbabaka sakali na naroon na ulit siya pero bigo lamang ako.
"Mukhang nagselos kaya lumabas. Sige na, aalis na ako. Galingan mo manuyo ha?" He chuckled kaya naman pinamulahan ako ng pisngi.
"H-Huh? Baka gutom na kaya lumabas."
"Sus, lalaki rin ako at alam na alam ko na ang mga ganyang bagay." Nginitian ko na lamang siya.
"Bye, Cel. Hope to see you again soon, baka sa kasal mo." He chuckled again.
"Ingat ka roon, daming magaganda do'n." I teased him.
![](https://img.wattpad.com/cover/249089423-288-k943395.jpg)
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...