Matapos ang araw na 'yon ay pinilit kong bumalik sa dati. Hindi naman titigil ang oras at mundo para sa akin. Mula nang makita ko ang mga litratong 'yon ay madalas na ulit akong managinip tungkol doon.
Hating gabi na ay nagigising pa ako habang pawisan dahil sa masamang panaginip. Swerte naman na palagi kong katabi si Kai kaya kumakalma agad ako. Minsan naman ay natutulala na lang ako kapag sumasagi iyon sa isip ko. The fight for life will never be easy but not trying to fight will be more difficult as you live longer.
Lumabas ako sa banyo na pinapatuyo ang buhok ko. Amoy ko na rin ang niluluto ni Kai, maaga siyang gumising ngayon para magjog kaya maaga rin akong gumising. Kailangan ko ang fresh air. Huminto ang mundo ko dahil sa nakaraan ko pero napagdesisyunan ko na na magpatuloy ulit.
Bralette lang na pinatungan ko ng hoodie ang pangtaas ko habang shorts naman ang ipinartner ko doon.
Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makarating ako sa likod ni Kai.
"Ang bango ah!" Puri ko sa kanya. Napatawa ako dahil gumalaw ang balikat niya na senyales ng pagkakagulat niya.
"Basta ka na lang sumusulpot." Komento niya.
"Eto naman, hindi mabiro." Tuya ko sa kanya saka sinundot ang tagiliran niya na ikinaiwas naman niya.
"Aish, ang kulit. Bakit gising ka na agad?" Tanong niya habang hawak ako sa bewang.
"Sama 'ko sa'yo. Magj-jog ka di'ba?" Napapalabi kong tanong sa kanya.
"No..."
"Huh? Bakit hindi?"
"You said that you're not comfortable if you're not with me kaya bakit ako aalis?" Maang tuloy ako dahil sa naging sagot niya. He's so good at making my heart melt.
"G-Ganoon? E nakabihis na ako e, akala ko pa naman magjjog ka."
"If you want to, why not?"
"Talaga? Hindi ka nagjojoke lang?" Nagliwanag ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sinagot niya lang ako gamit ang tipid na tango niya pero kuntentong-kuntento na ako.
Hindi ako sanay na may pumapabor sa akin, mas sanay ako na ako ang nag-aadjust kaya naman masayang-masaya ako. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya nang mahigpit at nang pakawalan ko siya ay agad ko siyang pinaupo sa upuan at pinagsilbihan.
"I should be the one doing that." Puna niya sa ginagawa ko.
"Hayaan mo na ako, minsan lang naman e." Napabuntong hininga na lang siya habang pinaglalagay ko siya ng ulam.
Napakataas ng energy ko habang kumakain.
"Oo nga pala, hindi ka pa rin ba papasok sa opisina ngayon?" tanong ko na naman dahil ilang araw na siyang hindi pumapasok. On leave naman ako kaya talagang wala akong problema tungkol sa trabaho ko.
"Still not thinking about it." Maikling sagot niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit? Trabaho mo 'yon ah, prior mo 'yon."
"You're my priority." Napatanga na lang ako dahil sa sagot niya. Paano ko ba masusuklian ang lahat ng ginagawa niya para sa akin?
"Kaizer naman..." tanging nasabi ko dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.
"What? Hindi ko rin naman kayang magtrabaho habang maiiwan ka ritong mag-isa."
"Pero kaya ko na naman."
"I want to spend more time with you. Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito."
Pinagtulungan naming ligpitin ang pinagkainan namin para mas mapabilis kaming matapos. Nagbihis lang siya saglit bago ulit lumabas para naman makapagjog na kami.
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...