Umagang-umaga pero hawak ko na agad ang cellphone ko. Kanina pa akong nagwawattpad kaya tumigil muna ako at in-open ang Instagram app ko. Matagal na simula nang huli kong buksan ito. There are lots of notifications but there is one certain notif that caught my attention. A follow request from Kaizer.
I followed him back before stalking his account. Bukod sa unang icon niya ay kahapon lang siya ulit nagpost at icon niya pa iyon. It's our picture, yung picture na nasa likod niya ako at hinalikan ko siya sa pisngi. Pansin ko rin na hindi masyadong kita ang katawan ko doon, ang mukha ko lang at ang braso ko. Natatakluban niya ang katawan ko.
My eyes darted to his caption. Serenity. A simple word yet for me, it means a lot. I was inspired to change my icon too so I did. It's our pic with yellow shade caused by the sun behind us.
After I changed my icon in IG, I took pictures of him, still deeply asleep. I giggled as I check those pictures. Araw-araw ko nang nakikita ang hitsura niyang 'yon pero parang lalo naman siyang gumagwapo. Ang daya naman yata.
Bumangon na ako at naligo, hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ngayon sa araw na ito pero ayos lang naman kahit ano. Isang white short na pinartneran ko ng white corset tank top ang sinuot ko.
Pinupunas ko ang buhok ko ng puting tuwalya nang lumabas ako galing sa banyo. Nakita ko agad si Kaizer na pupungas-pungas pa. Kagigising niya lang yata. Bahagya pa kasing pumipikit-pikit ang mga mata niya na tila gusto pa niyang matulog ulit.
"Hey, Kai." Tawag ko sa kanya. Bahagya niya akong nilingon at ngumiti. Puyat ba siya? Pero nauna naman siyang natulog sa akin kagabi ah?
"Hi, love..." Maging sa boses niya ay halatang inaantok pa siya. Isinampay ko sa silya ang tuwalya ko at lumapit kay Kaizer. Sigurado ako na kaya lang siya nagpipilit na bumangon ay magluluto siya ng almusal namin.
Inalalayan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. Nilingon niya ako pero wala naman siyang imik kaya lalong napailing ako. Hinila ko siya pabalik sa malawak na kama. Iniwan ko rin naman siya at isinarado ang maliit na bintana dahil sumisikat na ang araw.
"Hmm..." He hummed.
"Matulog ka pa d'yan, ako na ang bahala sa morning meal natin." Ani ko saka bahagyang itinulak ang balikat niya para mapahiga ulit siya.
"Okay. Sorry..." nakapikit na niyang sabi. I feel guilty, ayos sana ang situation niya ngayon kung hindi ako nagpumilit na matulog sa ibabaw niya. Ang selfish ko.
"Sleep, love. I'm sorry." I pinched my palm as I imagine him struggling because he can't sleep last night. I even bit my lower lip, pinagbigyan niya pa rin ako kahit alam niyang mahihirapan siya.
Babawi ako sa kanya, sisiguraduhin ko na makakabawi ako. Alam ko ang pakiramdam ng kulang sa tulog kaya kahit paano ay susubukan kong bumawi.
Iniwan ko siya nang makatulog na ulit siya nang mahimbing. Pinusod ko ang buhok ko bago ako nagsimula sa paghahanda ng almusal. Abot pa sa 8 am, magbreakfast on bed na lang siya.
Nagluto ako ng sinigang na hipon, calderetang baboy at toccino. Pinunasan ko muna ang pawis ko, ayoko naman na amoy pawis ako.
Inilagay ko sa isang food tray ang mga niluto ko. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos niya. Ibinaba ko sa bedside table ang tray saka ko inalog ang balikat niya para gisingin siya.
"Kai..." I called him and shake his shoulder again.
"Kaizer? Love, gising ka muna." I heard him groaned a bit kaya alam kong gising na siya.
Humawak ako sa kanyang bewang saka lumapit pa sa kanya. Hinawi ko ang kanyang buhok na bahagyang tumatabing sa kanyang mukha.
"Hey, eat ka muna..." Panlalambing ko sa kanya habang hinahaplos ko ang kanyang bewang. He held my hand and intertwined it with his.
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...